Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!

Announcement to everyone!

Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.

What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta

Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!

Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.

Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.

Kitakitz na lang!

Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14

Grand Chase Philippines

Grand Chase Philippines
The number one casual online game in the Philippines. Register now for free at www.my.levelupgames.ph

Grace Glinofria

Grace Glinofria
Please like the Facebook fan page of Grace Glinofria. Just click the photo. . .

Saturday, December 8, 2012

No Response From Harold After Pablo

High Council Harold Lozano
SH Online Photo
Hindi pa rin sumasagot si High Council Harold Lozano, sa mga tawag ng SH Online sa kanya, matapos tamaan ng Bagyong Pablo, ang kanilang lugar na Surigao City, noong Lunes ng umaga.

Wala pa ring nakukuhang sagot mula kay Lozano, sa lahat ng ipinadalang mensahe sa kanya, sa pamamagitan ng social networking site na Facebook, matapos hagupitin ng Bagyong Pablo ang Surigao City. Taglay nito ang lakas na 125 - 185 kilometres per hour (kph). at direktang naglandfall, sa boundary ng Surigao Del Sur at Davao Oriental.

Typhoon Pablo on Monday Morning
DOST - PAG-ASA
Bagama't karamihan ng mga namatay ay mula sa mga bayan ng Cateel, New Bataan at Baganga sa Davao Oriental, nangangamba pa rin ang mga miyembro ng Straw Hats Pirates sa sitwasyon ni Lozano dahil, apektado rin ang buong Surigao City ng bagyo. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, umabot sa Signal Number 3 ang warning sa Surigao Del Sur.

Base sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), as of December 7, 2012, umabot na sa 456 ang namatay, 445 ang sugatan habang 533 ang kasalukuyang nawawala o hindi pa matagpuan.

Ayon pa sa NDRRMC, as of 10 am ngayong umaga, ang Bagyong Pablo ay nasa layong 540 kilometres (km) kanluran ng Ambulong, Batangas, taglay pa rin ang lakas ng hangin na aabot sa 110 kph at pagbugsong aabot sa 140 kph, at umuusad pa-North-Northwest sa bilis na 7kph.

Sa kabila ng mga ganitong balita, umaasa pa rin ang mga miyembro ng SH na walang masamang nangyari kay Lozano.

New Gang To Established Today Under SH!!!!!

(standing) SH President JR Martir (front)
Gian Barrientos & DJ Mark Ayag
SH Online Photo
Bubuo ngayong araw ng bagong gang, ang ilang miyembro ng Straw Hats Pirates, na hahawakan ng organisasyon at ng grupong Brother Hood Company (BHC).

Magkakasamang bubuuin nina Gian Barrientos, Axel Dam Manuel, DJ Mark Ayag at Jess Lastica, ang nasabing gang, na tatawagin nilang Brother Hood Company Jr. (BHCJr). Ang gang na ito ay ipapahawak nila, kay SH President JR Martir ng Straw Hats Pirates, at kay Romar Barrientos, Leader ng BHC.

Sinabi ng founder ng BHCJr na si Gian, na "nagtitiwala kami sa kakayahan ni Captain (Martir) na mahahawakan ng maayos ang Brother Hood Company Jr.".

Dagdag naman ni Ayag, "itinuturing na nilang parang 'kuya', si Martir dahil sa angking talino nito at magaling sa pag-aadvice".

Mamayang hapon, magsasagawa ang mga miyembro ng BHCJr., ng selebrasyon para sa pagkakatatag ng kanilang gang. Naimbitahan sina Martir, Barrientos at Jomarie Reyes, miyembro rin ng SH, sa nasabing kasiyahan.

Ilan pa sa mga miyembro ng SH na sasali sa BHCJr, ay sina Jayrald Dela Cruz at At Gerolao. Kabilang din si Kobe ng Kabisig Youth Action Team (KYAT) at alyas Michael.

Friday, December 7, 2012

Melendrez Continue To Tell Lies, Says SH Member!!!!!

NEW STAR WITNESS KATE MARIELLE BAYOG (3rd
from the left); former members of SH (from left to right):
Angelica Delos Reyes, Johna Beth Bernabe, Carl Viray,
Aniano Verdijo, Joven Talledo & Jeffrey Melendrez
SH Online Photo
Patuloy umanong nagbibigay ng "kasinungalingan", si dating High Council Jeffrey Melendrez, sa kanyang mga "bagong tinuturuang dancers", ukol sa nangyaring gulo sa Straw Hats Pirates, noong nakaraang buwan, ayon sa isang miyembro ng organisasyon.

