Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!

Announcement to everyone!

Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.

What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta

Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!

Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.

Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.

Kitakitz na lang!

Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14

Grand Chase Philippines

Grand Chase Philippines
The number one casual online game in the Philippines. Register now for free at www.my.levelupgames.ph

Grace Glinofria

Grace Glinofria
Please like the Facebook fan page of Grace Glinofria. Just click the photo. . .

Monday, April 26, 2010

Straw Hats For The Coming College Life!!!!!

Natapos na ang high school life para sa ilan nating mga miyembro at ngayong malapit na ang pasukan sa kolehiyo, ano kaya ang mararating ng ating mga miyembro.

Sa mga High Council, isa lamang ang kompirmadong mag-aaral, ito ay si High Council Nico Mikhail Reciproco na nakapasa sa entrance examination sa Far Eastern University sa Sampaloc Manila City. Sa Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa Manila naman nagpasyang mag-aral ni Jennylyn Cruz. De La Salle College of Saint Benilde sa Taft Avenue Manila naman ang pinasukan ni Charlene Moldez. Sa Rizal Technological University papasok si Alyssa Faye Limbo at sa STI Cainta naman si SHGC Head Jomer Pastolero.

Pinag-iingat naman ni SH Chairman Julianne Rauland Martir ang ating mga miyembrong papasok sa iba't-ibang unibersidad lalong-lalo na ang mga pang-gabi.

"Ibayong pag-iingat lang ang lagi niyong baunin. Huwag dumaan sa mga 'di mataong lugar lalo na sa madilim. Kung wala nang gagawin after class, umuwi na agad at siyempre, huwag basta-basta magtitiwala sa mga bago ninyong magiging kaibigan 'coz, karamihan sa kanila ay mga miyembro ng mga sindikato at fraternities", paalala ni SH Chairman Julianne.

Dobleng pag-iingat naman ang payo ni SH Chairman Julianne sa mga babae nating miyembro.

"Sa mga babae naman, mag-ingat lalo na 'yung mga pinasukan niyong universities ay nasa Maynila, nagkalat ang mga masasamang elemento diyan. Huwag basta-basta sasama lalong-lalo na sa mga lalaki. Kapag ginabi kayo at feeling niyo takot kayong unuwi mag-isa, i-text niyo lang ako, ako na mismo susundo sa inyo. Hindi lang sa labas ng campuses may mga masasamang elemento, ingat din kayo sa mga manyakis na professors. Gaya ng napanood ko sa Bitag kay Mr. Ben Tulfo, 'yung nangyaring sexual harrassment sa Philippine Maritime Institute kung saan professor ang itinuturong suspek. If there's any case of any sexual harrassment verbal or actual ilapit niyo sa amin, pupuntahan namin mismo ang tanggapan ng inyong paaralan para kausapin sila", huling pahayag ni SH Chairman Julianne.

Nakahanda namang tumulong ang buong Straw Hats Pirates kung nangangailangan kayo ng kahit anong tulong sa inyong pinapasukang unibersidad.

SH Member With A Past Time GF, Now Takes It Seriously!!!!!

Ilang araw pa lamang ang nakakalipas ng ibalita namin sa inyo ang tungkol sa isa nating miyembro na may past time girlfriend. Sa mga nakaraang araw, napansin ng ilang mga High Councils na tila seryoso na ito sa kanyang girlfriend.

April 22, 2010 ng aksidenteng makita ng pamunuan ng ating grupo ang isa nating miyembro na may kalaguyong babae. Sinabi niya na pang-past time niya lamang iyon ngunit, sa ngayon, tila naiba yata ang ihip ng hangin. Mukhang nahuhulog na itong lalaking ito sa kanyang girlfriend. Sa katunayan, naghalikan na sila at inamin nitong lalaki na ang girlfriend niya ngayon ang kanyang 1st kiss. Ovious naman na mahal na mahal ng babae itong si lalaki. Nababagabag pa ang lalaki dahil sa mahal niya pa rin ang dati niyang crush. Payo naman ni SH Chairman Julianne Rauland Martir, makaiinam kung kalimutan na niya ang dati niyang crush at mahalin na lamang niya ang kasalukuyan niyang girlfriend. Sa tingin din niya, wala nang aasahan pa itong lalaking ito kung patuloy niya pa ring hihintayin ang dati niyang crush. Samantala, isa namang High Council ang nagsabi na may sakit na tuberculosis ang girlfriend nitong lalaking ito.

Hanggang sa kasalukuyan ay ayaw pa ring ilantad nitong si lalaki ang kanyang katauhan dahil baka marami daw magulat kapag nalaman ito ng publiko.

