Special Report - Before we start, I wanna ask the people who are viewing our news site. Pinapahalagahan niyo ba ang mga babae sa ating society? Pantay ba ang pakikitungo ninyo sa kanila? Hindi ninyo ba sila binabastos bagkus ay iginagalang? Paano ba kayo nakikisama sa mga babae?
WWell, obviously, this article is for all of women. Marami kasi akong naririnig na mga lalaki na sinasabing, "babae lang 'yan". Isn't it an insult to all of women? For me, ang sabihin ang ganong salita ay masakit para sa isang babae. Tila insulto ito sa kanilang pagkatao na parang minamaliit sila ng lalaking nagsasalita nito. It only means that these kind of guys doing that act doesn't respect our women society.
For me, women are very important in men's life. Why? I believe that God created them to be loved, not for a sexual thing only. I also belive na hindi magiging successful ang buhay ng isang lalaki ng walang babae. Nagbibigay sila sa atin ng kaligayahan, not only in a sexual thing, but also in our interpersonal life. 'Pag may kasama kang isang babae, napakagaan ng pakiramdam mo. Bagama't iba ang kanilang kasarian, sila pa ang kadalasang nagbibigay sa mga lalaki ng lakas ng loob at ng pag-asa.
Sa inilabas na article ng Philippine Daily Inquirer noong nakaraang buwan, sinabi doon na sa mga darating na panahon, maaaring mas maging makapangyarihan na ang mga babae, ayon iyon sa pag-aaral sa United States of America. Kung ako ang tatanungin, ngayon pa lang makapangyarihan na talaga ang mga babae. Bakit? Lets think about our high school life. 'Di ba kadalasan sa mga schools, babae ang nagiging valedictorian. Gaya nina Ma. Gelenie Libang ng Rizal Experimental Station and Pilot School of Cottage Industries at Raynee Cabatingan ng San Juan National High School Cainta. In politics, remember, minsan nang napamunuan ng babae ang ating bansa, sina Dating Presidente Corazon C. Aquino at Dating Presidente at ngayon Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi ba marami ring babae ang namumuno sa ating mga lalawigan, lungsod, bayan, distrito, barangay at marami pang iba. Marami ring mga babae ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Makati Central Business District, kung saan nag-dedeliver ako ng Philippine Daily Inquirer twing araw ng Sabado at Linggo. Sa oras ng ligawan, sino ba ang nagmumukhang alila, makuha lang ang pagmamahal na inaasam, 'di ba mga lalaki? Nangangahulugan lang na sa lahat ng aspeto ng ating buhay, pumapantay sa mga lalaki ang mga babae.
Hindi na dapat nagiging isyu sa buong mundo ang gender equality kung marunong lamang rumespeto sa mga karapatan ng mga babae ang mga lalaki. Tandaan, hindi magiging maligaya ang buhay natin ng wala sila. Kapag sinabi mo ang mga katagang "babae lang 'yan", para mo na ring ininsulto ang ina mo na siyang nagluwal sa'yo. Karamihan sa mga lalaki, inaabuso ng sexual ang mga babae. Maaari naman nilang gamitin ang imagination nila. Alam naman nating hindi maaalis sa mga isip ng lalaki na isipin ang katawan ng mga babae, pero sana, hindi na gawin sa tunay na buhay ang kanilang naiisip, tama ba?
Minsan pala, may nagpadala sa akin ng quotes. Aniya"Old age is a women's hell". Let us change that one!!!!! "Old age is a women's hell, but men can make it heaven if they will love and take care of them forever". Tama!
Tinamaan ka? Comment ka na!!!!!
-Julianne Rauland Martir