Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!

Announcement to everyone!

Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.

What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta

Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!

Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.

Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.

Kitakitz na lang!

Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14

Grand Chase Philippines

Grand Chase Philippines
The number one casual online game in the Philippines. Register now for free at www.my.levelupgames.ph

Grace Glinofria

Grace Glinofria
Please like the Facebook fan page of Grace Glinofria. Just click the photo. . .

Sunday, December 2, 2012

Mayca Defends Melendrez Against Accusations!!!!!

Mayca Del Pilar
SH Online photo
Ipinagtanggol ng isang miyembro ng Straw Hats Pirates, si dating High Council Jeffrey Melendrez, ukol sa mga akusasyon laban sa kanya.

Pumunta noong gabi ng November 24, si Mayca Del Pilar, sa dating headquarters ng SH, upang makausap, sina SH President JR Martir at High Council Jogie Florece. Ayon kay Del Pilar, kailangang umanong "humingi ng tawad", ni Florece kay Melendrez, dahil sa pagkakatanggal ng huli sa organisasyon. Hindi naman ito pinayagan ni Florece.

"Bakit ako hihingi ng tawad? Mali pa rin si Jeffrey (Melendrez) kasi nagwala siya ng wala sa oras", sabi ni Florece.

Sabi pa ni Del Pilar, kinakailangan daw na "tumanaw ng utang na loob si Jogie, dahil si Jeffrey ang nagpasok sa kanya sa Straw Hats".

Dagdag pa ni Del Pilar, kaya lang naman daw nagwala si Melendrez ay dahil, "galit na galit ito", matapos sabihan, nina High Council Rjay Guinto at High Council Nico Mikhail Reciproco, na siya ay "jacker", na ang kahulugan ay, magnanakaw.
SH President JR Martir & High Council Jogie Florece
SH Online Photo

Pinanindigan naman ni Martir na mali si Melendrez sa kanyang ginawa, at hindi dapat humingi ng dispensa si Florece sa kanya.

"Oo nga mali sina Rjay at Nico sa mga sinabi nila kay Jeff, pero kailangan bang magwala? Because of that, pare-pareho kaming napalayas at impact of it was felt by the members of the SH", sabi ni Martir.

Nagkahiwa-hiwalay na ngayon ang mga nakatira sa dating headquarters ng SH, kabilang sina Martir, Florece, Guinto, Reciproco at High Council Alex Balangan. Hindi na rin makakapag-aral ng kolehiyo si Florece, matapos itigil ng kanyang lolo ang sustento niya, dahil sa nangyaring pag-aamok ni Melendrez, noong madaling araw ng November 12. Ang lolo niyang si Eutiquio Lozano ay nagtatrabaho bilang seaman sa Canada.

Former High Council Jeffrey Melendrez
SH Online Photo
Nagalit din si High Council Harold Lozano (anak ni Eutiquio Lozano), na kasalukuyang nasa Surigao City, sa ginawa ni Melendrez, na nagdulot upang mapalayas ang mga nakatira sa dating headquarters ng SH.

Inamin ni Del Pilar na naiintindihan niya ang nararamdaman ni Melendrez.

"Kahit ako masasaktan nun, kung sasabihan akong jacker", sagot ni Del Pilar.

Itinanggi ni Martir na kinakampihan niya sina Reciproco at Guinto, na ayon kay Del Pilar ay pananaw ni Melendrez.

"Magmumukha lang talagang kinakampihan ko sila kasi sila ang mga kasama ko sa bahay", sagot ni Martir "Pinapakinggan ko si Jeffrey kapag nagpapaliwanag siya. His expulsion from the organization was suggested by High Council Jhomel Santirba, na may personal na galit sa kanya (Melendrez)".

"Kung masakit sa kanya, mas masakit para sa amin dahil kailangang madamay ng buong grupo dahil sa pagwawala niya. Kahit nasaktan ako, nagwala ba ko? Or Jogie? Or Alex? Definitely not. We keep on smiling sa mga bumibisita sa amin. Mayca should know that thing", sabi ni Martir.

No comments:

Post a Comment

Most Read Posts