Nagbigay ng testimonya sa SH Online, si Kate Marielle Bayog, ukol sa mga "maling impormasyong" ibinibigay ni Melendrez, sa mga bago nitong tinuturuang dancers. Ang mga dancers na ito, sabi ni Bayog, ay mga estudyante ng 2nd year Section 4 at Section 5, ng San Juan National High School, na kanyang tinuturuan para sa dating nilang christmas party sa school.

Ayon kay Bayos, sinabihan daw ang mga dancers na ito ni Melendrez na "hindi naging makatarungan ang SH, sa pagtanggal sa kanya. Mas kinampihan pa daw ng mga ito, sina Rjay (Guinto) at Nico (Reciproco)".

SH President JR Martir: "Let himself ruin his reputation"
Sinabi din daw ni Melendrez na "ipinagkakalat ng SH na, magkasintahan daw sila, ni Mayca (Del Pilar). Masiyado naman daw bata si Mayca para sa kanya".

Dagdag pa ng dating High Council, "nagdala lamang ako ng kutsilyo nung sumugod ako sa HQ, kasi marami sila at baka pagtulungan nila ako".

Sinagot naman ni SH President JR Martir ang mga hinaing ni Melendrez.

"We're gonna start at the first, mahirap atang ipaintindi sa kukote ni Jeffrey eh noh. There is a probable cause to expel him from the organization, for doing such a scandalous act that makes us suffer. Secondly, the issue about Mayca (Del Pilar), I just first heard it from Kate (Bayog). I don't think mayroong nagkakalat na magkarelasyon sila. Nababaliw na ata itong tao na 'to eh. Kung may relasyon man sila, we don't care about it", pahayag ni Martir.

Ayon kay Martir, bahala na si Melendrez na "dumakdak ng dumakdak". Aniya, nakapag-usap na sila ni Melendrez at pinakinggan ang mga hinaing nito. Oras na gumawa siya ng gulo ay agad na aaksyon ang SH, kasama ng iba't ibang grupong kaanib nila.

"My members know what really happened. They know kung sino ang mas katiwa-tiwala sa amin. Jeffrey is ruining his reputation. Marami na kong naririnig na tungkol sa kanya, but we are not publishing in this website. Hayaan mo siyang dumakdak, its only a hearsay. Alam naman ng mga tao kung sino ang mas tama sa amin, I don't need to explain anyway", sabi ni Martir.

Napalayas sina Martir sa inuupahan nilang bahay, na ginawa nilang headquarters ng SH, matapos ang ginawang pag-aamok ni Melendrez, noong madaling araw ng November 12. Kabilang sa mga napalayas ay sina High Councils Guinto, Reciproco, Alex Balangan at Jogie Florece.

Grand X-mas Party Awaits SH!!!!!

Straw Hats Pirates (from left to right): Kate Marielle Bayog, SH President JR
Martir, Diason Demayo, Jomer Naza, Kyerlyn Flores, Nikka Cabanggangan,
Aira Franco, High Council Nico Reciproco, DJ Mark Ayag, Art Gerolao, Jess
Lastica, Jayrald Dela Cruz, Gian Barrientos & Axel Dam Manuel (partly
hidden)
SH Online Photo
Isang mlaking christmas party ang isasagawa nang iba't-ibang youth organizations ng Cainta, sa darating na December 21.

Nagpulong-pulong noong Miyerkules ang mga Presidente, ng iba't-ibang youth clubs sa Cainta, na dinaluhan ni SH President JR Martir, ang pinuno ng Straw Hats Pirates. Pinag-usapan nila ang isasagawang grand christmas party ng mga youth clubs ng bayan, na pinamagatang "Magkasangga! Grand Youth Club Christmas Party". Ito ay sa pangunguna na Barangay Chairman ng Barangay San Juan, na si Wilfredo Felix, na tatakbo sa pagka-alkalde ng bayan, sa darating ng 2013 Election. Kasama rin dito si Engineer Noel Hurtado.

