Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!

Announcement to everyone!

Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.

What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta

Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!

Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.

Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.

Kitakitz na lang!

Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14

Grand Chase Philippines

Grand Chase Philippines
The number one casual online game in the Philippines. Register now for free at www.my.levelupgames.ph

Grace Glinofria

Grace Glinofria
Please like the Facebook fan page of Grace Glinofria. Just click the photo. . .

Saturday, January 9, 2010

Launching of The Straw Hats Forums Online!!!!!

Ngayong darating na January 10, 2010, muli na namang magkakaroon ng online forum ang ating organisasyon para sa ating mga miyembro, ang The Straw Hats Forums Online (http://www.shpirates.invisionplus.net).

Ginawa ang Straw Hats Pirates Official Website upang makapaghatid ng balita tungkol sa ating organisasyon sa iba't-ibang dako ng bansa samanatala ang The Straw Hats Forums Online naman ay ginawa upang malayang makapagsalita ang ating mga miyembro sa mga napapanahong isyu. Bukod dito, maaari rin silang magchat, magpost ng kung anu-anong topic at marami pang iba. Sa online forum din nating ito i-popost ang kwentong "Straw Hats The Grand Adventure" na eksklusibo lang na mababasa ng ating mga miyembro.

Maaari ding sumali ang hindi natin mga miyembro sa ating online forum. magsign-up lang sa nasabing website at hanapin ang "Guest's Section", at doon ilagay ang inyong pangalan at iba pang requirements na nandoon. Hangga't hindi pa inaaprove ng ating leader ang verification notice na ipapadala sa kanyang Yahoo! Mail account, hindi pa kayo maaaring makapagpost at makisali sa usapan sa aming online forum.

The Forum is available now but its still under construction.

Tuesday, January 5, 2010

Febeilyn, Ayaw Kay Nico!!!!!

Hindi pa man nanliligaw, masasabi na nating "busted" na si Nico Mikhail Reciproco kay Febeilyn Estorninos.

Sa inilabas na balita ng ating website noong December 27, 2009, binabalak ni Nico na ligawan si Febeilyn sa January 4, 2009. Sa mismong araw na iyon, nilinaw na ni Febeilyn na wala siyang balak na sagutin ng "oo" si Nico kung sakaling itinuloy nito ang panliligaw sa kanya.

"Naging close na kami eh tapos magkakaroon ng ganitong issue. Ayoko ng ganon", pahayag ni Febeilyn.

Ayon pa kay Febeilyn, ang new years resolution niya para sa 2010 ay iwasan na ang magkaroon ng boyfriend. Dagdag niya pa, crush niya ang isa sa ating miyembro na si Tom Jhon Morada. No comment naman si Tom Jhon dahil sa kasalukuyan ay girlfriend niya ang 2nd year na si Michiko.

Saturday, January 2, 2010

Desiree Is Still Jhozah!!!!!

Naging isang malaking katanungan para sa ilang grupo ng Kalapapoh Brothers at Jhozah Xociety kung paano nga ba naging opisyal nating miyembro si Desiree Ann Renio. Ilan sa kanila ang nabigla at inakalang iniwan ni Desiree ang Jhozah Xociety, tulad nina Ronnie Erellana, John Riel Noja at Febeilyn Estorninos.

Ayon mismo sa ating leader na si Julianne Rauland Martir, personal niyang inalok si Desiree na sumali sa atin oras na may napatunayan na o may nagawa nang kapaki-pakinabang ang ating grupo. Tinanggap naman ni Desiree ang alok sa kanya ni Julianne. Ngunit, bagama't wala pa naman tayong nagagawa na malaking proyekto, opisyal nang inihayag ni Julianne na si Desiree ang ika-dalawampu't dalawa nating miyembro.

"Hindi ko pa naman hinihingi ang kooperasyon niya o makisama sa grupo natin. I consider her as our member para may exposure naman siya sa site natin. Kung ayaw nia munang maki-join satin, it's up to her, 'di ko siya pipilitin. She accepted my offer and I hope na isa siya sa magiging dahilan ng pagiging successful ng ating grupo sa hinaharap and I trust her naman coz, alam ko naman na marami siyang talent na alam kong mapapakinabangan natin for the coming years", paliwanag ni Julianne Rauland Martir.

Samantala, nagbigay naman siya ng komento sa Jhozah Xociety at Kalapapoh Brothers

"Sa mga miyembro naman ng Jhozah at Kalapapoh na iniisip na lumipat si Des sa amin, alam niyo naman sa mga sarili niyo na hinding-hindi kayo iiwan ni Des eh. Member siya ng Jhozah but at the same time, she's also a member of Straw Hats. Sana hindi na lumaki pa at pag-usapan sa school ang issue na ito".

Friday, January 1, 2010

New Year Lovers!!!!!


Nitong nakaraang buwan ng Disyembre, dalawa sa mga miyembro ng Straw Hats Cainta ang nagkaroon na ng kani-kanilang girlfriend.

Kinumpirma ni Jeffrey Melendrez na noong bisperas ng bagong taon ay sinagot na siya ng kaniyang nililigawan na si Krisselle Ann Dimaala. Ayaw ng magbigay pa ng impormasyon ni Jeffrey tungkol sa girlfriend niya.

Samantala, muli namang nagkabalikan ang dating magkasintahang sina Jhomel Santirba at Angelica Aljas noong December 17, 2009. Ayon kay Jhomel, sisikapin niyang maging matibay ang kanilang relasyon ngayong panibagong taon.

Most Read Posts