
Dahil sa dumadaming populasyon ng mga lamok, maraming residente ang napeperwisyo nito at maaari pa itong maging banta sa kalusugan nila. Kaya naman, naisipan ng mga tambay sa nasabing lugar na bawasan na ang mga basurang nasa creek. Hinaharangan kasi ng napakaraming basura ang daloy ng tubig, kaya naman, napapabilis ang pangingitlog ng mga lamok.
Gamit ang kalaykat at pala, matiyaga nilang dinampot ang mga basura sa creek at iniligay ito sa mga sako na ibinigay ng isang kagawad ng Brgy. San Andres. Masangsang ang amoy ng mga basura, lalong-lao na ang mga dumi ng tao at mga nabubulok na hayop na nasa loob ng mga plastic. Nagpahirap pa sa kanilang trabaho ang mga naglulutangang mga kutson, unan, sofa at tarpauline na sobra ang bigat. Gumamit naman sina Bartolo at Pelot ng bangkang yari sa tagpi-tagping kahoy at container upang maitaboy ang mga basura na nasa ilalim ng mga bahay papunta sa tulay.
Samantala, nag-ambagan naman ang mga concern citizens ng nasabing lugar, para sa tanghalian, mirienda at pang-inom ng mga naglinis.
Labing siyam na sako ng basura ang kanilang nahakot ngunit, tila hindi naman ito nabawasan dahil patuloy pa rin sa pagtapon ng basura ang mga residente ng Lower Blk.1 hanggang Cambridge Village, na napupunta sa Lower Blk. 30.
No comments:
Post a Comment