Willy Felix
Idol Ko Si Kap Willy
Felix Facebook Page
Sa kanilang pagpupulong, bumuo sila ng iba't ibang kumite, para sa gawain ng bawat grupo sa Christmas Party. Kabilang sa Committee on Games si Martir, kasama si Jerome Rangis ng Kabisig Youth Action Team (KYAT), at Arianne Flores ng Youth Organization Unified New Generation (YOUNG).

Ang "Magkasangga! Grand Youth Club Christmas Party", ay isasagawa sa Cainta Elementary School, sa December 21, sa ganap na alas-siyete ng gabi.

Para sa ilang detalye, magtext o tumawag sa 09289848821 o magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng social networking site na Facebook, www.facebook.com/shinquirer14


Thursday, December 6, 2012

Melendrez Still Welcome At SH, But Not As HC!!!!!

former High Council Jeffrey Melendrez: Welcome, But Not
As High Council again.
SH Online Photo
Payag si SH President JR Martir, kung sakaling nais bumalik ni Jeffrey Melendrez sa Straw Hats Pirates, pero hindi bilang High Council.

Ayos lang daw kay Martir kung sakaling muling sasali si Melendrez sa SH, sakaling nais pa ng dating High Council ng grupo, na bumalik. Sinabi ni Martir na, makakabalik siya sa SH pero hindi bilang High Council, kundi isang ordinaryong miyembro na lamang.

"He should fill up the form like the ordinary members do, and to choose sa 11 High Councils kung sino ang hahawak sa kanya", sabi ni Martir.

Maging si High Council Jhomel Santirba, ay sang-ayon din na pabalikin si Melendrez sa organisasyon.

"Tropa pa rin tayo eh, dapat hindi ka na mag-iskandalo ulit", sabi ni Santirba.

Hindi pa naman nakakapagbigay ng pahayag si Melendrez tungkol dito.

Tinanggal mula sa SH si Melendrez, matapos mag-amok noong madaling araw ng November 12, na naging dahilan upang mapalayas, sina SH President JR Martir, sa headquarters ng SH na kanilang inuupahang bahay, kasama nina High Councils Alex Balangan, Rjay Guinto, Nico Reciproco at Jogie Florece. Kabilang sa mga bumoto para mapatalsik siya sa kanyang posisyon, ay sina High Councils Balangan, Guinto, Reciproco, Florece, Santirba, Tom Jhon Morada at Anna Rose Santos.

JR & Melendrez Finally Talked!!!!!

SH President JR Martir & former High Council Jeffrey
Melendrez
SH Online Photo
Matapos ang nangyaring gulo sa Straw Hats Pirates nitong mga nakaraang araw, nagkausap na sa wakas, sina SH President JR Martir at dating SH High Council Jeffrey Melendrez.

Nagka-usap na noong Martes ng gabi sina Martir at Melendrez, sa San Roque St sa San Francisco, na itinuturing nilang kanilang teritoryo, kasama sina High Council Jhomel Santirba, at Leader ng Brother Hood Company, na si Romar Barrientos.

Sa kanilang naging pag-uusap, isiniwalat ni Melendrez na humihingi siya ng dispensa sa ginawa niyang pag-aamok, noong madaling araw ng November 12, na siyang naging dahilan kung bakit napalayas sa kanilang inuupahang bahay, sina Martir, High Councils Alex Balangan, Rjay Guinto, Nico Reciproco at Jogie Florece. Nagawa niya lamang daw ito dahil sa galit niya kina Guinto at Reciproco, dahil sa paulit-ulit na pagtawag sa kanya na "jacker", na ang literal na kahulugan ay magnanakaw. Para sa kanya, napahiya siya sa ginawa ng dalawa, dahil ipinagsisigawan pa daw nila ito, sa Rizal St. ang siyang teritoryo ng SH at BHC.
High Council Nico Reciproco
SH Online Photo

Galit din daw si Melendrez sa ilang miyembro ng SH, kabilang sina Guinto, Reciproco at Seano Suriguo, dahil sa pang-iinsulto nila sa kanyang dance group na 27.7 Angel Squad. Lahat daw ng pinag-uusapan at pangiinsulto ng mga miyembro ng SH ay sinasabi sa kanya, ni Mayca Del Pilar, na naunang napabalita sa SH Online, na siyang nagtatangol kay Melendrez, laban sa mga akusasyon dito. Ani Melendrez, walang karapatan ang SH na insultuhin ang 27.7 Angel Squad.

