Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!

Announcement to everyone!

Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.

What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta

Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!

Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.

Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.

Kitakitz na lang!

Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14

Grand Chase Philippines

Grand Chase Philippines
The number one casual online game in the Philippines. Register now for free at www.my.levelupgames.ph

Grace Glinofria

Grace Glinofria
Please like the Facebook fan page of Grace Glinofria. Just click the photo. . .

Wednesday, March 31, 2010

Raynee, Na-FOL Daw Kay Julianne!!!!!

Halos apat na linggo na ang nakakalipas ng tapusin nina High Council Julianne Rauland Martir at Raynee Cabatingan ang kanilang relasyon ngunit hanggang ngayon, misteryo pa rin para sa ilan nating miyembro ang tunay na dahilan ng break-up ng dalawa.

Ilan sa mga High Councils ang nagulat at nagalit ng biglaang makipag-break si Raynee kay HC Julianne. Lumabas ang mga haka-haka na niloko lamang nito si HC Julianne at sinamantala ang pagkabait nito para kanyang mapakinabangan. Nilinaw naman ni HC Julianne na walang katotohanan ang lahat ng iyon. Sabi niya, siya mismo ang nag-aalok ng tulong kay Raynee. Sa kanilang classroom sa San Juan National High School na naawa lamang si Raynee kaya niya sinagot si HC Julianne. Hindi naman nawawala sa utak ni HC Julianne ang posibilidad na totoong naawa talaga sa kanya ang dalaga.

Ayon naman kay Raynee, na-FOL daw siya kay HC Julianne o na-fall out love. Ibig sabihin, biglaang nawala ang pagmamahal niya kay HC Julianne sa isang iglap lang. Hindi ito natanggap ni HC Julianne dahil sa sobrang pagmamahal nito sa dalaga.

Ilan naman sa mga High Councils ang nagbigay ng komento.

“Sabi na nga ba sa simula pa lang, si Raynee din ang makiki-pagbreak eh”, sabi ni High Council Alexander Balangan.

“Minsan nga lang magmahal si Captain shet ginanon pa. T*******o Cap wag ka na lang magmahal”, sabi ni High Council Jhomel Santirba.

“Hindi ko masisisi kung bakit nagagalit sina Alex at Jhomel. Sa tingin ko mahirap lang talaga ako mahalin, wag sana kayong magalit kay Rhai, kasalanan ko naman”, huling pahayag ni HC Julianne.

 Samantala, sinabi naman nina High Council Tom Jhon Morada at High Council Rjay Guinto na wag nang umasa si HC Julianne kay Raynee dahil sweet na sweet umano sina Raynee at ang manliligaw nitong si Mark Anthony Relox. May mga lumabas na balita na isinumbong daw ni HC Julianne na may relasyon sina Relox at Raynee sa kuya ng dalaga na si Ronnel Cabatingan. Itinanggi ni HC Julianne ang paratang na ito aniya, wala siyang kinalaman o maging ang mga miyembro ng Straw Hats Pirates sa pagkaka-alam ng kanyang kuya. Wala daw pakialam ang ating grupo kung may relasyon nga talaga ang dalawa.

Monday, March 29, 2010

Jennylyn, Patuloy na Niloloko ng Kanyang Boyfriend!!!!!

Isang miyembro ang ating grupong Straw Hats Pirates ang nagbigay ng tip kay High Council Julianne Rauland Martir at High Council Jeffrey Melendrez tungkol sa umano’y pantataksil ni Jobert Eraldo, boyfriend ng ating miyembro na si Jennylyn Cruz.

Ayon sa babaeng itatago natin sa pangalang “Haruhi”, magkasama ‘di umano itong si Jobert at ex-girlfriend nitong si Anna Marie Tamayo noong March 20, 2010 sa graduation day ng isang kilalang pre-school sa Anak Pawis Covered Court. Ang CAT Officers ng San Juan National High School ang nakatoka na maging colors ng naturang programa. Dito, nakita ni Haruhi ang kolokoy na si Jobert na kaakbay si Anna Marie. May mga pagkakataon pang inuutusan nitong dalaga si kolokoy. Matagal din daw na magkahawak-kamay ang dalawa, walang kamalay-malay na pinagmamasdan na sila ni Haruhi.

