Dalawang bagong miyembro mula sa Cainta, Rizal ang napabilang sa ating grupong Straw Hats Pirates sa pamamagitan ng casual online game na Grand Chase Philippines.Inaprubahan na nina High Council Julianne Rauland Martir, High Council Jeffrey Melendrez, High Council Rjay Guinto, High Council Alexander Balangan at High Council Jhomel Santirba ang pagsali sa ating grupo nina Jomer Pastolero at Jerald Gasataya. Silang dalawa ay parehong nakatira sa Kabisig ng nasabing bayan. Nagtapos nitong taon si Jomer sa Francisco P. Felix Memorial National High School habang si Jerald ay 3rd year na sa San Juan National High School sa darating na pasukan. Ang dalawa ay partners ni HC Julianne sa online game na Grand Chase Philippines. Sila;y napasali sa ating grupo matapos silang humiwalay sa dati nilang guild na Grand Chase Most Wanted dahil sa 'di pag sang-ayon nina Eriole Jay Duarte at Brylle Patron na maging bagong Guild Master si Jomer. Bukod sa kanilang tatlo, kasama rin sa guild si HC Alexander at HC Jhomel.
Inaasahan naman na sila ang magpapakilala sa Straw Hats Pirates sa larangan ng pakikipagdigma sa nasabing casual online game. Grand Chase Ito Ang Lakas!!!!!
No comments:
Post a Comment