Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!

Announcement to everyone!

Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.

What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta

Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!

Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.

Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.

Kitakitz na lang!

Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14

Grand Chase Philippines

Grand Chase Philippines
The number one casual online game in the Philippines. Register now for free at www.my.levelupgames.ph

Grace Glinofria

Grace Glinofria
Please like the Facebook fan page of Grace Glinofria. Just click the photo. . .

Saturday, December 8, 2012

No Response From Harold After Pablo

High Council Harold Lozano
SH Online Photo
Hindi pa rin sumasagot si High Council Harold Lozano, sa mga tawag ng SH Online sa kanya, matapos tamaan ng Bagyong Pablo, ang kanilang lugar na Surigao City, noong Lunes ng umaga.

Wala pa ring nakukuhang sagot mula kay Lozano, sa lahat ng ipinadalang mensahe sa kanya, sa pamamagitan ng social networking site na Facebook, matapos hagupitin ng Bagyong Pablo ang Surigao City. Taglay nito ang lakas na 125 - 185 kilometres per hour (kph). at direktang naglandfall, sa boundary ng Surigao Del Sur at Davao Oriental.

Typhoon Pablo on Monday Morning
DOST - PAG-ASA
Bagama't karamihan ng mga namatay ay mula sa mga bayan ng Cateel, New Bataan at Baganga sa Davao Oriental, nangangamba pa rin ang mga miyembro ng Straw Hats Pirates sa sitwasyon ni Lozano dahil, apektado rin ang buong Surigao City ng bagyo. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, umabot sa Signal Number 3 ang warning sa Surigao Del Sur.

Base sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), as of December 7, 2012, umabot na sa 456 ang namatay, 445 ang sugatan habang 533 ang kasalukuyang nawawala o hindi pa matagpuan.

Ayon pa sa NDRRMC, as of 10 am ngayong umaga, ang Bagyong Pablo ay nasa layong 540 kilometres (km) kanluran ng Ambulong, Batangas, taglay pa rin ang lakas ng hangin na aabot sa 110 kph at pagbugsong aabot sa 140 kph, at umuusad pa-North-Northwest sa bilis na 7kph.

Sa kabila ng mga ganitong balita, umaasa pa rin ang mga miyembro ng SH na walang masamang nangyari kay Lozano.

New Gang To Established Today Under SH!!!!!

(standing) SH President JR Martir (front)
Gian Barrientos & DJ Mark Ayag
SH Online Photo
Bubuo ngayong araw ng bagong gang, ang ilang miyembro ng Straw Hats Pirates, na hahawakan ng organisasyon at ng grupong Brother Hood Company (BHC).

Magkakasamang bubuuin nina Gian Barrientos, Axel Dam Manuel, DJ Mark Ayag at Jess Lastica, ang nasabing gang, na tatawagin nilang Brother Hood Company Jr. (BHCJr). Ang gang na ito ay ipapahawak nila, kay SH President JR Martir ng Straw Hats Pirates, at kay Romar Barrientos, Leader ng BHC.

Sinabi ng founder ng BHCJr na si Gian, na "nagtitiwala kami sa kakayahan ni Captain (Martir) na mahahawakan ng maayos ang Brother Hood Company Jr.".

Dagdag naman ni Ayag, "itinuturing na nilang parang 'kuya', si Martir dahil sa angking talino nito at magaling sa pag-aadvice".

Mamayang hapon, magsasagawa ang mga miyembro ng BHCJr., ng selebrasyon para sa pagkakatatag ng kanilang gang. Naimbitahan sina Martir, Barrientos at Jomarie Reyes, miyembro rin ng SH, sa nasabing kasiyahan.

Ilan pa sa mga miyembro ng SH na sasali sa BHCJr, ay sina Jayrald Dela Cruz at At Gerolao. Kabilang din si Kobe ng Kabisig Youth Action Team (KYAT) at alyas Michael.

Friday, December 7, 2012

Melendrez Continue To Tell Lies, Says SH Member!!!!!

NEW STAR WITNESS KATE MARIELLE BAYOG (3rd
from the left); former members of SH (from left to right):
Angelica Delos Reyes, Johna Beth Bernabe, Carl Viray,
Aniano Verdijo, Joven Talledo & Jeffrey Melendrez
SH Online Photo
Patuloy umanong nagbibigay ng "kasinungalingan", si dating High Council Jeffrey Melendrez, sa kanyang mga "bagong tinuturuang dancers", ukol sa nangyaring gulo sa Straw Hats Pirates, noong nakaraang buwan, ayon sa isang miyembro ng organisasyon.

