

Pinag-iingat naman ni SH Chairman Julianne Rauland Martir ang ating mga miyembrong papasok sa iba't-ibang unibersidad lalong-lalo na ang mga pang-gabi.
"Ibayong pag-iingat lang ang lagi niyong baunin. Huwag dumaan sa mga 'di mataong lugar lalo na sa madilim. Kung wala nang gagawin after class, umuwi na agad at siyempre, huwag basta-basta magtitiwala sa mga bago ninyong magiging kaibigan 'coz, karamihan sa kanila ay mga miyembro ng mga sindikato at fraternities", paalala ni SH Chairman Julianne.
Dobleng pag-iingat naman ang payo ni SH Chairman Julianne sa mga babae nating miyembro.
"Sa mga babae naman, mag-ingat lalo na 'yung mga pinasukan niyong universities ay nasa Maynila, nagkalat ang mga masasamang elemento diyan. Huwag basta-basta sasama lalong-lalo na sa mga lalaki. Kapag ginabi kayo at feeling niyo takot kayong unuwi mag-isa, i-text niyo lang ako, ako na mismo susundo sa inyo. Hindi lang sa labas ng campuses may mga masasamang elemento, ingat din kayo sa mga manyakis na professors. Gaya ng napanood ko sa Bitag kay Mr. Ben Tulfo, 'yung nangyaring sexual harrassment sa Philippine Maritime Institute kung saan professor ang itinuturong suspek. If there's any case of any sexual harrassment verbal or actual ilapit niyo sa amin, pupuntahan namin mismo ang tanggapan ng inyong paaralan para kausapin sila", huling pahayag ni SH Chairman Julianne.
Nakahanda namang tumulong ang buong Straw Hats Pirates kung nangangailangan kayo ng kahit anong tulong sa inyong pinapasukang unibersidad.
dami alam ...
ReplyDeletehay naku anong skul kaya ang pa2sukan ko!!!
wak k na aral taee ka^^v
ReplyDelete