![]() |
SH President JR Martir & former High Council Jeffrey Melendrez SH Online Photo |
Nagka-usap na noong Martes ng gabi sina Martir at Melendrez, sa San Roque St sa San Francisco, na itinuturing nilang kanilang teritoryo, kasama sina High Council Jhomel Santirba, at Leader ng Brother Hood Company, na si Romar Barrientos.
Sa kanilang naging pag-uusap, isiniwalat ni Melendrez na humihingi siya ng dispensa sa ginawa niyang pag-aamok, noong madaling araw ng November 12, na siyang naging dahilan kung bakit napalayas sa kanilang inuupahang bahay, sina Martir, High Councils Alex Balangan, Rjay Guinto, Nico Reciproco at Jogie Florece. Nagawa niya lamang daw ito dahil sa galit niya kina Guinto at Reciproco, dahil sa paulit-ulit na pagtawag sa kanya na "jacker", na ang literal na kahulugan ay magnanakaw. Para sa kanya, napahiya siya sa ginawa ng dalawa, dahil ipinagsisigawan pa daw nila ito, sa Rizal St. ang siyang teritoryo ng SH at BHC.
![]() |
High Council Nico Reciproco SH Online Photo |
Galit din daw si Melendrez sa ilang miyembro ng SH, kabilang sina Guinto, Reciproco at Seano Suriguo, dahil sa pang-iinsulto nila sa kanyang dance group na 27.7 Angel Squad. Lahat daw ng pinag-uusapan at pangiinsulto ng mga miyembro ng SH ay sinasabi sa kanya, ni Mayca Del Pilar, na naunang napabalita sa SH Online, na siyang nagtatangol kay Melendrez, laban sa mga akusasyon dito. Ani Melendrez, walang karapatan ang SH na insultuhin ang 27.7 Angel Squad.
Dagdag pa ni Melendrez, si Reciproco ang mas lalong nagpapalala ng sitwasyon sa grupo, dahil nag-aangas daw ito. Ayon sa kanya, nagpapadala siya ng text message kay Reciproco, na kinakamusta si Martir, ngunit hindi niya ito ipinararating sa Presidente ng SH. Aniya, inaangasan daw talaga siya ng nasabing High Council, at hinahamin siya ng away.
BHC Leader Romar Barrientos from Facebook account of Romar Barrientos |
Naghayag naman ng sama ng loob sina Santirba at Barrientos ukol sa ginawang pag-aamok ni Melendrez. Sinabi ni Santirba na "hindi mo (Melendrez) dapat ginawa iyon dahil apektado ang buhay nina Cap (Martir) at Alex, wala silang matirhan ngayon, hiwa-hiwalay".
Sang-ayon din si Barrientos sa naging pahayag ni Santirba. Dapat daw ay "mayroon pa ring matatambayan ang mga Straw Hats ganon din ang mga Brother Hood".
Humingi na lang ng dispensa si Melendrez para sa lahat ng kanyang ginawa, sa harap nina Martir, Santirba, Barrientos at mga miyebro ng BHC
![]() |
High Council Jhomel Santirba SH Online Photo |
"If he (Melendrez) us then, we are ready to have a bullfight with them that night. We are very open for a peace talks and I'm thankful that BHC and ESL is on our side", sabi ni Martir.
No comments:
Post a Comment