Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!

Announcement to everyone!

Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.

What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta

Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!

Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.

Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.

Kitakitz na lang!

Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14

Grand Chase Philippines

Grand Chase Philippines
The number one casual online game in the Philippines. Register now for free at www.my.levelupgames.ph

Grace Glinofria

Grace Glinofria
Please like the Facebook fan page of Grace Glinofria. Just click the photo. . .

Thursday, February 4, 2010

The 23rd Member of Straw Hats!!!!!

Ngayong araw ng Huwebes, February 4, 2010, isa pang miyembro ng grupong Jhozah Xociey na si Jeffrey Aniel ay opisyal nang inihahayag ng ating organisasyon bilang ika-dalawampu’t tatlo nating miyembro.

February 2, 2010, pabirong sinabi ni Jeffrey Aniel kina Julianne Rauland Martir at Nico Mikhail Reciproco na siya ay sasali sa ating organisasyon habang nag-aayos ang dalawa ng mga sirang upuan ng room ng IV – 1 Diamond sa loob ng San Juan National High School. Hindi ito pinansin ni Julianne at Nico dahil alam nilang nagbibiro lamang ito.

Sinundan niya pa ang birong ito noong February 3, 2010 habang nakatambay sina Julianne at Nico, kasama sina Alexander Balangan at Tom Jhon Morada sa harap ng canteen ng nasabing school. Narinig din ito ng mga kasama niyang sina Roselyn Bandola at Michelle Salanguste. Gaya ng una, hindi ulit ito pinansin ni Julianne.

Kinahapunan, muling nag-ayos ng mga sirang upuan sina Julianne at Nico kasama si Jose Edwin Dailan Jr. Nang hapong iyon, biniro ni Julianne si Michelle Salanguste na sumapi na si Jeffrey sa atin.

Kinabukasan, pansamantalang ginamit ng mga estudyante ng IV – 1 Diamond ang room ng III – 5 Charles sa 3rd floor ng SJNHS. Doon naman, si Febeilyn Estorninos naman ang biniro ni Julianne tungkol sa pagiging Straw Hats ni Jeffrey. Ipinagbigay-alam naman ito ni Febeilyn sa Jhozah. Sinabi ni Julianne na binibiro lamang niya si Febeilyn kaya naman, pakunwari nilang niloko si Jeffrey. Nagpanggap ang mga ito na nagtatampo sila rito dahil sa pagsali nito sa ating grupo. Bukod ditto, minaldita din siya ni Mark Evan Paurong hanggang sa napaiyak na ito. Naging successful ang plano ng Jhozah para kay Jeffrey ngunit, ‘di nila inaasahan na dadamdamin ni Jeffrey ang mga nangyari hanggang sa hindi niya na pansinin ang mga miyembro ng Jhozah.

Samantala, sa time ng kanilang Filipino subject, ipinatawag ang lahat ng miyembro ng Jhozah Xociety sa Guidance Office ng SJNHS dahil sa pagkadawit sa isang insidente.

Nakabalik sila nang mag-uuwian na. Bago bumaba si Jeffrey ng school, sinabihan niya si Julianne na siya ay miyembro na ng ating grupo. Sa sinabi niyang iyon, nakatitiyak na si Julianne na seryoso na ito sa kanyang sinabi.

Simula sa araw na ito, ipapaskil na sa ating website ang mga importanteng bagay na nangyayari kay Jeffrey Aniel. Opisyal naming siyang wine-welcome sa aming grupo at inaasahan naming na siya ay malaking tulong para sa mga plano ng Straw Hats Pirates sa hinaharap.

Jeffrey Aniel, Desiree at Jhozah Xociety, Na-Guidance!!!!!

February 4, 2010, ipinatawag ang grupong Jhozah Xociety sa Guidance Office ng San Juan National High School, kabilang na an gating mga miyembo na sina Desiree Ann Renio at Jeffrey Aniel matapos na madawit sa isang isyu habag sila’y nasa room ng III – 5 Charles.

Oras ng kanilang subject na Mathematics, bago pa man pumasok sa kanilang classroom ang kanilang Math teacher na si Bernie Umandap, nagpasya na itong lumabas na lamang at huwag ng magturo dahil sa matinding ingay ng klase. Agad naman na nag-react ang isa nilang kaklase na si Janel Guibao at sinabi ang mga katagang ito. “Ano ba naman kayo, ang ingay-ingay niyo mga nasa likod”.

