Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!

Announcement to everyone!

Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.

What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta

Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!

Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.

Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.

Kitakitz na lang!

Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14

Grand Chase Philippines

Grand Chase Philippines
The number one casual online game in the Philippines. Register now for free at www.my.levelupgames.ph

Grace Glinofria

Grace Glinofria
Please like the Facebook fan page of Grace Glinofria. Just click the photo. . .

Friday, October 30, 2009

Jennylyn Cruz, Itinanggi ang mga Sisi sa Kanya ni Jeffrey!!!!!

Mariing itinanggi ni Jennylyn Cruz ang pahayag ni Jeffrey Melendrez sa ating website noong October 29, 2009.

Ayon kay Jen, wala daw siyang kinalaman sa mga pagpaparinig ni Venus Librero noong October 26, 2009.

"Galit na galit ako sa kanya kasi, pinagbibintangan niya ko agad. Nagbago na yung tingin ko sa kanya ngayon", sabi ni Jen.

Samantala, ayon naman kay Jeffrey, pati daw si Jen ay nagparining din ngunit, hindi niya na maalala pa kung ano ang mga ito.

John Carlo, Sumali sa Holloween Costume Contest ng SSG!!!!!

October 30, 2009, sumali si John Carlo Bombales sa holloween costume contest na ginanap sa San Juan National High School sa pangunguna ng Supreme Student Government.

Suot ang simpleng kulay itim na t-shirt, naka-make-up at naka-black lipstick, sumali si John Carlo sa contest dahil siya ang pambato ng IV-Gold. Hindi man pinalad manalo, naging masaya pa rin siya. Hindi naman siya nasuportahan ng ating organisasyon, naroon naman para manood ang ating mga miyembro na sina Nico Mikhail Reciproco, Aldrin Oloroso, Julianne Rauland Martir at John Peternhiel Perez.

Samantala, tinamaan naman siya ng bato sa dibdib mula sa ikatlong palapag ng ne building ng SJNHS. Talagang mga walang modo ang mga lower section ng SJHNS.

Julianne, Namulot ng mga Basura sa Creek!!!!!

October 28, 2009, namulot ng mga basura si Julianne Rauland Martir, kasama ang mga kainuman niyang tambay na sina Ryan, Jomar, Dudong, Bartolo, Pelot at JR sa tulay ng Lower Block 30 Kabisig Barangay San Andres, Cainta, Rizal.

Dahil sa dumadaming populasyon ng mga lamok, maraming residente ang napeperwisyo nito at maaari pa itong maging banta sa kalusugan nila. Kaya naman, naisipan ng mga tambay sa nasabing lugar na bawasan na ang mga basurang nasa creek. Hinaharangan kasi ng napakaraming basura ang daloy ng tubig, kaya naman, napapabilis ang pangingitlog ng mga lamok.

Gamit ang kalaykat at pala, matiyaga nilang dinampot ang mga basura sa creek at iniligay ito sa mga sako na ibinigay ng isang kagawad ng Brgy. San Andres. Masangsang ang amoy ng mga basura, lalong-lao na ang mga dumi ng tao at mga nabubulok na hayop na nasa loob ng mga plastic. Nagpahirap pa sa kanilang trabaho ang mga naglulutangang mga kutson, unan, sofa at tarpauline na sobra ang bigat. Gumamit naman sina Bartolo at Pelot ng bangkang yari sa tagpi-tagping kahoy at container upang maitaboy ang mga basura na nasa ilalim ng mga bahay papunta sa tulay.

Samantala, nag-ambagan naman ang mga concern citizens ng nasabing lugar, para sa tanghalian, mirienda at pang-inom ng mga naglinis.

Labing siyam na sako ng basura ang kanilang nahakot ngunit, tila hindi naman ito nabawasan dahil patuloy pa rin sa pagtapon ng basura ang mga residente ng Lower Blk.1 hanggang Cambridge Village, na napupunta sa Lower Blk. 30.

Thursday, October 29, 2009

Jeffrey, Tuluyan Nang Binitiwan si Jennylyn!!!!!

