Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!

Announcement to everyone!

Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.

What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta

Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!

Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.

Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.

Kitakitz na lang!

Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14

Grand Chase Philippines

Grand Chase Philippines
The number one casual online game in the Philippines. Register now for free at www.my.levelupgames.ph

Grace Glinofria

Grace Glinofria
Please like the Facebook fan page of Grace Glinofria. Just click the photo. . .

Thursday, December 31, 2009

Nico, Hindi Umano Seryoso Kay Febeilyn!!!!!


Isang babae ang nagpadala ng isang message sa facebook ni Julianne Rauland Martir. Laman ng mensaheng iyon ang kanyang comment tungkol sa inilabas na balita ng ating website tungkol sa balak na panliligaw ni Nico Mikhail Reciproco kay Febeilyn Estorninos.

Tutol ang babaeng itatago naten sa pangalang "Midori" sa panliligaw ni Nico kay Febeilyn dahil di umano, hindi ito seryoso sa kanyang nararamdaman. Ayon kay Midor, maging siya raw ay sinabihan din ni Nico na liligawan siya ng binata. Dagdag pa ni Midori, nakasisiguro siya na hindi talaga seryoso itong si Nico. Paano niya daw liligawan si Febeilyn kung liligawan din siya ni Nico. Lumalabas na niloloko lamang ni Nico si Febeilyn.

Ayaw nang magbigay pa ng pahayag ni Febeilyn tungkol sa isyung ito. Sinabi niya sa isang text message na hindi siya papasok sa January 4, 2009.

Ayaw nang magpakilala pa ni Midori dahil ayaw niya ng ma-issue pa.

SH Cainta, Pinag-iingat Ang SH Bicol!!!!!

Pinag-iingat ng buong miyembro ng Straw Hats Pirates Cainta ang lahat ng miyembro ng Straw Hats Pirates Bicol sa bantang pagsabog ng Bulkang Mayon.

Dalawa sa ating mga miyembro na nasa Bicol ang maaaring maapektuhan ng nakaambang pagsabog ng Bulkang Mayon, sina Lester QuiƱanola na nasa bayan ng Jose Panganiban sa Camarines Sur at Richard Lopiga na nasa Albay.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHILVOLCS, umabot na sa halos 24.1 million cubic metres ang ibinugang lava ng bulkan at ang layo nito ay halos anim na kilometro na mula sa bunganga nito.

Maayos naman ang lagay nina Lester at Richard bagama't may nararanasan nang pag-ulan ng abo sa lugar nina Richard.

Abot-abot na dasal naman ang alay ng Straw Hats Pirates Cainta para sa kaligtasan ng dalawa.

"Iwasan Ang Paggamit Ng Malalakas Na Mga Paputok"


Malapit nang gumarahe ang taong 2009 at aarangkada na ang taong 2010. Sa tuwing sasalubungin natin ang bagong taon, hindi maiiwasan ang paggamit ng paputok dahil sa kasiyahang naidudulot nito sa kabataan.

Nakakaalerto na ang bilang ng mga naputukan ngayong buwan ng Disyembre. Ayon sa Department of Health o DOH, aabot na sa halos 250 ang mga kaso ng naputukan sa buong bansa. Dahil dito, nangangamba ang ating leader na si Julianne Rauland Martir, sa ating mga miyembro, dahil alam niyang marami satin ang gagamit ng paputok sa pagsalubong ng bagong taon.

"Alam ko na hindi ko kayo mapipigilan sa paggamit ng paputok. Iwasan na lang natin ang paggamit ng malalakas na paputok tulad ng 5 star, super lolo, pla-pla, goodbye Philippines at marami pang iba. Mas mainam kung gagamit na lang tayo ng 'di gaanong kalakasang mga paputok. Sa mga nasa katinuan, mabuti pang magpatugtog na lang ng napakalakas at gumamit na lang ng torotot", pahayag ni Julianne.

Pinag-iingat din ni Julianne si Anna Rose Santos na nagbebenta ng paputok sa Sta. Maria, Bulacan. Mabuting sundin nila ang payo ng Bureau of Fire Protection o BFP, upang maka-iwas sa sunog.
 

Sunday, December 27, 2009

Nico Balak Ligawan si Febeilyn!!!!!

Pormal na inamin ni Nico Mikhail Reciproco na may pagtingin siya sa isang miyembro ng grupong Jhozah Xociety na si Febeilyn Estorninos.

Ayon kay Nico, ang pagiging cute at sexy daw ni Febeilyn ang dahilan ng pagkahumaling niya dito.

Sinabi ni Nico na liligawan niya na si Febeilyn sa darating na pagbubukas ng klase sa darating na January 4, 2009.

Hiningi namin ang komento ng ilan sa mga miyembro ng ating organisasyon ukol dito.

"Wala namang kumokontra sa mga miyembro natin. Kung talagang deserving si Nico eh 'di pilitin niyang mapasagot si Feb. Na kay Feb na 'yun kung gusto niya o hindi. Pero, malabo namin siyang tulungan kasi ang labo ng mata niya eh", sabi ni Tom Jhon Morada.

"Tignan na lang natin kung ano ang mangyayari sa dalawa", sabi naman ni Julianne Rauland Martir.

Saturday, December 26, 2009

The 22nd Member of Straw Hats!!!!!!

Dahil sa magandang hangarin ng ating organisasyon na makatulong sa mga tao balang araw, naisipan ng isang kaklase ni Julianne Rauland Martir na si Desiree Ann Renio na sumali sa atin.

Si Desiree ay isang matalino at masipag na estudyante ng San Juan National High School. Siya ang editor-in-chief ng diyaryong "Marayag", opisyal na pahayagan ng San Juan National High School. Siya rin ang president ng KamFi o Filipino Club at miyembro rin siya ng kaibigan nating grupo na Jhozah Xociety.

Inaasahan naman ni Julianne na makakatulong niya si Desiree sa pag-aayos ng ating website.

Most Read Posts