Tom Jhon Said, Micah Was A Lesbian!!!!!

Bagamat matagal na mula ng mabusted si High Council Tom Jhon Morada kay Micah Dahang, palaisipan pa rin sa ilang miyembro ng ating grupo kung ano ang dahilan nito. Nalaman ni High Council Nico Mikhail Reciproco ang dahilan at sinabi niya ito sa pamunuan ng ating grupo. Sinabihan daw umano nitong si HC Tom Jhon si Micah na siya ay tomboy. May pagtingin na daw siya noon at muntik na niya sanang sagutin ngunit dahil sa sinabing ito ni HC Tom Jhon, binasted tuloy siya ng biglaan.

Samantala, basted din pala si HC Nico sa nililigawan niyang si Christel Joy Artibel. Ayon naman sa kanya, sa text niya lang niligawan ito. Bagamat ganoon ang nangyari, ipagpapatuloy niya pa rin daw ang panunuyo dito.

Isa namang miyembro ng ating organisasyon ang nagbabalak na magpropose ng kasal sa kanyang minamahal. Balak niyang gawin ito sa May 15, 2010. Humingi na siya ng tulong sa pamunuan ng ating grupo at nangako naman ang mga High Councils na tutulungan siya.

Sunday, April 25, 2010

SHGC Failed To Enter In Digmaan, Julianne Says Sorry To Jhozah And Kalapapoh!!!!!

Bigong makapasok ang Straw Hats Grand Chase Guild sa Digmaan National Championship 2010 sa casual online game na Grand Chase Philippines. Limitado lamang sa 128 teams ang nasabing championship. April 17, 2010, nagsimula ang registration ngunit April 18 na nakapgregister sina SHGC Head Jomer Pastolero, SH Chairman Julianne Rauland Martir at Jerald Gasataya. Umabot ang SHGC sa 152 slot kaya hindi na sila nakapasok ng ilabas na ang schedule ng matches. Sinabi ni SHGC Head Jomer Pastolero na next time na lang sila sasali at itataguyod ang pangalan ng ating organisasyon sa industriya ng Grand Chase.

Humingi ng sorry si SH Chairman Julianne sa grupong Jhozah Xociety at Kalapapoh Brothers matapos niyang hindi pansinin ang mga ito ng dumalo sila ng youth conference ng relihiyong Born Again sa Pasig Bible Baptist Church sa Octagon Village Pasig City. Sinabi Raynee Cabatingan, miyembro ng Jhozah at Kalapapo, High Council kay Rjay Guinto na nagalit umano ang mga Jhozah kay SH Chairman Julioanne dahil sa ginawa nito. Sagot naman nito, may hindi kanais-nais na view siyang nakita kaya nag-init ang ulo niya. Humingi din siya ng sorry kina Febeilyn Estorninos ng Jhozah at Omar Gubat ng Kalapapoh.

Samanatala, may natanggap naman na balita ang pamunuan ng Straw Hats Pirates mula kay Analiza Torres. Sabi nito, galit daw ang mga miyembro ng ating organisasyon sa Jhozah at Kalapapoh dahil ginamit lang umano nila si SH Chairman para mapakinabangan sa San Juan National High School. Agad namang nilinaw ng pamunuan ng Straw Hats Pirates na walang lumalabas na ganitong salita sa kahit sinong miyembro ng ating organisasyon. Ayon kay SH Chairman Julianne, lahat ng bagay na itinulong niya sa Jhozah at Kalapapoh ay ginusto niya at wala siyang pinagsisisihan dito.

Jeffrey Answers All Issues About Him!!!!!

Humarap na si High Council Jeffrey Melendrez sa pamunuan ng Straw Hats Pirates upang sagutin ang lahat ng isyung kinakaharap niya.

Una na sa mga isyung ito ay ang pagreact ni High Council Alexander Balangan ng dalhin niya umano ang buong tropa niya sa bahay ng miyembro nating si Charlene Moldez. Mali raw ang nalaman niyang impormasyon dahil dalawa lamang ang isinama niya at ang isa pa sa mga ito ay ang miyembro nating si Jogie Florece. Sinabi lang nila kay Charlene na hindi na sila matutuloy sa pagsayaw sa Anak Pawis Covered Court dahil marami pa sila umanong appointment.

Ikalawang isyu ay ang lumabas na balita na binanatan umano siya malapit sa San Juan National High School. Inamin niya na totoo ang balitang ito. Isa umanong lalaki na nagngangalang "Jurlie Guyo" ang nag-utos para tirahin siya. Sinabi naman ni High Council Julianne Rauland Martir na kung magpapatuloy pa ang banatang ito at kung malalaman kung sinong grupo ang bumanat dito, nakahanda na silang banggain ng Straw Hats Pirates.