Nagbigay ng testimonya sa SH Online, si Kate Marielle Bayog, ukol sa mga "maling impormasyong" ibinibigay ni Melendrez, sa mga bago nitong tinuturuang dancers. Ang mga dancers na ito, sabi ni Bayog, ay mga estudyante ng 2nd year Section 4 at Section 5, ng San Juan National High School, na kanyang tinuturuan para sa dating nilang christmas party sa school.

Ayon kay Bayos, sinabihan daw ang mga dancers na ito ni Melendrez na "hindi naging makatarungan ang SH, sa pagtanggal sa kanya. Mas kinampihan pa daw ng mga ito, sina Rjay (Guinto) at Nico (Reciproco)".

SH President JR Martir: "Let himself ruin his reputation"
Sinabi din daw ni Melendrez na "ipinagkakalat ng SH na, magkasintahan daw sila, ni Mayca (Del Pilar). Masiyado naman daw bata si Mayca para sa kanya".

Dagdag pa ng dating High Council, "nagdala lamang ako ng kutsilyo nung sumugod ako sa HQ, kasi marami sila at baka pagtulungan nila ako".

Sinagot naman ni SH President JR Martir ang mga hinaing ni Melendrez.

"We're gonna start at the first, mahirap atang ipaintindi sa kukote ni Jeffrey eh noh. There is a probable cause to expel him from the organization, for doing such a scandalous act that makes us suffer. Secondly, the issue about Mayca (Del Pilar), I just first heard it from Kate (Bayog). I don't think mayroong nagkakalat na magkarelasyon sila. Nababaliw na ata itong tao na 'to eh. Kung may relasyon man sila, we don't care about it", pahayag ni Martir.

Ayon kay Martir, bahala na si Melendrez na "dumakdak ng dumakdak". Aniya, nakapag-usap na sila ni Melendrez at pinakinggan ang mga hinaing nito. Oras na gumawa siya ng gulo ay agad na aaksyon ang SH, kasama ng iba't ibang grupong kaanib nila.

"My members know what really happened. They know kung sino ang mas katiwa-tiwala sa amin. Jeffrey is ruining his reputation. Marami na kong naririnig na tungkol sa kanya, but we are not publishing in this website. Hayaan mo siyang dumakdak, its only a hearsay. Alam naman ng mga tao kung sino ang mas tama sa amin, I don't need to explain anyway", sabi ni Martir.

Napalayas sina Martir sa inuupahan nilang bahay, na ginawa nilang headquarters ng SH, matapos ang ginawang pag-aamok ni Melendrez, noong madaling araw ng November 12. Kabilang sa mga napalayas ay sina High Councils Guinto, Reciproco, Alex Balangan at Jogie Florece.

Grand X-mas Party Awaits SH!!!!!

Straw Hats Pirates (from left to right): Kate Marielle Bayog, SH President JR
Martir, Diason Demayo, Jomer Naza, Kyerlyn Flores, Nikka Cabanggangan,
Aira Franco, High Council Nico Reciproco, DJ Mark Ayag, Art Gerolao, Jess
Lastica, Jayrald Dela Cruz, Gian Barrientos & Axel Dam Manuel (partly
hidden)
SH Online Photo
Isang mlaking christmas party ang isasagawa nang iba't-ibang youth organizations ng Cainta, sa darating na December 21.

Nagpulong-pulong noong Miyerkules ang mga Presidente, ng iba't-ibang youth clubs sa Cainta, na dinaluhan ni SH President JR Martir, ang pinuno ng Straw Hats Pirates. Pinag-usapan nila ang isasagawang grand christmas party ng mga youth clubs ng bayan, na pinamagatang "Magkasangga! Grand Youth Club Christmas Party". Ito ay sa pangunguna na Barangay Chairman ng Barangay San Juan, na si Wilfredo Felix, na tatakbo sa pagka-alkalde ng bayan, sa darating ng 2013 Election. Kasama rin dito si Engineer Noel Hurtado.

