11th Generation of Vongola Members (up) Jovelito Pastolero, Joenathan Redobante (down) SHGC Head Jomer Pastolero & SH President Julianne Rauland Martir |
Nais na ng presidente ng Straw Hats Pirates na muling maging aktibo ang mga dating miyembro ng SHGC, na pinangungunahan ni Jomer. Ito'y dahil na rin sa kagustuhan ni Julianne na gawin ng non-profit humanitarian organization ang Straw Hats Pirates. Sinabi ni Julianne kay Jomer na nais niya ring bumalik at sumali sa SHGC ang mga dating miyembro ng 11th Generation of Vongola Family, sa SHGC. Ang Vongola ang unang grupong bunuo nina Julianne sa Grand Chase noong December 2008. Kabilang dito ay sina Jerald Gasataya, Michael Molina, Joenathan Redobante, Jovelito Pastolero, Aladdin Docot at Noel Payo. Pinapasali din ni Julianne ang mga bagong players sa internet shop ni Rhean Lacanilao, kung saan nabuo ang Vongola.
Binuo nina Julianne, Jomer at Jerald ang SHGC noong Abril nang nakaraang taon upang makilala ang husay ng Straw Hats Pirates sa nasabing online game. Tumigil sa operasyon ang grupo dahil sa kakulangan ng pondo ngunit hindi naman nagsialisan ang mga miyembro nito.
Nais ni Julianne na maging malakas na ang kanilang mga characters bago matapos ang taong 2011.
No comments:
Post a Comment