Matapos ang halos sampung araw pagbabakasyon ni High Council Tom Jhon Morada sa Cadiz City, Negros Occidental, nakabalik na ito sa kanyang bahay sa Cainta, Rizal.
March 31, 2010 ng mawala si HC Tom Jhon sa kanilang bahay matapos mangaling sa handaan sa bahay nina Marjorie Abutan. Makalipas ang ilang araw, napag-alaman ni High Council Alexander Balangan na umuwi ito ng Negros Occidental. Agad namang nagpadala ng mensahe si High Council Julianne Rauland Martir kay HC Tom Jhon sa pamamagitan ng Facebook. Sa pag-reply nito, sinabi niya na baka hindi na siya makabalik pa.
Makalipas ang sampung araw, nagkataong parehong online si HC Julianne at HC Tom Jhon sa Facebook. Inamin ni HC Tom Jhon na nakabalik na siya ng Cainta. Sinabi niya na huwag muna itong ipaalam sa iba pa nating miyembro dahil ayaw niya munang malaman ito ni Charlene Moldez na bumasted sa kanya. Kinabukasan, agad na nagtungo sina HC Julianne kasama si High Council Rjay Guinto sa bahay nina HC Tom Jhon. Kitang-kita ang kanyang pangingitim. Nagpadala pa siya ng pasalubong, mga assorted na tuyo.
Ayon sa salaysay ni HC Tom Jhon, biglaan silang umuwi ng kanyang pamilya sa Cadiz City dahil sa namatay ang kanyang lola. Sumakay sila ng Cebu Pacific Bacolod City flight at nag-piyera(jeep) papunta ng Cadiz City. Ang kanilang bahay daw sa nasabing lugar ay malapit lamang sa dagat. Mala-Boracay daw ang buhangin dito. Naging daan na rin ang pagkamatay ng kanyang lola upang makapag-bonding ang kanilang buong angkan. Isang araw matapos mailibing ang kanyang lola, bumalik na siya ng Maynila sakay ng M/V San Paolo ng Negros Navigation.
No comments:
Post a Comment