Willy Felix
Idol Ko Si Kap Willy
Felix Facebook Page
Sa kanilang pagpupulong, bumuo sila ng iba't ibang kumite, para sa gawain ng bawat grupo sa Christmas Party. Kabilang sa Committee on Games si Martir, kasama si Jerome Rangis ng Kabisig Youth Action Team (KYAT), at Arianne Flores ng Youth Organization Unified New Generation (YOUNG).

Ang "Magkasangga! Grand Youth Club Christmas Party", ay isasagawa sa Cainta Elementary School, sa December 21, sa ganap na alas-siyete ng gabi.

Para sa ilang detalye, magtext o tumawag sa 09289848821 o magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng social networking site na Facebook, www.facebook.com/shinquirer14


Thursday, December 6, 2012

Melendrez Still Welcome At SH, But Not As HC!!!!!

former High Council Jeffrey Melendrez: Welcome, But Not
As High Council again.
SH Online Photo
Payag si SH President JR Martir, kung sakaling nais bumalik ni Jeffrey Melendrez sa Straw Hats Pirates, pero hindi bilang High Council.

Ayos lang daw kay Martir kung sakaling muling sasali si Melendrez sa SH, sakaling nais pa ng dating High Council ng grupo, na bumalik. Sinabi ni Martir na, makakabalik siya sa SH pero hindi bilang High Council, kundi isang ordinaryong miyembro na lamang.

"He should fill up the form like the ordinary members do, and to choose sa 11 High Councils kung sino ang hahawak sa kanya", sabi ni Martir.

Maging si High Council Jhomel Santirba, ay sang-ayon din na pabalikin si Melendrez sa organisasyon.

"Tropa pa rin tayo eh, dapat hindi ka na mag-iskandalo ulit", sabi ni Santirba.

Hindi pa naman nakakapagbigay ng pahayag si Melendrez tungkol dito.

Tinanggal mula sa SH si Melendrez, matapos mag-amok noong madaling araw ng November 12, na naging dahilan upang mapalayas, sina SH President JR Martir, sa headquarters ng SH na kanilang inuupahang bahay, kasama nina High Councils Alex Balangan, Rjay Guinto, Nico Reciproco at Jogie Florece. Kabilang sa mga bumoto para mapatalsik siya sa kanyang posisyon, ay sina High Councils Balangan, Guinto, Reciproco, Florece, Santirba, Tom Jhon Morada at Anna Rose Santos.

JR & Melendrez Finally Talked!!!!!

SH President JR Martir & former High Council Jeffrey
Melendrez
SH Online Photo
Matapos ang nangyaring gulo sa Straw Hats Pirates nitong mga nakaraang araw, nagkausap na sa wakas, sina SH President JR Martir at dating SH High Council Jeffrey Melendrez.

Nagka-usap na noong Martes ng gabi sina Martir at Melendrez, sa San Roque St sa San Francisco, na itinuturing nilang kanilang teritoryo, kasama sina High Council Jhomel Santirba, at Leader ng Brother Hood Company, na si Romar Barrientos.

Sa kanilang naging pag-uusap, isiniwalat ni Melendrez na humihingi siya ng dispensa sa ginawa niyang pag-aamok, noong madaling araw ng November 12, na siyang naging dahilan kung bakit napalayas sa kanilang inuupahang bahay, sina Martir, High Councils Alex Balangan, Rjay Guinto, Nico Reciproco at Jogie Florece. Nagawa niya lamang daw ito dahil sa galit niya kina Guinto at Reciproco, dahil sa paulit-ulit na pagtawag sa kanya na "jacker", na ang literal na kahulugan ay magnanakaw. Para sa kanya, napahiya siya sa ginawa ng dalawa, dahil ipinagsisigawan pa daw nila ito, sa Rizal St. ang siyang teritoryo ng SH at BHC.
High Council Nico Reciproco
SH Online Photo

Galit din daw si Melendrez sa ilang miyembro ng SH, kabilang sina Guinto, Reciproco at Seano Suriguo, dahil sa pang-iinsulto nila sa kanyang dance group na 27.7 Angel Squad. Lahat daw ng pinag-uusapan at pangiinsulto ng mga miyembro ng SH ay sinasabi sa kanya, ni Mayca Del Pilar, na naunang napabalita sa SH Online, na siyang nagtatangol kay Melendrez, laban sa mga akusasyon dito. Ani Melendrez, walang karapatan ang SH na insultuhin ang 27.7 Angel Squad.

