![]() | |
HC Jhomel Santirba Hopes Good Things For SH This Year |
Sa pagpasok ng taong 2011, unang layunin ng grupo ay ang makakuha ng komunikasyon kay HC Lolito Almoite na nasa Palawan. Ito'y matapos silang magtagumpay na makausap si HC Lester QuiƱanola na nasa Jose Panganiban, Camarines Norte, matapos ang halos isa't kalahating taon. Balak din ni Julianne na baguhin ang pamamahala ng grupo at magkaroon na ng mga batas at sapat na pondo para sa mga proyekto ng grupo. Balak na rin gawing non-profit humanitarian organization ang Straw Hats Pirates upang makatulong sa kapwa-tao.
"This year, priority ko ang maging regular sa Inquirer ng sa ganoon, lumaki na ang kita ko para makatulong na sa mga members ng Straw Hats. Balak ko rin na kuhain na si Alex at Anna, basta they know what I mean. Then kung magkakaroon ng malaking pera, makaipon, papasukin ko na ang business industry," sabi ni Julianne.
Nais umano ni Julianne na makaipon ng pera upang makapagnegosyo. Ang kikitain nun ay para sa mga pangangailangan ng mga miyembro ng grupo.
"Marami na sa mga members natin ang maraming pangangailangan sa kanilang pag-aaral. Nais kong makatulong sa kanila. Maging maswerte sana ang year of the rabbit para sa grupo natin," dagdag pa ni Julianne.
No comments:
Post a Comment