Dahil sa nakaupo ang Jhozah sa bandang likuran ng classroom, alam nila na sila ang pinapatamaan ni Janel. Agad ding nagreact sina Desiree, Mark Evan Paurong, Micah Dahang at Vernalyn Sico na pinatamaan ng masasakit na salita si Janel hanggang sa umiyak ito.

Samantala, lingid sa kanilang kaalaman, nakarating nap ala ang impormasyong ito sa kanilang adviser na si Nympha Vicencio na nasa kanyang table sa 2nd floor ng new building ng SJNHS. Ipinatawag niya si Janel at ang Jhozah sa Guidance Office sa oras ng kanilang Filipino subject. Walang impormasyon an gating organisasyon sa kanilang mga napag-usapan. Ang alam lang natin, nagbigay ng suhestyon ang Chairman ng English Department ng SJNHS na si Jose Claro Tadeo na ilagay sa magkakaibang section ang mga miyembro ng Jhozah. Sakaling mangyari ito, nakahanda na ang ating grupo na kontrahin ang desisyong ito.

Grand Chase Most Wanted!!!!!

This week, nagtatag ng isang guild sa casual online game na Grand Chase Philippines ang ating leader na si Julianne Rauland Martir, Alexander Balangan at ilan pa nilang mga kaibigan.

Sa pamamagitan ng Grand Chase Boards Forums. Itinatag nila ang guild na pinangalanang Grand Chase Most Wanted sa pangunguna ni Eriole Jay Duarte (eHryoHL) at Bryan Fumei (kai357) na naging guild leaders ng grupo. Naging guild officers naman sina Julianne (xGCxShana24) at Erika Fumei (ErikaChase). Kabilang pa sa kanilang mga miyembro ay ang ilang kaklase nina Julianne at Alex na sina Mark Anthony Relox (relox17), Jose Edwin Dailan Jr. (xerophilex) at Edmar Llaneta (hAizst23). Naging bahagi rin ng GCMW ang dating kaalitan nina Alex (Alexanna21) at Eriole (eHryoHL) ang mga miyembro ng 11th Generation of Vongola Family na kinabibilangan ni Julianne. Sina Jomer Pastolero (MojoButas), Jerald Gasataya (xGCxMarkilad) at Michael Molina (xGCxSimgirl2).

Magiging official website ng Grand Chase Most Wanted ang ating sariling website. Ipopost na ditto ang mga latest happening sa kanilang guild. Hindi naman ito nangangahulugan na miyembro na ng Straw Hats Pirates ang lahat ng miyembro ng GCMW. Maliban sa mga balita, nakafeature din sa side bar ng site na ito ang GCMW Player of the Week kung saan ipapakita ang litrato ng player pinakamahusay maglaro sa loob ng isang lingo na magsisimula sa darating na Linggo, February 7, 2010.

Mga Pintura at Mga Brush ng SH, Ninakaw!!!!!

Nakiusap ang adviser ng I – 1 Sampaguita at teacher sa Mathematics I na si Mary Flor Esguerra sa mga miyembro natin na sina Rjay Guinto at Tom Jhon Morada na pagandahin ang Mathematics Department ng San Juan National High School.

February 1, 2010, araw ng Lunes, sinimulan nina Rjay at Tom Jhon ang pagpipintura sa pader ng nasabing school. British blocks ang style ng wall na color peach. Sa bandang itaas naman ay nakalettering ang “Mathematics Learning Center” sa background na yellow green.

Dalawang araw ang nakalipas, misteryosong nawala ang mga pintura at mga brush na iniwan nina Rjay at Tom Jhon sa ilalim ng isang lamesa ng Math Department. Dahil ditto, hindi na naipagpatuloy ng dalawa ang pagpipinta. Inakala n gating organisasyon na ang Good Samaritan Club ang gumamit ng mga ito dahil doon nila isinagawa ang Poster and Slogan Making Contest, bilang bahagi ng selebrasyon ng Values Education Month. Mariin naman itong itinanggi ng president ng Good Samaritan Club na si Michelle Salanguste.

Ayon naman kay Esguerra, may mga 3rd year daw umanong mga estudyante ang naghiram sa kanya ng mga brush na gagamitin umano sa Science Department. Hindi niya na matandaan ang mga mukha ng mga ito. Ayon naman sa Science Department, wala silang alam dito dahil hindi nila kinailangan ng mga brush ng Math Department. Sakaling sisihin ni Esguerra sina Rjay at Tom Jhon, nakahanda an gating grupo na bayaran ang halaga ng mga pintura at mga brush na nawala.

Most Read Posts