Ayon kay HC Julianne, dati pa naman niyang alam na niloloko lamang ni Jobert itong si Jennylyn. Hindi na lamang niya pinapakelaman ang relasyon ng dalawa dahil iyon ay isyung personal na ngunit, nakasaad sa batas ng ating grupo na may karapatan ang leader na mangelam sa bawat bagay na ginagawa ng lhat ng miyembro ng ating grupo. Ukol dito, sinabi ni HC Julianne na magtotoka siya ng ilang mga miyembro natin na babantay kina Jobert at Anna Marie dahil miyembro natin ang nasasaktan ditto.

Matatandaang ikinanta ni Jennylyn noong nakaraang Pebrero na may ginawang kahindik-hindik sina Jobert at Anna Marie, palibhasa mga kating-kati. Umiyak ng labis si Jennylyn kasama ang mga High Councils sa bahay nina High Council Tom Jhon Morada.

Ayon pa kay HC Julianne, wala siyang balak sirain ang relasyon nina Jennylyn at Jobert. Nais lamang daw niyang ipamulat sa lahat ng ating miyembro ang sakit na pinag-dadaanan ng kanyang Mommy Jhen.

Charlene Moldez, Unang Miyembro ng Straw Hats sa RESPSCI!!!!!



Isang babaeng kasalukuyang nag-aaral sa Rizal Experimental Station and Pilot School of Cottage Industries o RESPSCI sa Pasig City na si Charlene Moldez, ang pinakabagong dumagdag sa listahan ng ating mga miyembro ng ating grupong Straw Hats Pirates. Ito’y inaprubahan nina High Council Julianne Rauland Martir, High Council Rjay Guinto, High Council Tom Jhon Morada, High Council Nico Mikhail Reciproco at High Council Alexander Balangan nitong March 26, 2010.

Si Charlene ay dating schoolmate ni HC Julianne sa RESPSCI nung sila’y 2nd year students pa lamang. Dati nang nagkaroon ng feelings si HC Julianne kay Charlene ngunit hindi niya ito niligawan dahil may boyfriend ito nung mga panahong iyon.

Nagkainteres sumali si Charlene sa atin ng ikwento sa kanya ni High Council Jeffrey Melendrez ang tungkol sa ating grupo nang siya’y isinama ni HC Julinne sa bahay ng dalaga sa Anak Pawis, bayan ng Cainta gabi ng March 25, 2010.

Kinabukasan, bumalik sa bahay ni Charlene sina HC Julianne kasama sina HC Nico, HC Rjay at HC Tom Jhon. Dito, sinabi ni Charlene na gusto niyang sumali sa ating grupo dahil nais daw niyang makakilala ng mga bagong kaibigan. Sa una, nagdalawang isip pa si HC Julianne dahil ayaw niyang madamay siya sa away n gating grupo at ng grupong Jhozah Xociety. Pumunta ang apat sa bahay nina HC Alexander upang hingin ang opinion nito. Pumayag naman agad si HC Alexander dahil nais niya ring magkaroon ng mga bagong miyembrong babae. Sina HC Julianne at HC Nico na lamang ang bumalik sa bahay nina Charlene. Natuwa ang dalaga ng pumayag na si HC Julianne na pasalihin siya sa grupo.

Matatandaan naming pansamantalang pumasok si Charlene sa San Juan National High School dahil nung mga oras na iyon, lubog ang RESPSCI sa tubig-baha bunga ng nagdaang Bagyong Ondoy. Marami rin sa Straw Hats Pirates ang nag-akala na girlfriend ni HC Julianne si Charlene at dahil dito, siya’y na-featured sa ating website noong nakaraang October 26, 2009. Dito nilinaw ni HC Julianne na anak ang turing niya kay Charlene at si Raynee Cabatingan ang mahal niya nung mga panahong iyon.
Si Charlene ay salutatorian ng RESPSCI Batch ’10 at ga-graduate sa darating na Miyerkules, March 31, 2010.

Friday, March 26, 2010

Straw Hats at SJNHS Recognition Day!!!!!

Humakot ng parangal ang ilang mga miyembro ng ating organisasyon sa isinagawang Recognition Day ng San Juan National High School sa Anak Pawis Multi-Purpose Covered Court sa Cainta, Rizal.


Isinagawa ng SJNHS ang Recognition Day bilang pagbibigay parangal sa mga natatangi at mahuhusay nilang mag-aaral. Sinimulan ang programa ng isang panalangin sa pangunguna ni Mrs. Letecia Dela Cruz. Kasunod nito ang pag-awit ng Lupang Hinirang sa pagkumpas ni Mr. Jelson Trinidad. Sumunod dito ang pagbibigay ng mensahe ng principal ng SJNHS na si Mrs. Roquita Suyod at ang PTA Treasurer.

