Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!

Announcement to everyone!

Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.

What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta

Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!

Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.

Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.

Kitakitz na lang!

Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14

Grand Chase Philippines

Grand Chase Philippines
The number one casual online game in the Philippines. Register now for free at www.my.levelupgames.ph

Grace Glinofria

Grace Glinofria
Please like the Facebook fan page of Grace Glinofria. Just click the photo. . .

Friday, March 26, 2010

Straw Hats at SJNHS Recognition Day!!!!!

Humakot ng parangal ang ilang mga miyembro ng ating organisasyon sa isinagawang Recognition Day ng San Juan National High School sa Anak Pawis Multi-Purpose Covered Court sa Cainta, Rizal.


Isinagawa ng SJNHS ang Recognition Day bilang pagbibigay parangal sa mga natatangi at mahuhusay nilang mag-aaral. Sinimulan ang programa ng isang panalangin sa pangunguna ni Mrs. Letecia Dela Cruz. Kasunod nito ang pag-awit ng Lupang Hinirang sa pagkumpas ni Mr. Jelson Trinidad. Sumunod dito ang pagbibigay ng mensahe ng principal ng SJNHS na si Mrs. Roquita Suyod at ang PTA Treasurer.

Nagbigay aliw sa mga mata ng mga manonood ang stage performance ng ilang piling estudyante ng IV - 1 Diamond kung saan kanilang ginaya ang mga pelikulang High School Musical 1 at High School Musical 2. Kabilang sa mga nagperform ay ang mga miyembro nating sina Desiree Ann Renio at Jeffrrey Aniel.

Kasunod ng stage performance ay ang awarding. Nakakuha ng medalya si High Council Noemie Justado dahil sa pagiging top 3 ng IV - 3 Gold. Nakatanggap naman ng certificate mula kay Mr. Rubener Tacsay sina High Council Nico Mikhail Reciproco at Christian Ora sapagkat sila'y nag-participate sa nakaraang 2009 Boy Scout Camping na ginanap sa Teresa, Rizal. Humakot naman ng tatlong medalya si Desiree Ann Renio dahil sa pagiging top 4 ng IV - 1 Diamond, pagiging Best in Filipino at editor-in-chief ng diyaryong "Ang Marayag", na naging 6th place sa News Page Category sa ginanap na National School Press Conference sa Tagum City, Davao Del Norte.

Nagtapos ang programa ng magbigay ng mensahe si Mrs. Ma. Violeta Uy at ang huling performance ng mga stage performers.

Taas-noo namang ipinagmamalaki ni High Council Julianne Rauland Martir ang mga miyembro nating nakakuha ng parangal sa Recognition Day ng San Juan National High School.

No comments:

Post a Comment

Most Read Posts