Ang huling isyung kinakaharap niya ay ng i-deny ng ex-girlfriend niyang si Kriselle Anne Dimaala na may namagitan sa kanila. Inamin ni Kriselle na kasinungalingan ito at humingi ng sorry sa pamunuan ng Straw Hats Pirates. Apat na buwan pala nagtagal ang kanilang relasyon.

Wednesday, April 21, 2010

The Singer Has Come!!!!!

Matapos ang halos isang lingo, opisyal ng inihahayag ng Straw Hats Pirates na miyembro na si Alyssa Faye Limbo matapos aprubahan ng anim na High Councils.

Nagka-interes sumali si Alyssa Faye sa ating grupo ng Makita niya sa internet ang ating official website. Nalaman niya na kabilang sa ating mga miyembro si Charlene Moldez na kanyang kaklase sa Rizal Experimental Station and Pilot School of Cottage Industries o RESPSCI noong sila’y 4th Year. Si High Council Jeffrey Melendrez ang nagpaliwanag sa kanya kung ano ang Straw Hats. Agad niya naming ipinagbigay alam ang impormasyong ito kay High Council Julianne Rauland Martir. Nagpost ito ng announcement sa ating website. Makalipas ang isang lingo, anim na High Council ang tumapos ng paghihintay ni Alyssa kabilang sina HC Julianne, HC Jeffrey, High Council Rjay Guinto, High Council Alexander Balangan, High Council Jhomel Santirba at High Council Tom Jhon Morada. Kilala si Alyssa sa RESPSCI na isang singer.

Samantala si Alyssa ay kakanta sa Anak Pawis Covered Court sa darating na Miyerkules April 28, 2010. Nakatakdang manood para sa kanya ang mga High Councils n gating grupo.

CCT ni Julianne, Delayed, Alex-Anna Going Straight at 19, Isang Straw Hat May Past-Time Girlfriend!!!!!





Pansamantalang nahinto ang Call Center Training ni High Council Julianne Rauland Martir sa PFCI Cainta, Rizal, sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA. Ang Call Center Training na ito ay proyekto ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ayon sa trainor nilang si Rupert Marqueta, magiging busy daw siya para sa paghahanda sa darating na Eleksyon 2010. Hindi naman daw maaapektuhan ang kanilang allowance. Babalik ang klase sa darating na March 12, 2010.

Gaya nina High Council Alexander Balangan at High Council Jhomel Santriba, hindi muna mag-aaral sa kolehiyo sa taong ito si HC Julianne. Dahilan niya, nahihirapan pa siyang mag-move on matapos ang break-up nila ng ex-girlfriend niyang si Raynee Cabatingan. Ilalaan niya muna daw ang oras niya sa pagtulog upang unti-unting makalimutan ang kanyang ex-girlfriend.

Going straight pa rin ang relasyon nina HC Alexander at High Council Anna Rose Santos. Sa katunayan, ipinagdiriwang nila ngayong April 21, 2010 ang kanilang 19 monthsary o 1 year and 6 months bilang magkasintahan. Naniniwala ang buong Straw Hats Pirates na magiging sila na habambuhay.

Samantala, aksidenteng nahuli ng pamunuan ng Straw Hats Pirates ang isa nating miyembro na may kalaguyong babae. Inamin niya na girlfriend niya ito ngunit pang-past time niya lamang. Nakiusap siya na huwag ng ibulgar pa ang kanyang katauhan.

Monday, April 19, 2010

Tom Jhon Morada, Two Times Busted!!!!!


Hindi naging maganda ang takbo ng lovelife ni High Council Tom Jhon Morada sa taong 2010 matapos sunod-sunod ma-busted kina Micah Dahang at miyembro nating si Charlene Moldez.

"Kahit mag-break kami, hindi kita sasagutin". Ito ang sinabi sa text ni Micah Dahang na nagpa-iyak kay HC Tom Jhon. Habang ito'y nagbabakasyon sa Cadiz City, Negros Occidental, nalaman nito na may boyfriend na si Micah. Sinabi niya na nakahanda siyang maghintay ngunit gaya ng sinabi ni Micah, kahit na mag-break sila ng kanyang boyfriend, hinding-hindi niya sasagutin si HC Tom Jhon. Inakala ng pamunuan ng Straw Hats Pirates na magkarelasyon itong si Micah at si Joseph Reyteran. Nilinaw naman ng miyembro nating si Jennylyn Cruz na hindi ito totoo.