Dagdag pa ni Melendrez, si Reciproco ang mas lalong nagpapalala ng sitwasyon sa grupo, dahil nag-aangas daw ito. Ayon sa kanya, nagpapadala siya ng text message kay Reciproco, na kinakamusta si Martir, ngunit hindi niya ito ipinararating sa Presidente ng SH. Aniya, inaangasan daw talaga siya ng nasabing High Council, at hinahamin siya ng away.
BHC Leader Romar
Barrientos
from Facebook account
of Romar Barrientos

Naghayag naman ng sama ng loob sina Santirba at Barrientos ukol sa ginawang pag-aamok ni Melendrez. Sinabi ni Santirba na "hindi mo (Melendrez) dapat ginawa iyon dahil apektado ang buhay nina Cap (Martir) at Alex, wala silang matirhan ngayon, hiwa-hiwalay".

Sang-ayon din si Barrientos sa naging pahayag ni Santirba. Dapat daw ay "mayroon pa ring matatambayan ang mga Straw Hats ganon din ang mga Brother Hood".

Humingi na lang ng dispensa si Melendrez para sa lahat ng kanyang ginawa, sa harap nina Martir, Santirba, Barrientos at mga miyebro ng BHC

High Council Jhomel Santirba
SH Online Photo
Nakipag-ugnayan ang BHC sa grupong ESL, upang mapag-usapan nina Martir at Melendrez ang mga alitan sa grupo, na nagkakaroon ng tinatawag na "chain reaction" sa pagitan ng ibang grupo. Nagpapasalamat si Martir sa BHC at ESL, sa kanilang ginawa upang maidaan sa mapayapang usapan ang lahat, bago sila magsimula ng kaguluhan sa San Francisco, na ayaw mangyari ni Barrientos.

"If he (Melendrez) us then, we are ready to have a bullfight with them that night. We are very open for a peace talks and I'm thankful that BHC and ESL is on our side", sabi ni Martir.

Wednesday, December 5, 2012

'1 Week For Noemie To Respond' - JR!!!!!


High Council Noemie Justado
from Facebook account of Noemie
Justado
Binigyan ng ultimatum ni SH President JR Martir, si High Council Noemie Justado, na sumagot kung nais niya pang mapanatili ang kanyang posisyon, bilang isa sa mga High Councilsng Straw Hats Pirates.
Laleine Reyes: Candidate for next
High Council
from Facebook Account of Laleine
Reyes

Sa pamamagitan ng social networking site na Facebook, nagpadala ng mensahe si Martir, sa Facebook Account ni Justado. Ayon sa sulat, ipinababatid ni Martir, ang responsibilidad ni Justado, bilang isa sa mga High Councils ng SH. Kanyang itinatanong kung nais pa nitong manatiling High Council ng organisasyon. Nais ni Martir na maging aktibo na ang lahat ng mga High Councils ng SH, at humawak ng kanya kanya nilang bataan upang lalo pang mapalawak ang network ng organisasyon. Ito'y lalo na at papalapit na ang 2013 Election, kung saan susuportahan ng SH, ang kandidatura ni Wilfredo Felix at Joe Ferrer, na tatakbong alkalde at bise-alkalde ng bayan ng Cainta. Bukod dito, suportado rin ng SH ang pagtakbo sa Senado, ni Grace Poe-Llamanzares, ang Chairman ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB), at ang mga kasapi ng Liberal Party, ni Pangulong Noynoy Aquino.
SHPirates Guild Leader Noel
Payo: Candidate for HC
SH Online Photo

Halos isang taong hindi nagparamdam si Justado sa SH, matapos kumpirmahing, nanganak na ito nitong taon lamang. Sinabi ng mga taong nakakakilala sa kanya, na kasalukuyan na siyang nakatira sa bahay ng kanyang asawa, sa Greenhills, San Juan City.

Kung hindi sasagot si Justado hanggang Sabado, December 8, 2012, magtatalaga si Martir ng panibagong High Council. Kabilang sa mga napipitik niyang papalit, ay sina SHPirates Grand Chase Guild Leader Noel Payo, Deputy High Council ni Tom Jhon Morada, na si Laleine Reyes at dating SHGC Head Jomer Pastolero.

Patrick On The Hot Seat For A Week!!!!!

Patrick Espelita
SH Online Photo
Naging mainit si Patrick Espelita, sa ilang miyembro ng Straw Hats Pirates, matapos madawit sa ilang isyu.

