Karamihan sa mga tao ngayon ay may mga ginagawang kabutihan noon ngunit hindi na nila nagagawa sa kasalukuyan, lalong-lalo na ang kausapin ang Panginoon. Kaya naman, ang Pasig Bible Baptist Chruch ng relihiyong Born Again na matatagpuan sa Octagon Village Pasig City, ay nagsagawa ng night conference para sa mga kabataan na may temang "Back 2 Action", upang bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na magawa nilang muli ang mga kabutihang ginagawa nila sa kanilang nakaraan na hindi na nila nagagawa sa kasalukuyang panahon. Sa conference na iyon, napasama ang ilan sa ating mga miyembro.

Dahil sa impormasyong mula kina Michelle Sapnu at Janel Guibao, napasama sa nasabing youth conference sina High Council Julianne Rauland Martir, High Council Rjay Guinto, High Council Jhomel Santirba at Charlene Moldez. Si Raynee Cabatingan naman ang nagbigay ng impormasyong ito sa grupong Jhozah Xociety at Kalapapoh Brothers kaya napasama rin sila kabilang na ang mga miyembro nating sina Desiree Ann Renio at Jeffrey Aniel.
Dahil sa youth conference na ito ng PBBC, naunawaan ng ating mga miyembro ang kahalagahan ng pakikipag-usap sa Diyos. Sila na rin ang nagpakalat ng kanilang natutunan sa iba pa nating miyembro.
Samantala, nagalit naman ang Jhozah at Kalapapoh matapos silang supladuhan ni HC Julianne noong gabing iyon. Hindi niya man lang pinansin kahit kinakausap na siya ng mga ito. Hindi naman nagbigay ng komento si HC Julianne sa galit ng Jhozah at Kalapapoh sa kanya. Suspetya naman ni HC Rjay, malamang ay nagseselos pa rin ito kina Raynee Cabatingan at sa napapabalitaan nitong boyfriend na si Mark Anthony Relox. Kung ito man ang dahilan, bakit kailangan pang idamay ni HC Julianne ang Jhozah at Kalapapoh.
Hinihikayat naman ni HC Julianne ang ating mga miyembro na sumama sa nasabing youth conference na ginaganap tuwing araw ng Biyernes.
No comments:
Post a Comment