Bukod kay Micah, busted din si HC Tom Jhon sa miyembro nating si Charlene Moldez. Inamin ni Charlene na sinagot na niya ang suitor niyang si Jasper Masagnay noong April 5, 2010. Inamin ni HC Tom Jhon na niligawan niya si Charlene sa text habang siya'y nasa Cadiz City.

Bagama't sunod-sunod na nabigo sa pag-ibig si HC Tom Jhon, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na magka-girlfriend. Binabalak niya umano na ligawan ang dati niyang classmate na si Jaerolaim Quiros.

Bata, Nalunod sa Dagat, Jeffrey Melendrez, Nabanatan!!!!!

Kagimbal-gimbal ang naging araw ni High Council Anna Rose Santos habang ito'y nagbabakasyon sa DasmariƱas, Cavite araw ng Linggo April 18, 2010. Isang bata na kanilang kasama ang nalunod habang naliligo sa dagat. Ayon sa kanyang mga magulang, halos dalawang oras ng hindi bumabalik sa cottage ang kanilang anak. Aksidenteng natapakan ang bangkay ng bata ng isang matanda kaya naman napag-alaman na ng mga otoridad na nalunod nga ang bata. Ayon naman sa mga pulis, may posibilidad na may nangyaring foul play sa nasabing insidente.

Sa Cainta naman, nabanatan malapit sa San Juan National High School si High Council Jeffrey Melendrez ng hindi pa nakikilalang mga tambay. Agad siyang lumapit kay High Council Jhomel Santirba na malapit lang ang bahay sa pinangyarihan. Binalikan nila ang lugar ngunit wala na doon ang mga bumanat kay HC Jeffrey. Ayon naman sa kanya, parang kiniliti lang siya ng sumuntok sa kanya.

Samantala, hindi natuwa si High Council Alexander Balangan ng dalhin ni HC Jeffrey ang kanyang mga tropa sa bahay ng miyembro nating si Charlene Moldez. Hindi daw magandang ipagmalaki si Charlene sa kanyang mga tropa lalo pa't hindi niya ito mga kakilala. Ayon naman kay High Council Julianne Rauland Martir, kung ok lng naman kay Charlene ang ginagawa ni HC Jeffrey, hindi na mangengelam pa ang Straw Hats Pirates ngunit, mananatili silang nakabantay kay Charlene.

Ngayong Bakasyon, Bring Back The Action!!!!!




Karamihan sa mga tao ngayon ay may mga ginagawang kabutihan noon ngunit hindi na nila nagagawa sa kasalukuyan, lalong-lalo na ang kausapin ang Panginoon. Kaya naman, ang Pasig Bible Baptist Chruch ng relihiyong Born Again na matatagpuan sa Octagon Village Pasig City, ay nagsagawa ng night conference para sa mga kabataan na may temang "Back 2 Action", upang bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na magawa nilang muli ang mga kabutihang ginagawa nila sa kanilang nakaraan na hindi na nila nagagawa sa kasalukuyang panahon. Sa conference na iyon, napasama ang ilan sa ating mga miyembro.


Dahil sa impormasyong mula kina Michelle Sapnu at Janel Guibao, napasama sa nasabing youth conference sina High Council Julianne Rauland Martir, High Council Rjay Guinto, High Council Jhomel Santirba at Charlene Moldez. Si Raynee Cabatingan naman ang nagbigay ng impormasyong ito sa grupong Jhozah Xociety at Kalapapoh Brothers kaya napasama rin sila kabilang na ang mga miyembro nating sina Desiree Ann Renio at Jeffrey Aniel.


Dahil sa youth conference na ito ng PBBC, naunawaan ng ating mga miyembro ang kahalagahan ng pakikipag-usap sa Diyos. Sila na rin ang nagpakalat ng kanilang natutunan sa iba pa nating miyembro.


Samantala, nagalit naman ang Jhozah at Kalapapoh matapos silang supladuhan ni HC Julianne noong gabing iyon. Hindi niya man lang pinansin kahit kinakausap na siya ng mga ito. Hindi naman nagbigay ng komento si HC Julianne sa galit ng Jhozah at Kalapapoh sa kanya. Suspetya naman ni HC Rjay, malamang ay nagseselos pa rin ito kina Raynee Cabatingan at sa napapabalitaan nitong boyfriend na si Mark Anthony Relox. Kung ito man ang dahilan, bakit kailangan pang idamay ni HC Julianne ang Jhozah at Kalapapoh.


Hinihikayat naman ni HC Julianne ang ating mga miyembro na sumama sa nasabing youth conference na ginaganap tuwing araw ng Biyernes.

Sunday, April 18, 2010

Tom Jhon Morada, Nakabalik na Mula Cadiz!!!!!