Sentro ng galit ngayon si Espelita, matapos mapag-alaman na siya ang "star witness", sa ilang isyung kinasangkutan ng ilang miyembro ng SH. Una na rito ay ang isyu, ng madawit ang limang miyembro ng SH, sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot na marijuana. Kabilang sa mga salarin ay sina Gian Barrientos, DJ Mark Ayag, Jhero Beriso, Jess Lastica at Jayrald Dela Cerna. Sinabi ni Dela Cerna na si Espelita ang siyang nagsumbong, kay Joan Cruz tungkol sa kanilang illegal na ginawa. Matatandaang si Cruz ang nagkwento sa SH Online, nang paggamit ng marijuana ng mga akusado.
DJ Mark Ayag & Gian Barrientos
SH Online Photo

Maging sa school nilang San Juan National High School, ay gumawa ng ingat si Espelita, matapos maipatawag sa Guidance Office, nang muntik na silang magsuntukan, ni Daison Demayo, miyembro rin ng SH. Nainis si Demayo nang malamang, si Espelita ang siyang nagsumbong, kay dating SH High Council Jeffrey Melendrez, na umano'y babanatan niya ang huli. Itinanggi ni Demayo ang akusasyon, at sinabihang "sinungaling" si Espelita.

Muntik namang banatan nina Dela Cerna at Ayag, si Espelita, dahil sa pagsusumbong na ginawa nito ni Cruz, na sinasabi ni Ayag na napahiya sila sa school ng magsisigaw si Cruz na "tsongke pa". Humingi daw ng tulong si Espelita, sa kuya niyang si Ian, upang protektahan siya sa mga taong babanat sa kanya, sa labas ng SJNHS.

Sa ngayon, naging kalmado na ang magkabilang kampo. Sinabi ni High Council Jogie Florece, na hindi na maaaring pagkatiwalaan si Espelita, dahil maaaring "asset" ito ni Melendrez, na nagbibigay sa dating High Council ng impormasyon, ukol sa aktibidades ng SH.

Tuesday, December 4, 2012

No EB Was Conducted On November!!!!!

Robert Nerveza (Cortal), Romar Barrientos (Ang-Hell) &
SH President JR Martir (Shinichi)
SH Online Photo
SHP TEXT SOCIETY - Nilinaw ni SH President JR Martir (Shinichi), na walang nangyaring eyeball (EB), para sa Straw Hats Pirates Text Society, nitong nakaraang buwan.

Sinagot ni Martir ang isyung ito, nang may nagbigay ng tip sa SH Online, na ipinagkakalat 'di umano, ni dating High Council Jeffrey Melendrez, na natuloy ang EB ng SHP Text Society, noong November 17. Nagsalita ang taong ito, sa kasunduang, hindi ihahayag sa website na ito ang kanyang katauhan.

Sa pahayag ng taong itatago natin sa pangalang "Lando", sinabi niya na gumawa ng sariling clan si Melendrez, matapos siyang matanggal sa Straw Hats Pirates Organization. Aniya, "sinabihan ni Melendrez ang mga members ng SHP Text Society na natuloy ang EB noong November, na ikinatampo ng iilan dahil, hindi man lang daw sila nasabihan tungkol dito".
Former High Council Jeffrey
Melendrez
From Facebook Account of
Jeffrey Melendrez

Itinanggi ni Martir na walang naganap na EB, para sa SHP Text Society noong nakaraang buwan.

"Paano mangyayari yun ehh napalayas nga kami sa headquarters 'di ba? The clan was in active for a month kasi nga may pinagdadaanan pa kami sa organization and the members should know that", sabi ni Martir.

Sinabi rin ni alyas "Lando", na kaya nagquit sa clan sina Roselle Claudio (Cagalli), at Kim Calibo (Roronoa Zorro), ay dahil sa sinabi ni Melendrez na natuloy ang EB. Nagalit daw sina Claudio at Calibo, dahil "hindi man lang daw ito ipinaalam ni Shinichi sa kanila".
Joan Cruz (Conan): New
Terminator
SH Online Photo

Galit naman ang ilang miyembro ng SHP Text Society sa inihayag ni alyas "Lando". Sinabi ni Romar Barrientos (Ang-Hell), "isa itong aktuwal na paninira sa (text) clan, upang makuha ni Melendrez ang mga miyembro at isali sa kanyang sariling clan".

