Opisyal ng kinumpirma kahapon ni HC Tom Jhon Morada na magkasintahan na sila ng kontrobersyal na si Kate Ann Santos matapos ang ilang araw na talakayan tungkol sa panliligaw ng limang High Councils sa dalaga.
Matapos makita ng SH Online ang kontrobersyal ng litrato nina Tom Jhon at Kate Ann sa social networking site na Facebook na tila naghahalikan, agad kaming tumawag kay Tom Jhon upang itanong kung totoo ba ang kanilang ginagawa. Itinanggi ni Tom Jhon na naghahalikan sila doon. Kunwari lamang daw iyon aniya. Bagama't ganon ang kanyang sinabi, hindi niya naman itinanggi na sinagot na siya ni Kate Ann noong nakaraang November 21. Mabilis lamang daw ang nangyaring panliligaw. Itinuloy niya ang panliligaw matapos magpost si Charlene Moldez sa Facebook na walang katotohanan ang mga sinabi niya kay SH President Julianne Rauland Martir. Tuluyan na itong nawalan ng pag-asa na ligawan si Charlene kaya naman si Kate Ann ang kanyang pinili datapwat maraming masasaktan. Hindi naman nag-alinlangan pa ang dalaga dahil aminado siya gusto niya rin and binata.
Kagabi tumawag sa SH Online si Kate Ann upang magbigay ng pahayag. Kinumpirma niya na magkasintahan na nga sila ni Tom Jhon. Tinatanong niya rin kung galit ang mga miyembro ng Straw Hats sa kanya. Sabi niya ay handa niyang hiwalayan ang kanyang boyfriend kung lalala ang sitwasyon.
Samantala,hiningi namin ang mga komento ng sinasabing mga "talunan" sa love story na ito. Sinabi ni HC Rjay Guinto sa aming tawag na ok lang daw iyon sa kanya. Meron na rin naman siyang nililigawan sa ngayon. Hindi naman matanggap ni HC Nico Mikhail Reciproco ang nangyari. Sa kanyang psots sa Facebook page ng Straw Hats Pirates, sinabi niya na sana hindi daw iyon totoo. Nag-iwan pa siya ng mga mura sa comments. Nakiusap naman si kay Julianne na bigyan muna siya ng tatlong linggo para makapag-move on. Hindi muna daw siya lalapit sa mga panahong iyon at posible na hindi siya dadalo sa December 24 SH Conference. Noong isang araw pa sinabi ni HC Jhomel Santirba na masaya na siya kung kanino mapupunta si Kate Ann.
Samantala, nilinaw naman ni Charlene na walang katotohanan ang mga sinabi niyang mahal niya si Tom Jhon.
Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!
Announcement to everyone!
Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.
What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta
Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!
Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.
Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.
Kitakitz na lang!
Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14
Grand Chase Philippines
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Most Read Posts
-
Natuwa si High Council Julianne Rauland Martir sa sinabi ng Commission on Higher Education o CHED na hindi nila aaprubahan ang tangkang pagt...
-
Ngayong darating na January 10, 2010, muli na namang magkakaroon ng online forum ang ating organisasyon para sa ating mga miyembro, ang The ...
-
Humakot ng parangal ang ilang mga miyembro ng ating organisasyon sa isinagawang Recognition Day ng San Juan National High School sa Anak Paw...
-
Hindi naging maganda ang takbo ng lovelife ni High Council Tom Jhon Morada sa taong 2010 matapos sunod-sunod ma-busted kina Micah Dahang at...
-
Utal sa pagsasalita sa SH Online ang kontrobersyal na si Kate Ann Santos ng amin siyang hingan ng komento dahil sa sunod-sunod na kontrobers...
No comments:
Post a Comment