Matapos ang halos sampung araw pagbabakasyon ni High Council Tom Jhon Morada sa Cadiz City, Negros Occidental, nakabalik na ito sa kanyang bahay sa Cainta, Rizal.

March 31, 2010 ng mawala si HC Tom Jhon sa kanilang bahay matapos mangaling sa handaan sa bahay nina Marjorie Abutan. Makalipas ang ilang araw, napag-alaman ni High Council Alexander Balangan na umuwi ito ng Negros Occidental. Agad namang nagpadala ng mensahe si High Council Julianne Rauland Martir kay HC Tom Jhon sa pamamagitan ng Facebook. Sa pag-reply nito, sinabi niya na baka hindi na siya makabalik pa.

Makalipas ang sampung araw, nagkataong parehong online si HC Julianne at HC Tom Jhon sa Facebook. Inamin ni HC Tom Jhon na nakabalik na siya ng Cainta. Sinabi niya na huwag muna itong ipaalam sa iba pa nating miyembro dahil ayaw niya munang malaman ito ni Charlene Moldez na bumasted sa kanya. Kinabukasan, agad na nagtungo sina HC Julianne kasama si High Council Rjay Guinto sa bahay nina HC Tom Jhon. Kitang-kita ang kanyang pangingitim. Nagpadala pa siya ng pasalubong, mga assorted na tuyo.

Ayon sa salaysay ni HC Tom Jhon, biglaan silang umuwi ng kanyang pamilya sa Cadiz City dahil sa namatay ang kanyang lola. Sumakay sila ng Cebu Pacific Bacolod City flight at nag-piyera(jeep) papunta ng Cadiz City. Ang kanilang bahay daw sa nasabing lugar ay malapit lamang sa dagat. Mala-Boracay daw ang buhangin dito. Naging daan na rin ang pagkamatay ng kanyang lola upang makapag-bonding ang kanilang buong angkan. Isang araw matapos mailibing ang kanyang lola, bumalik na siya ng Maynila sakay ng M/V San Paolo ng Negros Navigation.

Sunday, April 11, 2010

Rjay Guinto, Todo Kayod Para Kay Marjorie Abutan!!!!!


Noong nakaraang 2009, apat sa ating mga miyembro ang na-inlove sa mga miyembro ng grupong Jhozah Xociety ngunit ngayong Abril ng taong kasalukuyan, tanging si High Council Rjay Guinto na lamang ang natitirang survivor.

Kasalukuyang nagtatrabaho ngayon bilang trimmer si HC Rjay sa isang pabrika ng mga damit, ang Izhumi, na matatagpuan sa F. Legaspi St. Maybunga, Pasig City. Nagsimula siyang magtrabaho noong April 3, 2010 dahil pag-iipunan umano niya ang regaling ibibigay niya para sa minamahal niyang si Marjorie Abutan, na magbe-birthday sa darating na April 13. Inakala naman ng pamunuan ng Straw Hats Pirates na April 10 ang birthday ng dalaga ngunit, nilinaw n gating miyembrong si Jennylyn Cruz na ito’y April 13. Sa April 17 pa makukuha ni HC Rjay ang kanyang sahod kaya naman, baka April 17 o 18 niya na maibigay ang kanyang regalo. Paglilinaw naman ni HC Rjay, hindi niya pa liligawan si Marjorie. Maghihintay pa daw siya ng tamang panahon dahil baka magaya siya kay High Council Tom Jhon Morada.

Speaking of HC Tom Jhon, napag-alaman n gating pamunuan na kasalukuyang mag-on ang dalawang miyembro ng Jhozah na sina Micah Dahang at Joseph Reyteran. Matatandaang nitong nakaraang Pebrero lang ay sinimulang ligawan ni HC Tom Jhon si Micah ngunit binasted niya lamang ito. Hindi pa alam ni HC Tom Jhon ang balitang ito dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Cadiz City, Negros Occidental.

Alexander Balangan at Jhomel Santirba, Hihinto Muna sa College!!!!!



Inamin nina Straw Hats Pirates founders High Council Alexander Balangan at High Council Jhomel Santirba na hindi muna sila magpapatuloy sa kolehiyo ngayong taon.

Pinahinto muna si HC Alex ng kanyang ina na isang Overseas Filipino Worker na nakabase sa London, England. Nais nito na mag-aral ang kanyang anak sa London ngunit ‘di  sang-ayon dito si HC Alex dahil ayon sa kanya, mahihirapan siyang mag-adjust dahil sa english ang language doon. Isa pa, ayaw niya ring mapalayo sa kanyang 19 months girlfriend na si High Council Anna Rose Santos. Napagkasunduan na lamang nilang mag-ina na pagbakasyunin na lamang ito sa London at sa Paris, France. Tila duda si HC Alex dahil maaaring hindi na siya pabalikin pa sa Pilipinas kaya naman para makasigurado, magsasama siya ng isa niyang malapit na kaibigan.

