Magkakasamang sumugod ang mga estudyante ng PUP at University of the Philippines (Diliman at Los Baños) sa tanggapan ng CHED sa Quezon City. Ipinoprotesta nila ang tuition hike sa kani-kanilang campus. Nasira ng mga estudyante ang main gate ng CHED. Nagtangka pang pasukin ang mismong building. Dahil dito gumamit na ng mga fire extinguishers ang mga empleyado.
Makalipas ang ilang oras, lumabas na ang chairman ng CHED na si Chairman Emmanuel Angeles. Sinabi ni Angeles na hindi niya umano aaprubahan ang tuition hike ng PUP at UP.
Ikinatuwa ito ni HC Julianne dahil hindi na maapektuhan ang ating miyembro na si Desiree Ann Renio na mag-aaral sa PUP sa kolehiyo.
"I am very happy sa naging desisyon ni Chairman Angeles. Mas makabubuti ito para kay Desiree at sa mga magiging miyembro pa ng Straw Hats sa PUP kung saka-sakali", pahayag ni HC Julianne.
Sagot naman ng PUP, 600 million pesos lamang ang budget nila kumpara sa 6 billion pesos fund ng iba pang state universities.
Pambawi ng ating grupo, huwag sanang ipagkait ng PUP ang mataas na kalidad ngunit mababang halaga ng edukasyon.
"Nirerespeto ko 'yung hinaing ng PUP, pero sana maintindihan din nila na maraming kabataang Pinoy ang nais makapg-aral ngunit walang sapat na pera. Sana pagpasensyahan na lamang ninyo kung bakit nagagalit ang mga estudyante kabilang na ang aming grupo. Hindi naman kailangan siguro ng malaking pondo dahil alam naman namin na mataas ang kalidad ng inyong pagtuturo kahit hindi gaanong maganda ang ilang facilities ninyo", huling pahayag ni HC Julianne.
No comments:
Post a Comment