![]() | |
HC Rjay Guinto, HC Jhomel Santirba & HC Nico Mikhail Reciproco |
Parang kailan lang nang makilala ko sina Alex at Jhomel sa San Juan National High School at aming binuo ang Straw Hats Pirates. Tapos biglang sumingit si Tom Jhon, tapos si Rjay, hanggang sa dumami kami ng dumami. Naaalala ko pa nung nasa 3rd year high school pa kami, pumupunta muna kami sa internet cafe nila Ate Jhen upang maglaro bago kami pumasok sa school. Palagi ngang naiinis ang chemistry teacher naming si Ma'am Bornilla eh. Every Saturdays and Sundays, madalas kaming tumambay sa bahay nina Jhomel o kaya kila Alex o kaya kila Tom Jhon. Sa videong ginawa nina Tom Jhon at Rjay, ang Ohayou & Memories Remix, na nasa YouTube na, makikita ninyo ang mga pictures namin habang naggigitara kami noon. Mga bata nga ang mga mukha namin dun eh. Salamat kay Alex at naitago niya ang mga pictures na iyon. Napaluha pa ako ng aking mapanood iyon. Nakakaiyak din naman kasi yung tugtog. Madalas din ang aming tampuhan noon. Karamihan mga pambatang problema lang. Mas gusto ko pa nga noon na pumasok kesa tumambay lang sa bahay.
Ngayon, kapag naaalala ko ang mga sandaling iyon, sobrang nalulungkot ako. Mahirap isipin na hindi ko na maibabalik ang bawat sandaling kami'y magkakasama. Iba na talaga ang pakiramdam kapag ikaw nang mag-isa ang bumubuhay sa sarili mo. Puro work na lang ang nasa isip, less time for friends. Ngayon ko nararanasan ang ganitong feeling, sa batang edad ko pa lang.
Ang mga sandaling iyon ay masasabi kong pinakamahalagang bahagi ng buhay ko sa ngayon. Tanging sa ala-ala ko na lang iyon mananatili. Ang mga taong nakilala ko sa III - 6 Yakal ng San Juan National High School ay ang mga taong ituturing kong kaibigan pang-habang buhay.
Sa taong ito, sana ay mas tumatag pa ang samahan natin. Ang taong ito ay ang simula ng pagbabago sa ating mga buhay. Ito rin ang taon kung saan iiwanan ko na ang pagkabata. Maaga kong pinasok ang buhay-trabaho para sa aking mga kaibigan pero nakasisiguro akong hindi ko ito pagsisihan sa huli.
Isang Manigong Bagong Taon sa lahat!!!!!
-Julianne Rauland Martir
Editor-in-Chief
Straw Hats Online
No comments:
Post a Comment