Samantala, iba naman ang dahilan ni HC Jhomel. Inamin niya na ang pambubugbog ng kanyang ama sa kanyang ina ang dahilan kung bakit kinakailangan niya munang huminto. Noong nakaraang Huwebes, April 8, 2010, nagtalo daw ang kanyang mga magulang. Sinuntok umano ng kanyang amahin ang kanyang ina sa hita nito dahil sa kalasingan. Dahil dito, binalaan ng kanyang ina ang ama nito na kung ito’y mauulit pa ulit, maghahain na siya ng divorce contract sa korte.

Ipinangako naman ng pamunuan ng Straw Hats Pirates na tutulungan nila ang dalawa sa kanilang pag-aaral sa susunod na taon. 

Jeffrey Melendrez, Masaklap Ang Sinapit sa Kanyang Ex!!!!!

Naging masaklap ang naging katapusan ng relasyon nina High Council Jeffrey Melendrez at ex-girlfriend nitong si Kriselle Anne Dimaala nitong buwan lamang.

Nagsimulang lumabo ang relasyon ng dalawa ng magalit si Kriselle ng pumunta si HC Jeffrey kasama si High Council Julianne Rauland Martir sa bahay ng miyembro nating si Charlene Moldez. Bago pumunta ang dalawa, nagbukas muna sila ng kanilang Facebook account sa isang internet shop at nagkataon namang online din si Kriselle. Nagalit ito dahil gabing-gabi na daw ay gumagala pa itong boyfriend niya. Kitang-kita ni HC Julianne na minura ni babae si lalaki.

Ayon naman kay HC Jeffrey, lahat ng kamag-anakan ni Kriselle maging ang katulong nila ay kontra sa kanilang relasyon. Gumagawa umano ang mga ito ng kwento kay Kriselle para siraan siya. Sinasabi ng mga ito na may iba pa itong girlfriend maliban sa kanya. Dahil dito, nagdesisyon na si Kriselle na tapusin na ang relasyon nila ni HC Jeffrey at nagsolian na sila ng kani-kanilang gamit na ipinahiram nila sa isa’t-isa. Laking hinayang ni HC Jeffrey dahil minahal niya daw ng sobra ang dalaga. Mabilis naman siyang nakapagmove on matapos makausap si Charlene. Isa pa, ang totoo niya naman daw talagang mahal ay si High Council Noemie Justado na matatandaang kanyang sinuyo nung sila’y mga 3rd year pa lamang.

Samantala, nagsagawa ng surveillance an gating grupo kay Kriselle. Nakita naming na may kinakasama na itong ibang lalaki. Ayon pa sa mga pinsan ni HC Jeffrey, halos dalawang buwan na daw sweet si Kriselle at ang kanyang boyfriend.

Nagulat naman ang pamunuan ng Straw Hats Pirates sa inasal nitong si Kriselle Anne Dimaala na napag-alaman naming Iglesia ni Cristo.

“Ang alam ko sa Iglesia, hindi nila inenerecommend ang pagmumura. Ibang klase ‘yung ugali kababaeng tao. Walang intension ang Straw Hats na siraan ang Iglesia ni Cristo religion, ginagalang naming po kayo. Si Jomer Pastolero naman isang Iglesia pero kahit minsan hindi ko narinig ung magmura. Siguro nga ganon lang talaga ugali pero sana, ‘wag niyang babuyin ang magandang itinuturo ng Iglesia ni Cristo”, pahayag ni HC Julianne.

Friday, April 9, 2010

New Members From Grand Chase!!!!!

Dalawang bagong miyembro mula sa Cainta, Rizal ang napabilang sa ating grupong Straw Hats Pirates sa pamamagitan ng casual online game na Grand Chase Philippines.

Inaprubahan na nina High Council Julianne Rauland Martir, High Council Jeffrey Melendrez, High Council Rjay Guinto, High Council Alexander Balangan at High Council Jhomel Santirba ang pagsali sa ating grupo nina Jomer Pastolero at Jerald Gasataya. Silang dalawa ay parehong nakatira sa Kabisig ng nasabing bayan. Nagtapos nitong taon si Jomer sa Francisco P. Felix Memorial National High School habang si Jerald ay 3rd year na sa San Juan National High School sa darating na pasukan. Ang dalawa ay partners ni HC Julianne sa online game na Grand Chase Philippines. Sila;y napasali sa ating grupo matapos silang humiwalay sa dati nilang guild na Grand Chase Most Wanted dahil sa 'di pag sang-ayon nina Eriole Jay Duarte at Brylle Patron na maging bagong Guild Master si Jomer. Bukod sa kanilang tatlo, kasama rin sa guild si HC Alexander at HC Jhomel.

