Nagbigay ng testimonya sa SH Online, si Kate Marielle Bayog, ukol sa mga "maling impormasyong" ibinibigay ni Melendrez, sa mga bago nitong tinuturuang dancers. Ang mga dancers na ito, sabi ni Bayog, ay mga estudyante ng 2nd year Section 4 at Section 5, ng San Juan National High School, na kanyang tinuturuan para sa dating nilang christmas party sa school.
Ayon kay Bayos, sinabihan daw ang mga dancers na ito ni Melendrez na "hindi naging makatarungan ang SH, sa pagtanggal sa kanya. Mas kinampihan pa daw ng mga ito, sina Rjay (Guinto) at Nico (Reciproco)".
![]() |
SH President JR Martir: "Let himself ruin his reputation" |
Dagdag pa ng dating High Council, "nagdala lamang ako ng kutsilyo nung sumugod ako sa HQ, kasi marami sila at baka pagtulungan nila ako".
Sinagot naman ni SH President JR Martir ang mga hinaing ni Melendrez.
"We're gonna start at the first, mahirap atang ipaintindi sa kukote ni Jeffrey eh noh. There is a probable cause to expel him from the organization, for doing such a scandalous act that makes us suffer. Secondly, the issue about Mayca (Del Pilar), I just first heard it from Kate (Bayog). I don't think mayroong nagkakalat na magkarelasyon sila. Nababaliw na ata itong tao na 'to eh. Kung may relasyon man sila, we don't care about it", pahayag ni Martir.
Ayon kay Martir, bahala na si Melendrez na "dumakdak ng dumakdak". Aniya, nakapag-usap na sila ni Melendrez at pinakinggan ang mga hinaing nito. Oras na gumawa siya ng gulo ay agad na aaksyon ang SH, kasama ng iba't ibang grupong kaanib nila.
"My members know what really happened. They know kung sino ang mas katiwa-tiwala sa amin. Jeffrey is ruining his reputation. Marami na kong naririnig na tungkol sa kanya, but we are not publishing in this website. Hayaan mo siyang dumakdak, its only a hearsay. Alam naman ng mga tao kung sino ang mas tama sa amin, I don't need to explain anyway", sabi ni Martir.
Napalayas sina Martir sa inuupahan nilang bahay, na ginawa nilang headquarters ng SH, matapos ang ginawang pag-aamok ni Melendrez, noong madaling araw ng November 12. Kabilang sa mga napalayas ay sina High Councils Guinto, Reciproco, Alex Balangan at Jogie Florece.
No comments:
Post a Comment