Nagbigay aliw sa mga mata ng mga manonood ang stage performance ng ilang piling estudyante ng IV - 1 Diamond kung saan kanilang ginaya ang mga pelikulang High School Musical 1 at High School Musical 2. Kabilang sa mga nagperform ay ang mga miyembro nating sina Desiree Ann Renio at Jeffrrey Aniel.

Kasunod ng stage performance ay ang awarding. Nakakuha ng medalya si High Council Noemie Justado dahil sa pagiging top 3 ng IV - 3 Gold. Nakatanggap naman ng certificate mula kay Mr. Rubener Tacsay sina High Council Nico Mikhail Reciproco at Christian Ora sapagkat sila'y nag-participate sa nakaraang 2009 Boy Scout Camping na ginanap sa Teresa, Rizal. Humakot naman ng tatlong medalya si Desiree Ann Renio dahil sa pagiging top 4 ng IV - 1 Diamond, pagiging Best in Filipino at editor-in-chief ng diyaryong "Ang Marayag", na naging 6th place sa News Page Category sa ginanap na National School Press Conference sa Tagum City, Davao Del Norte.

Nagtapos ang programa ng magbigay ng mensahe si Mrs. Ma. Violeta Uy at ang huling performance ng mga stage performers.

Taas-noo namang ipinagmamalaki ni High Council Julianne Rauland Martir ang mga miyembro nating nakakuha ng parangal sa Recognition Day ng San Juan National High School.

Thursday, March 25, 2010

Straw Hats Pirates, Natuwa sa Desisyon ng CHED!!!!!

Natuwa si High Council Julianne Rauland Martir sa sinabi ng Commission on Higher Education o CHED na hindi nila aaprubahan ang tangkang pagtataas ng tuition fee ng Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa, Manila.

Magkakasamang sumugod ang mga estudyante ng PUP at University of the Philippines (Diliman at Los Baños) sa tanggapan ng CHED sa Quezon City. Ipinoprotesta nila ang tuition hike sa kani-kanilang campus. Nasira ng mga estudyante ang main gate ng CHED. Nagtangka pang pasukin ang mismong building. Dahil dito gumamit na ng mga fire extinguishers ang mga empleyado.

Makalipas ang ilang oras, lumabas na ang chairman ng CHED na si Chairman Emmanuel Angeles. Sinabi ni Angeles na hindi niya umano aaprubahan ang tuition hike ng PUP at UP.

Ikinatuwa ito ni HC Julianne dahil hindi na maapektuhan ang ating miyembro na si Desiree Ann Renio na mag-aaral sa PUP sa kolehiyo.

"I am very happy sa naging desisyon ni Chairman Angeles. Mas makabubuti ito para kay Desiree at sa mga magiging miyembro pa ng Straw Hats sa PUP kung saka-sakali", pahayag ni HC Julianne.

Sagot naman ng PUP, 600 million pesos lamang ang budget nila kumpara sa 6 billion pesos fund ng iba pang state universities.

Pambawi ng ating grupo, huwag sanang ipagkait ng PUP ang mataas na kalidad ngunit mababang halaga ng edukasyon.

"Nirerespeto ko 'yung hinaing ng PUP, pero sana maintindihan din nila na maraming kabataang Pinoy ang nais makapg-aral ngunit walang sapat na pera. Sana pagpasensyahan na lamang ninyo kung bakit nagagalit ang mga estudyante kabilang na ang aming grupo. Hindi naman kailangan siguro ng malaking pondo dahil alam naman namin na mataas ang kalidad ng inyong pagtuturo kahit hindi gaanong maganda ang ilang facilities ninyo", huling pahayag ni HC Julianne.

SJNHS Graduation Practice Update!!!!!

Araw ng Miyerkules, March 24, 2010, nagsagawa ng practice ang mga 4th year students ng San Juan National High School sa loob ng gymnasium ng Cainta Elementary School sa bayan ng Cainta bilang paghahanda sa nalalapit nilang graduation.

Bago ang practice, nagsagawa muna ng isang misa ang mga 4th year students sa Our Lady of Fatima Church sa bayan ng Cainta upang mabasbasan ng Poong Maykapal ang kanilang pag-graduate.