Inaasahan naman na sila ang magpapakilala sa Straw Hats Pirates sa larangan ng pakikipagdigma sa nasabing casual online game. Grand Chase Ito Ang Lakas!!!!!

Isang Straw Hat, May Cyst sa Tuhod!!!!!


Isang lalaking miyembro ng ating grupo ang nagbahagi ng kanyang problemang pangkalusugan kay High Council Julianne Rauland Martir. Idinadadaing niya ang umano’y pananakit na kanyang kanang tuhod dahil sa dalawang bukol na tumubo sa loob non.

Ayon sa lalaki, araw ng Martes March 30, 2010 ng gabi, nagsimula ng manakit ang kanyang tuhod. Halos hindi na daw siya makatayo sa kirot na naranasan. Nauna niya na raw itong naranasan noong siya’y nasa Grade 6 pa lamang. Sinundan ito nang siya’y nasa 1st year high school na at ang huli ay nitong March 30 hanggang sa kasalukuyan.

Napili niyang kausapin si HC Julianne dahil nagbakasakali siya na may alam ito sa nangyayari sa kanya. Isa pa, ayaw niyang ipaalam sa kanyang mga kaibigan at tanging ang lider lang naten ang nakaka-alam ng tunay niyang katauhan. Ipinakita niya rito ang naturang bukol sa kanyang kanang tuhod. Kinapa-kapa ito ni HC Julianne at kanyang sinukat. Ang malaking bukol ay may sukat na 1.7cm x 0.8cm habang ang maliit na bukol na nasa kanan ng malaking bukol ay may sukat na 0.9cm x 0.7cm. Sinabi ni HC Julianne na isa itong cyst, isang uri ng bukol na tumutubo sa loob ng parte ng ating katawan. Inirekomenda nito na magpakunsolta na siya sa doctor ngunit ayon sa kanya, natatakot siyang malaman ang katotohanan. Hindi pa daw ito alam maging ng kanyang magulang. Bigyan na lamang daw siya ng panahon makapagdesisyon.

Monday, April 5, 2010

Straw Hats, Humingi ng Sorry sa Jhozah!!!!!

Humingi ng apology ang ating grupong Straw Hats Pirates sa grupong Jhozah Xociety dahil sa pag-aaway ng mga miyembro nito, nagmula na rin sa insidente noong nakaraang March 30, 2010, sa bahay ng miyembro nilang si Marjorie Abutan.

Matapos ang graduation day ng San Juan National High School, nagsipuntahan ang mga ka-member natin na sina High Council Julianne Rauland Martir, High Council Jeffrey Melendrez, High Council nico Mikhail Reciproco, High Council Rjay Guinto, High Council Tom Jhon Morada, Jennylyn Cruz, Amy Jobelle Durante, Jeffrey Aniel, John Peternhiel Perez at Desiree Ann Renio kasama ng mga grupong Jhozah, Kalapapoh Brothers at Tropang Black Shoes at ilan pa nilang kaibigan at kaklase sa bahay nina Marjorie sa Samagta Taytay, Rizal. Naghanda ang pamilya Abutan dahil sa pagiging salutatorian ni Marjorie. Masayang-masaya ang lahat habang kumakain, umiinom ng alak at kumakanta sa videoke. Bandang alas-nuwebe ng gabi, nagsi-uwian na sina Peter, Jennylyn at Amy. Lingid naman sa kaalaman ng ating mga High Councils, sinabi ni Desiree (member din ng Jhozah Xociety) na ang pangit umano ng ambience kaya nagpasya itong umuwi kasama sina Ronnie Erellana, Omar Gubat, Raynee Cabatingan, Mark Anthony Relox, Jeffrey Aniel at Joseph Felicilda. Dahil ditto, nagtampo ang mga natirang miyembro ng Jhozah dahil pinalampas nila umano ang masaya sanang selebrasyon. Usapan din nila na lahat ng Jhozah ay matutulog sa bahay nina Marjorie.

Nang malasing si HC Julianne, pumasok ito sa loob ng bahay nina Marjorie at agad na natulog. Dahil ditto, nagpasya ang mga kasama niyang High Councils na doon na rin matulog bagama’t labag ito sa kalooban ng ilang miyembro ng Jhozah.

Samantala, sinabihan umano ng miyembro ng Jhozah na si Raquel Aniel sina HC Rjay at HC Jeffrey na Jhozah lamang ang imbitado at bakit daw sila naroon. Nainis ang dalawa at nagpalipas muna ng sama ng loob, bago natulog sa loob ng bahay.