Dagdag pa ni Melendrez, si Reciproco ang mas lalong nagpapalala ng sitwasyon sa grupo, dahil nag-aangas daw ito. Ayon sa kanya, nagpapadala siya ng text message kay Reciproco, na kinakamusta si Martir, ngunit hindi niya ito ipinararating sa Presidente ng SH. Aniya, inaangasan daw talaga siya ng nasabing High Council, at hinahamin siya ng away.
BHC Leader Romar
Barrientos
from Facebook account
of Romar Barrientos

Naghayag naman ng sama ng loob sina Santirba at Barrientos ukol sa ginawang pag-aamok ni Melendrez. Sinabi ni Santirba na "hindi mo (Melendrez) dapat ginawa iyon dahil apektado ang buhay nina Cap (Martir) at Alex, wala silang matirhan ngayon, hiwa-hiwalay".

Sang-ayon din si Barrientos sa naging pahayag ni Santirba. Dapat daw ay "mayroon pa ring matatambayan ang mga Straw Hats ganon din ang mga Brother Hood".

Humingi na lang ng dispensa si Melendrez para sa lahat ng kanyang ginawa, sa harap nina Martir, Santirba, Barrientos at mga miyebro ng BHC

High Council Jhomel Santirba
SH Online Photo
Nakipag-ugnayan ang BHC sa grupong ESL, upang mapag-usapan nina Martir at Melendrez ang mga alitan sa grupo, na nagkakaroon ng tinatawag na "chain reaction" sa pagitan ng ibang grupo. Nagpapasalamat si Martir sa BHC at ESL, sa kanilang ginawa upang maidaan sa mapayapang usapan ang lahat, bago sila magsimula ng kaguluhan sa San Francisco, na ayaw mangyari ni Barrientos.

"If he (Melendrez) us then, we are ready to have a bullfight with them that night. We are very open for a peace talks and I'm thankful that BHC and ESL is on our side", sabi ni Martir.

Wednesday, December 5, 2012

'1 Week For Noemie To Respond' - JR!!!!!


High Council Noemie Justado
from Facebook account of Noemie
Justado
Binigyan ng ultimatum ni SH President JR Martir, si High Council Noemie Justado, na sumagot kung nais niya pang mapanatili ang kanyang posisyon, bilang isa sa mga High Councilsng Straw Hats Pirates.
Laleine Reyes: Candidate for next
High Council
from Facebook Account of Laleine
Reyes

Sa pamamagitan ng social networking site na Facebook, nagpadala ng mensahe si Martir, sa Facebook Account ni Justado. Ayon sa sulat, ipinababatid ni Martir, ang responsibilidad ni Justado, bilang isa sa mga High Councils ng SH. Kanyang itinatanong kung nais pa nitong manatiling High Council ng organisasyon. Nais ni Martir na maging aktibo na ang lahat ng mga High Councils ng SH, at humawak ng kanya kanya nilang bataan upang lalo pang mapalawak ang network ng organisasyon. Ito'y lalo na at papalapit na ang 2013 Election, kung saan susuportahan ng SH, ang kandidatura ni Wilfredo Felix at Joe Ferrer, na tatakbong alkalde at bise-alkalde ng bayan ng Cainta. Bukod dito, suportado rin ng SH ang pagtakbo sa Senado, ni Grace Poe-Llamanzares, ang Chairman ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB), at ang mga kasapi ng Liberal Party, ni Pangulong Noynoy Aquino.
SHPirates Guild Leader Noel
Payo: Candidate for HC
SH Online Photo

Halos isang taong hindi nagparamdam si Justado sa SH, matapos kumpirmahing, nanganak na ito nitong taon lamang. Sinabi ng mga taong nakakakilala sa kanya, na kasalukuyan na siyang nakatira sa bahay ng kanyang asawa, sa Greenhills, San Juan City.

Kung hindi sasagot si Justado hanggang Sabado, December 8, 2012, magtatalaga si Martir ng panibagong High Council. Kabilang sa mga napipitik niyang papalit, ay sina SHPirates Grand Chase Guild Leader Noel Payo, Deputy High Council ni Tom Jhon Morada, na si Laleine Reyes at dating SHGC Head Jomer Pastolero.

Most Read Posts