
Dalawa sa ating mga miyembro na nasa Bicol ang maaaring maapektuhan ng nakaambang pagsabog ng Bulkang Mayon, sina Lester QuiƱanola na nasa bayan ng Jose Panganiban sa Camarines Sur at Richard Lopiga na nasa Albay.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHILVOLCS, umabot na sa halos 24.1 million cubic metres ang ibinugang lava ng bulkan at ang layo nito ay halos anim na kilometro na mula sa bunganga nito.
Maayos naman ang lagay nina Lester at Richard bagama't may nararanasan nang pag-ulan ng abo sa lugar nina Richard.
Abot-abot na dasal naman ang alay ng Straw Hats Pirates Cainta para sa kaligtasan ng dalawa.
No comments:
Post a Comment