Kinabukasan, nalaman ni HC Julianne mula na rin sa mga High Councils na kasama niya ang mga nangyari kinagabihan. Bagama't nainis sa mga narinig, inamin niya ang pagkakamali ng ating grupo. Sinabi niya na si Marjorie mismo ang nag-imbita sa kanya. Dapat daw ay hindi niya sinabi ang mga iyon sa ating mga miyembro. Hindi niya dapat sinabi na Jhozah lang ang imbitado sapagkat naroon rin ang Kalapapoh at TBS. Sinabi naman ng isa sa mga leader ng Jhozah na si Mark Evan Paurong na pinagsabihan na nila si Raquel ukol dito. Nalaman din ng pamunuan ng Straw Hats Pirates mula kay Evan at Febeilyn Estorninos na nagkaroon ng awayan ang kanilang mga miyembro dahil na rin sa pag-alis ng mga ito noong gabing iyon. Sinabi naman ni HC Julianne na labas na ang ating grupo sa kanilang away ngunit, babantayan pa rin natin sina Desiree at Jeffrey Aniel dahil sila’y kasapi pa rin sa ating grupo.

Congratulations Straw Hats Batch 2010!!!!!

Sa taong ito, ilan sa ating mga miyembro ang nakapagtapos na ng high school sa kani-kanilang pinapasukang paaralan matapos ang halos apat na taong pagtitiyaga sa eskwelahan.

Dahil walang sariling gym, sa multi-purpose gym ng Cainta Elementary School idinaos ng San Juan National High School ang kanilang 5th Commencement Exercises. An gating mga miyembro na nagtapos sa paaralang ito ay sina High Council Julianne Rauland Martir, High Council Alexander Balangan, High Council Jhomel Santirba, High Council Tom Jhon Morada, High Council Rjay Guinto, High Council Nico Mikhail Reciproco, High Council Jeffrey Melendrez, High Council Noemie Justado, Jennylyn Cruz, Amy Jobelle Durante, Desiree Ann Renio, John Peternhiel Perez at Jeffrey Aniel. Hindi naman nakadalo si HC Jeffrey dahil may trabaho daw siya nung araw na iyon. Kahit hindi nakasuot ng toga ang mga estudyante ng SJNHS, naging maayos naman ang kinalabasan ng programa.

Kapansin-pansin naman ang mga pulitikong nagging pangunahing panauhin sa graduation day. Present sa kampanya este sa graduation day sina Rizal Governor Casimiro “Jun” Ynares III, Cainta Mayor Ramon Ilagan, Vice Mayor Arturo “Atoy” Sicat at Councilor Ross Glenn “Uro” Gongora. Humakot naman ng napakaraming medalya si Desiree dahil sa pagiging 2nd honorable mention. Nangaling ang mga medalya sa iba’t-ibang college schools at siyempre mula sa mga pulitikong nagging pangunahing panauhin sa programa. Nagpaantig naman sa kanilang mga puso ang kantang Its Gonna Make Sense ng Michael Learns To Rock na kanilang graduation song.

Kinabukasan, nagtapos ng high school si Charlene Moldez sa Rizal Experimental Station and Pilot School of Cottage Industries o RESPSCI sa Maybunga Pasig City. Present dito si HC Julianne. Para sa kanya, para na rind aw siyang grumaduate sa RESPSCI nung araw na iyon dahil nandoon ang mga dati niyang kaibigan at mga kaklase. Dito siya nag-aral nung siya’y 1st year at 2nd year pa lamang sa high school. Kapansin-pansin naman na hindi masiyadong naririnig ang mga estudyante habang kinakanta nila ang Lupang Hinirang, RESPSCI Hymn at iba pa. ‘Di gaya ng sa SJNHS, walang dumalong pulitiko sa kanilang graduation day. Magbibigay sana ng speech si Pasig Congressman Roman Romulo ngunit hindi ito nakarating. Dalawang medalya ang nakuha ni Charlene sa kanyang pagiging salutatorian. Nagtapos ang programa sa pag-awit ng mga estudyante ng kanilang graduation song, ang “Go The Distance” ni Michael Bolton.

Grumaduate din ang mga miyembro natin sa iba’t-ibang probinsya ng bansa. Mula sa Pulong Buhangin National High School sa Sta. Maria, Bulacan si High Council Anna Rose Santos, sa Bicol Region naman sina High Council Lester QuiƱanola at Richard Lopiga at mula sa Puerto Princesa City sa Palawan, si High Council Lolito Almoite.

Most Read Posts