
Ginanap ang nasabing debut sa Atis. St. Summer Green Executive Village sa Cainta, Rizal. Inihanda ito ng kanyang pamilya para sa kanyang once in a lifetime celebration. Dumalo si SH President Julianne Rauland Martir na nasa 18 roses, HC Jeffrey Melendrez at SH Soul Siren Alyssa Faye Limbo. Kasama rin ang mga dati niyang kaklase mula sa Rizal Experimental Station and Pilot School of Cottage Industries o RESPSCI.
Kumanta sa opening number si Alyssa Faye. Sumunod ang 18 roses, 18 candles, wines, gifts, at wishes. Sa kalagitnaan nangyari ang kainan. Enjoy ang lahat ng nandoon, lalo na ang mga dating taga-RESPSCI dahil naging daan ang debut ni Megan May para magkaroon sila ng reunion.
Natawa pa ang lahat sa pagpasok ni Julianne nang may dala-dala itong Philippine Daily Inquirer.
Kasama ni Julianne sina Joemel Tabladillo, John Lee Esmenda, Francis Arsitio, James San Juan, Welvic Lester Sinoro, Cedric Alcober at Kenneth Bejagan. Nandoon din ang mga dating miyembro ng Pasawayz Kanto 10 na sina Aira Claire Abre, Joyce Guiang Jane Abalos, Jeremie Pamittan, Alexis Urap Urap, Ariel Angelo Orga, Elpidio Naya Jr. at marami pang iba.
"Its fun, very fun. I hope maulit. Ang saya, lalo na ng makasama ko ulit ang mga old friends ko. My message for her is sana maging successful ka sa career mo. More birthdays to come! Wish you all the best!" pagbati ni Julianne.
No comments:
Post a Comment