Ito rin ang naging pahayag ni Robert Nerveza (Cortal). Dapat daw ay "gawan na ang aksyon, ang ginawa ni Melendrez dahil maaaring magpatuloy pa ito sa kanyang gawain."

Sa ngayon, balik na sa normal ang operasyon ng SHP Text Society, matapos ang ilang buwang pananahimik ni Martir, na siya ring founder ng clan.

"I still have my loyal members so there's no need to worry about", sabi ni Martir.

Ilan sa mga natirang miyembro ng text clan ay sina Joan Cruz (Conan), Joy Barro (Killua), Izzy Ballesteros (Blossom) at iba pa. Na-assign naman si Cruz bilang bagong Terminator ng clan, kapalit ni Venus.

SH Attended Parade For Felix!!!!!

Straw Hats Pirates Members on Cainta Fiesta Parade; (from left to right)
SH President JR Martir, Daison Demayo, Jomer Naza, Kate Bayog, Nikka
Cabanggangan, Aira Franco, High Council Nico Mikhail Reciproco, DJ
Mark Ayag, Art Gerulao, Jess Lastica, Jayrald Dela Cerna, Gian Barrientos
& Axel Dam Manuel
from Facebook Account of Jerome Rangis

Nakidalo noong Biyernes ang Straw Hats Pirates, sa ginawang fiesta parade, sa Cainta, ni Wlly Felix, na tatakbong mayor ng nasabing bayan, sa darating na 2013 Election.

Isa ang SH sa mga grupong nagpakita ng suporta, kay Felix, nang magsagawa ito, ng parada, bilang pagbibigay-pugay, sa piyesta ng bayan ng Cainta. Nagsimula ang parada sa Barangay Hall ng Barangay San Juan, tungo sa Simbahan ng Parola. Tapos non, dumiretso sa Barangay Sto. Niño at Barangay Sta. Rosa, pabalik sa Greenland Subdivision, kung saan nakasalubong nila ang mga taga-suporta, ni Atty. Kit Nieto, na isa ring kandidato sa pagka-alkalde ng nasabing bayan. Tapos non, dumiretso sila pabalik sa simbahan, at tinapos ang parada sa Pamahalaang Bayan ng Cainta.

Kabilang sa mga dumalo ay sina SH President JR Martir, mga High Councils na sina Jogie Florce, Nico Reciproco at Jhomel Santirba. Dumalo rin ang mga miyembro ng SH na sina Jomer Naza, Nikka Cabanggangan, Art Gerulao, DJ Mark Ayag, Jess Lastica, Jeriemy Llantino, Jayrald Dela Cerna, Axle Barrientos, Kate Bayog, Kyerlyn Flores at Joan Cruz.

Ilan sa mga grupong dumalo sa parada, kasama ng SH ay ang Youth Organization Unified New Generations (YOUNG), Vanguard Outstanding Youth Achieving for Goals and Success (VOYAGE), Scouts Royale Brotherhood (SRB), Kabisig Youth Action Team (KYAT) at marami pang ib a.

Sinabi ni Martir na mananatiling nakasuporta ang SH, sa pagtakbo ni Felix, at kanyang bise-alkalde na si Joe Ferrer, kasalukuyang Barangay Chairman ng Barangay San Andres.

Sunday, December 2, 2012

Demayo Clears His Name Against Melendrez!!!!!

Daison Demayo
SH Online Photo
Nilinaw ng isang miyembro ng Straw Hats Pirates, na si Daison Demayo, na wala siyang kinalaman, sa napabalitang "papabanatan" niya umano, si dating High Council Jeffrey Melendrez.

Sa panayam ng SH Online kay Demayo, sinabi nito na "hindi ko binalak na banatan si Jeffrey." Nilapitan daw umano siya ni Jeffrey, noong November 23, sa San Roque St. ng San Francisco sa Cainta, at itinanong sa kanya na umano'y, kung balak ba nitong banatan si Melendrez.

"Kung babanatan kita, matagal na", ito ang isinagot ni Demayo kay Melendrez.