October 27, 2009, may natanggap na sulat si Jennylyn Cruz mula kay Jeffrey Melendrez. Pagsisisi sa pag-ibig ang nilalaman ng sulat.

Sinasabi ni Jeffrey sa sulat na wala namang bastusan at wag naman daw siyang paikutin ni Jen. Nakalagay din sa sulat na titigilan na niya ang kagaguhang ginagawa niya.

Mariin namang itinanggi ni Jen ang mga bintang sa kanya ni Jeffrey sa sulat.

Samantala, taliwas naman ang pagtanggi ni Jen sa pahayag ni Jeffrey.

"Kap, nung October 26, uwian na nun, magkasama sina Jen at si Venus (Librero), biglang nagparinig si Venus saken", sabi ni Jeffrey.

Narito naman ang sinabi ni Venus ayon kay Jeffrey.

"O yan wala naman pala yan eh".

"Eh ako lang naman ang tao nun maliban sa kanila kaya, alam ko ako yung pinaparinggan nila", pagpapatuloy ni Jeffrey.

SH Will Accept 15 New Members on 2010!!!!!

Kinumpirma na ni Julianne Rauland Martir na maaari na ulit magsali ng mga bagong miyembro ang ating organisasyon sa darating na buwan ng Enero hanggang Marso.

Maaari na daw ulit magtanggap sa taong 2010 upang mas lalo pang lumakas ang ating organisasyon ngunit limitado lamang ito sa labing-limang katao lamang dahil, hindi pa kaya ni Julianne ang humawak ng malaking organisasyon.

Hindi kasama sa limitadong bilang ang mga miyembro ng 11th Generation of Vongola Family, Pasawayz Kanto 10, Seigaku Tennis Club at Abelardo Tribes Gangsters na balak din isali ni Julianne sa ating organisasyon.

EMO, Kailangan ng Tulong sa Nobyembre!!!!!


Sa buong buwan ng Nobyembre ay ipagdiriwang ng San Juan National High School ang English Month sa pangunguna ng English Moving Organization.

Inaasahan na magkakaroon ng maraming trabaho si Julianne Rauland Martir, na officer ng EMO, at iba pang officers nito na sina Raynee Cabatingan, Desiree Ann Renio at Febeilyn Estorninos. Kaya naman, humihingi ng tulong ang EMO sa lahat ng miyembro ng ating organisasyon sa mga gagawing activities ng EMO sa SJNHS sa pagdiriwang ng English Month.

Isang Miyembro ng SH, Miyembro Din ng AKP!!!!!


Isa sa mga miyembro ng ating organisasyon ay miyembro din ng fraternity na Alpha Kappa Rho Philippines.

Nakita ni namin ang mga pasa sa kanyang hita dulot ng matinding hazing.

Hindi na namen ipapaalam kung sino ito dahil may takot din kami na baka malaman ito ng eskwelahang kanyang pinapasukan at tuluyan siyang i-kick out.

Inaasahan ng ating organisasyon na lalakas ang ating impluwensya pagdating sa bugbugan.

Tuesday, October 27, 2009

Julianne Napahiya sa Klase ng IV-Diamond!!!!!


October 27, 2009, napahiya sa harapan ng klase ng IV-Diamond si Julianne Rauland Martir, oras ng kanilang subject na Physics, dahil ginawan niya ng preliminary exam si Alexander Balangan noong October 26, 2009.

Absent si Alex noong October 26 kaya naman noong October 27, nagulat ang kanilang Physics teacher na si Victorino Butron nang makita niyang may preliminary exam si Alex. Kaya naman, tinanong niya sa klase ng IV-Diamond kung sino ang gumawa ng preliminary exam ni Alex noong October 26.

Inamin naman agad ni Julianne na siya mismo ang gumawa noon kaya naman, pinapunta siya ng kanyang teacher sa gitna para humingi ng tawad sa kanyang ginawa.

Marami ang nagsabi na napahiya si Julianne sa nangyari pero ayon sa kanya, hindi naman ito kawalan.

"Ok lang yun. Sanay naman akong napapahiya eh", sabi ni Julianne.