Inumpisahan naman ni High Council Rjay Guinto ang pagpapacute sa napupusuan niyang babae na si Marjorie Abutan, miyembro ng grupong Jhozah Xociety. Matapos ang misa, inaya ni HC Rjay ang iba pang mga miyembro ng ating grupo na bumili muna ng Slurpee sa 7-11 Convenience Store. Ipinabigay niya ang Slurpee kay High Council Julianne Rauland Martir na siyang nagbigay kay Marjorie Abutan.

Alas-dose ng tanghali, oras ng kanilang lunch break, sinabi ni Febeilyn Estorninos kay HC Julianne na hindi pa umano kumakain sa Marjorie dahil hindi ito nakapagdala ng baon. Nang ito'y malaman ni HC Rjay, muli niyang inaya ang ilang nating mga miyembro na bumalik sa 7-11. Binilhan ni HC Rjay ng German Cheesedog at can size na Royal True Orange si Marjorie upang ito'y makakain. Sa pagkakataong ito, siya na mismo ang nag-abot kay sa dalaga.

Matapos ang lunch break, pinractice na ng mga estudyante ang pag-aabot ng diploma. Dito, gumawa ng eksena si HC Rjay matapos dedmahin ang teacher nila sa Values Education na si Ma. Violeta Uy na siyang mayu hawak ng diploma habang ito'y nasa stage. Paglilinaw ni HC Rjay, ayaw daw ni Mrs. Uy hawakan ang kanyang kamay.

Napansin naman ng mga High Councils ang dedmahan nina HC Julianne at ex-girlfriend nitong si Raynee Cabatingan. Ang miyembro nating si Jeffrey Aniel ang palaging kasama ni Raynee ngunit wala itong alam sa mga nangyayari. Galit naman si HC Jhomel Santirba ng malaman niyang nagkakamabutihan na si Raynee at Mark Anthony Relox. Ayon sa kanya, ngayon niya lang ulit nakita na malungkot si HC Julianne matapos ang halos siyam na buwan.

Naglakad naman pauwi ang mga High Councils kasama ang isang miyembro ng grupong Kalapapoh Brothers na si Rhazel Arao.

Tuesday, March 23, 2010

PUP Price Hike!!!!!

Naglabasan sa mga programa ng iba't ibang network sa telebisyon ang balitang tataas ang tuition fee sa Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa, Manila.

Nangamba ang leader ng Straw Hats Pirates na si Julianne Rauland Martir sa balitang ito dahil sa PUP binabalak mag-aral ng kolehiyo ang miyembro nating si Desiree Ann Renio. Ayon kay Julianne, makaka-apekto ng malaki ito sa estado ng buhay ni Desiree.

Ayon sa mga estudyanteng nagrally sa tanggapan ng Commission on Higher Education o CHED sa Quezon City, mula sa PHP12.00 per unit, aabot na ito sa PHP200.00 per unit. 'Di umano, ayaw na raw pag-aralin ng PUP ang mga mahihirap na mamamayang Pilipino.

Nilinaw naman ng pamunuan ng PUP na piling mga kurso lamang ang tataasan nila ng bayad.

Balitang GCMW!!!!!

Simula na uli ng pagpopost ng balita ng ating organisasyon sa ating website. Kasabay nito ang pagsisimula ng pagpopost ng weekly updates tungkol sa GCMW o Grand Chase Most Wanted, ang guild nina Alexander Balangan at Julianne Rauland Martir sa casual online game na Grand Chase Philippines.

Noong Martes, March 16, 2010, inilabas ng Grand Chase Philippines ang 4th Job ng character na Ryan, ang Avenger. Marami sa mga miyembro ng GCMW ang nagnais na makakuha ng job na ito subalit hanggang sa ngayon wala pa sa kanila ang nagkaroon.

Samantala, opisyal ng nag-break sina Eriole Jay Duarte at Justine Patron matapos ang halos 1 taon at 2 buwan nilang relasyon. Ayaw ng sabihin pa ng dalawa ang ugat ng kanilang break-up. Ayon naman kay Justine, nami-miss niya ang lambingan nila ni Eriole.

Nagkakamabutihan naman ngayon sina Mark Anthony Relox at ang ex-girlfriend ni Julianne na si Raynee Cabatingan. Muli nang nanunuyo si Relox kay Raynee matapos itong makipag-break kay Julianne.

Samantala, kapansin-pansin naman ang pagbabalik ni Noel Payo na pinakamagaling sa GCMW sa paggamit ng melee type characters.

Yan ang mga balitang nasagap ng team GCMW sa buong linggo. Abangan ang balitang GCMW tuwing linggo dito sa website ng Straw Hats Pirates.

Most Read Posts