Nalaman naman ng SH Online na muntik nang magpangabot, sina Demayo at Patrick Espelita, miyembro rin ng SH na hawak ni High Council Jogie Florece, sa school nilang San Juan National High School. Ito'y nang malaman ni Demayo, na si Espelita daw ang "nagsumbong", kay Melendrez na babanatan niya umano, ang dating High Council.
Former High Council Jeffrey
Melendrez
SH Online Photo

Inamin ni Demayo na galit din siya sa ginawang pagwawala ni Melendrez sa dating headquarters nang SH noong madaling araw ng November 12, ngunit, hindi daw ito dahilan upang pabanatan niya ang huli.

Nagalit naman si Demayo sa ginawang paninira sa kanya, ni Espelita, na kanyang kaklase sa SJNHS.

Nauna nang itinanggi ng pamunuan ng SH, na "iniutos" nila sa grupong Brother Hood Company", na banatan si Melendrez.

Mayca Defends Melendrez Against Accusations!!!!!

Mayca Del Pilar
SH Online photo
Ipinagtanggol ng isang miyembro ng Straw Hats Pirates, si dating High Council Jeffrey Melendrez, ukol sa mga akusasyon laban sa kanya.

Pumunta noong gabi ng November 24, si Mayca Del Pilar, sa dating headquarters ng SH, upang makausap, sina SH President JR Martir at High Council Jogie Florece. Ayon kay Del Pilar, kailangang umanong "humingi ng tawad", ni Florece kay Melendrez, dahil sa pagkakatanggal ng huli sa organisasyon. Hindi naman ito pinayagan ni Florece.

"Bakit ako hihingi ng tawad? Mali pa rin si Jeffrey (Melendrez) kasi nagwala siya ng wala sa oras", sabi ni Florece.

Sabi pa ni Del Pilar, kinakailangan daw na "tumanaw ng utang na loob si Jogie, dahil si Jeffrey ang nagpasok sa kanya sa Straw Hats".

Dagdag pa ni Del Pilar, kaya lang naman daw nagwala si Melendrez ay dahil, "galit na galit ito", matapos sabihan, nina High Council Rjay Guinto at High Council Nico Mikhail Reciproco, na siya ay "jacker", na ang kahulugan ay, magnanakaw.
SH President JR Martir & High Council Jogie Florece
SH Online Photo

Pinanindigan naman ni Martir na mali si Melendrez sa kanyang ginawa, at hindi dapat humingi ng dispensa si Florece sa kanya.

"Oo nga mali sina Rjay at Nico sa mga sinabi nila kay Jeff, pero kailangan bang magwala? Because of that, pare-pareho kaming napalayas at impact of it was felt by the members of the SH", sabi ni Martir.

Nagkahiwa-hiwalay na ngayon ang mga nakatira sa dating headquarters ng SH, kabilang sina Martir, Florece, Guinto, Reciproco at High Council Alex Balangan. Hindi na rin makakapag-aral ng kolehiyo si Florece, matapos itigil ng kanyang lolo ang sustento niya, dahil sa nangyaring pag-aamok ni Melendrez, noong madaling araw ng November 12. Ang lolo niyang si Eutiquio Lozano ay nagtatrabaho bilang seaman sa Canada.

Former High Council Jeffrey Melendrez
SH Online Photo
Nagalit din si High Council Harold Lozano (anak ni Eutiquio Lozano), na kasalukuyang nasa Surigao City, sa ginawa ni Melendrez, na nagdulot upang mapalayas ang mga nakatira sa dating headquarters ng SH.

Inamin ni Del Pilar na naiintindihan niya ang nararamdaman ni Melendrez.

"Kahit ako masasaktan nun, kung sasabihan akong jacker", sagot ni Del Pilar.

Itinanggi ni Martir na kinakampihan niya sina Reciproco at Guinto, na ayon kay Del Pilar ay pananaw ni Melendrez.

"Magmumukha lang talagang kinakampihan ko sila kasi sila ang mga kasama ko sa bahay", sagot ni Martir "Pinapakinggan ko si Jeffrey kapag nagpapaliwanag siya. His expulsion from the organization was suggested by High Council Jhomel Santirba, na may personal na galit sa kanya (Melendrez)".

"Kung masakit sa kanya, mas masakit para sa amin dahil kailangang madamay ng buong grupo dahil sa pagwawala niya. Kahit nasaktan ako, nagwala ba ko? Or Jogie? Or Alex? Definitely not. We keep on smiling sa mga bumibisita sa amin. Mayca should know that thing", sabi ni Martir.

Most Read Posts