Monday, October 26, 2009

Julianne Clears Himself!!!!!



Noong October 15, 2009, pansamantalang lumipat sa San Juan National High School ang kaibigan ni Julianne Rauland Martir na si Charlene Moldez mula sa Rizal Experimental Station and Pilot School of Cottage Industries o RESPSCI. Itinuring ni Julianne na anak si Charlene noong sila'y nag-aaral pa sa RESPSCI.

Nang mga sumunod na araw, naging super close sina Julianne at Charlene dahilan ng pag-iisip ng kanilang mga kaklase at maging ilang mga miyembro nang ating organisasyon na may lihim na pagtitinginan ang dalawa. Mariing itinanggi ito ni Julianne at sinabing anak ang turing niya kay Charlene.

Kalapapoh Brothers vs Jeffrey Melendrez!!!!!

October 23, 2009, inireklamo ng miyemro ng Kalapapoh Brothers na si Ronnie Erellana ang pambabastos sa kanilang grupo ang miyembro ng ating organisasyon na si Jeffrey Melendrez.

Ayon kay Ronnie, hindi niya na daw matiis ang mga sinasabi ni Jeffrey sa kanya na tila nag-aangas ito. Hiningi naman ni Julianne Rauland Martir ang pahayag ni Jeffrey.

"Captain, sila ang unang mambastos. Habang naglalakad kami ng aking mga kaibigan sa Anak Pawis, bigla na lang akong sinikmuraan ng isang miyembro ng Kalapapoh. Tapos nang muli kaming magkita, tinawag ko si Ronnie na matanda. Akalo ko nakikipagbiruan lang sila kaya biniro ko rin", ang pahayg ni Jeffrey.

Samantala, humihingi naman ng dispensa si Julianne para sa Kalapapoh Brothers dahil sa insidente.

"Saken wala akong kinakampihan sa dalawa. Kaibigan ko ang lahat ng miyembro ng Kalapapoh Brothers at ayokong ng gulo hangga't maaari. Magtulungan na lang tayong i-fix ang problemang ito", ang pahayg ni Julianne.

"I Will Never Give Up" - Jeffrey Melendrez

"Hindi ako susuko hanggat hindi napapasakin si Cruz".

Ito ang mariing sinabi ni Jeffrey Melendrez matapos siyang mabusted sa kanyang panliligaw kay Jennylyn Cruz sa mismong kaarawan ng dalaga noong October 20, 2009.

Sinabi niya mismo ang pahayag na ito kay Julianne Rauland Martir sa pamamagitan ng chat sa Yahoo! Messenger. Sa kabila ng nararamdamang sakit, pinatunayan niya kay Julianne kung gaano niya kamahal si Jennylyn.

Hindi naman gaanong naniniwala si Julianne dahil nga may pagkababaero itong si Jeffrey.

"Concern lang ako kasi itinuring ko nang tunay na mommy si Jennylyn", sabi ni Julianne.

Mr. SOCO of SJNHS Returns!!!!!!!!!!!!!


October 21, 2009, muli na namang ginaya ni Julianne Rauland Martir ang host ng ABS-CBN Scene of the Crime Operatives na si Gus Abelgas sa kanilang report sa kanilang Filipino subject.

Nauna nang ginaya ni Julianne si Gus Abelgas nung siya ay estudyante pa lamang ng III-6 Yakal ng San Juan National High School para sa kanilang balitaan sa subject na Araling Panlipunan. Hindi man kasing ganda na paghohost niya tulad nang paghohost niya nung 3rd year, naipakita niya pa rin sa klase ng IV-1 Diamond na kaya niya pa ring gayahin ang host ng ABS-CBN SOCO.

Inaaasahan naman nang iba pang miyembro ng ating organisasyon sa klase ng IV-1 Diamond na muling magbabalik ang husay sa pagrereport ni Julianne.

Wednesday, October 21, 2009

Seigaku Accepts the Offer of Straw Hats!!!!!!!!!


Martes ng gabi, ika-20 ng Oktubre 2009, inalok ni Julianne Rauland Martir na sumali sa Straw Hats Pirates ang mga miyembro ng grupong Seigaku Tennis Club, isang club na nabuo sa RESPSCI sa Pasig City taong 2006.

