![]() |
Daison Demayo SH Online Photo |
Sa panayam ng SH Online kay Demayo, sinabi nito na "hindi ko binalak na banatan si Jeffrey." Nilapitan daw umano siya ni Jeffrey, noong November 23, sa San Roque St. ng San Francisco sa Cainta, at itinanong sa kanya na umano'y, kung balak ba nitong banatan si Melendrez.
"Kung babanatan kita, matagal na", ito ang isinagot ni Demayo kay Melendrez.
Nalaman naman ng SH Online na muntik nang magpangabot, sina Demayo at Patrick Espelita, miyembro rin ng SH na hawak ni High Council Jogie Florece, sa school nilang San Juan National High School. Ito'y nang malaman ni Demayo, na si Espelita daw ang "nagsumbong", kay Melendrez na babanatan niya umano, ang dating High Council.
![]() |
Former High Council Jeffrey Melendrez SH Online Photo |
Inamin ni Demayo na galit din siya sa ginawang pagwawala ni Melendrez sa dating headquarters nang SH noong madaling araw ng November 12, ngunit, hindi daw ito dahilan upang pabanatan niya ang huli.
Nagalit naman si Demayo sa ginawang paninira sa kanya, ni Espelita, na kanyang kaklase sa SJNHS.
Nauna nang itinanggi ng pamunuan ng SH, na "iniutos" nila sa grupong Brother Hood Company", na banatan si Melendrez.
No comments:
Post a Comment