Miyembro ng nasabing grupo si Julianne kaya naman nang makausap niya sa Yahoo! Messenger ang isang miyembro ng Seigaku na si Rheniel Salazar, sinabi niya dito na ililipat niya ang lahat ng miyembro ng Seigaku sa Straw Hats. Pumayag si Rheniel sa alok ni Julianne at kumpirmasyon na lang mula sa leader ng Seigaku na si Lorenzo Adobas ang magpapatunay na miyembro na ng Straw Hats ang lahat ng miyembro ng Seigaku.

Inaasahan ni Julianne na sasang-ayon si Lorenzo sa alok niyang ito.

Bukod sa Seigaku Tennis Club ay aalukin din ni Julianne na sumali sa Straw Hats ang grupong Pasawayz Kanto 10 at 11th Generation of Vongola Family.

Members of Seigaku Tennis Club:
Lorenzo Adobas
Rheniel Salazar
Julianne Rauland Martir
Emerson Jimenez
Jared Domider
Glenpip Morales
Norberto Suansing Jr.
Francis Arsitio Jr.
Mark Dave Ramos
Colin Dexter Matinong

Tuesday, October 20, 2009

"I Have No Feelings For Raynee Anymore" -Julianne

Ngayong araw na ito ay pormal nang sinabi ni Julianne Rauland Martir na wala na siyang nararamdaman pa kay Raynee Cabatingan.

Dahil sa mga sinabi ng ilan sa mga kaibigan ni Julianne, tuluyan nang nawala ang pagmamahal niya kay Raynee Cabatingan(ang kanyang crush sa school).

Tutal marami namang nagkakagusto kay Raynee, nagpasya na lang si Julianne na ipaubaya na ito sa iba.

Jeffrey Seriously Inlove with Jennylyn Cruz!!!!!!!!



Pormal na ngayong nanliligaw si Jeffrey Melendrez kay Jennylyn Cruz ng IV-Diamond.

Simula nang mag 4th year ang lahat ng Straw Hats Pirates, nagsimula nang mahumaling itong si Jeffrey kay Jennylyn Cruz. Hindi naman siya masisisi dahil maganda at matalino naman si Jennylyn.

Ngayong ipinagdiriwang ni Jennylyn ang kanyang birthday, lumakas na ang loob ni Jeffrey na ligawan na siya.


Happy Birthday Jennylyn Cruz!!!!!!!!!!!!!!!
-from Straw Hats Pirates

Monday, October 19, 2009

13th Monthsary of Alex & Anna!!!!!!!


Sa darating na Oktubre 21, 2009, muli na namang ipagdiriwang nina Alexander Balangan at Anna Rose Santos ang kanilang monthsary.

Isang taon at isang buwan na silang magkarelasyon.

Sana mas tumibay pa lalo ang pagsasama niyo at sana kayo na nga talaga ang itinakda ng Diyos sa isa't isa.

Goodluck!!!!!!

11th Generation of Vongola Family Buried Alex and Jhomel in Hell!!!!!!


Nung sabado nang gabi, dinurog ng mga miyembro ng 11th Generation of Vongola Family sa larong Grand Chase Philippines sina Alexander Balangan at Jhomel Santirba.

Sa unang laro, sina xGCxShana24(Guardian of Rain,Aegis Knight) at MojoButas(Guardian of Cloud, Savior) ang unang dumurog sa dalawang miyembro ng Straw Hats Pirates.

Dahil nayabangan ang nanonood na si xGCxMarkIlad(Guardian of Sun, Magician) pinalitan niya si MojoButas at dalawa naman sila ni xGCxShana24 ang dumurog sa dalawa.

Kahit papano ay nanalo ang dalawa ngunit nanaig pa rin ang lakas ng 11th Generation of Vongola Family.

Sobrang pikon si Alex sa nangyaring ito.

Gusto niya ulit ng isang rematch para subukang talunin sina xGCxShana24, xGCxMarkIlad at MojoButas.

Most Read Posts