Desedido na si HC Nico Mikhail Reciproco na tanggalin si HC Jeffrey Melendrez mula sa Straw Hats Pirates dahil sa mga ginawa nitong kalokohan sa grupo nitong nagdaang mga buwan.
Sa pamamagitan ng chatbox ng Facebook account ng Straw Hats, sinabi ng una na ayaw niya nang manatili pa ang huli sa grupo. Ayaw niya na rin umano itong makita at makasama pang muli.
Kahapon, sa inilabas na balita ng SH Online, sinabi ni Jeffrey na bigla na lamang umano siyang pinagmumura ni Nico sa chatbox ng Facebook ng Straw Hats nang walang dahilan.
Noong nakaraang November 13 SH Conference, nagkaayos-ayos na ang mga High Councils hinggil sa kanilang alitan matapos silang kausapin ni SH President Julianne Rauland Martir. Ngunit, agad na nagalit sina HC Jhomel Santirba at HC Tom Jhon Morada matapos kuhain ni Meledrez ang kanilang cellphone charger at memory card.
Nagpahayag na rin si HC Alexander Balangan na tanggalin na si Melendrez sa grupo. Ganon din sina HC Anna Rose Santos at Charlene Moldez.
Sabi naman ni Jeffrey na umaasa na lamang siya sa desisyon ni Julianne. Matatandaang tumanggi noon si Julianne na tanggalin ang kontrobersyal na High Council.
Sa ngayon, wala pang sagot si Jeffrey hinggil sa mga sinabi ni Nico at nga iba pang mga miyembro ng grupo.
Sa ibang balita, sinabi ni Nico na hanggang ngayon ay ayaw niya pa ring makita si Kate Ann Santos, ang babaeng pinag-aagawan noon ng limang High Council. Matatandaang nanligaw si Nico sa dalaga sa pamamagitan ng pagpopost ng kanyang damdamin sa social networking site na Facebook, ngunit nabigo matapos sagutin si Tom Jhon noong November 20, 2010.
Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!
Announcement to everyone!
Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.
What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta
Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!
Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.
Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.
Kitakitz na lang!
Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14
Grand Chase Philippines
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Most Read Posts
-
Natuwa si High Council Julianne Rauland Martir sa sinabi ng Commission on Higher Education o CHED na hindi nila aaprubahan ang tangkang pagt...
-
Ngayong darating na January 10, 2010, muli na namang magkakaroon ng online forum ang ating organisasyon para sa ating mga miyembro, ang The ...
-
Humakot ng parangal ang ilang mga miyembro ng ating organisasyon sa isinagawang Recognition Day ng San Juan National High School sa Anak Paw...
-
Hindi naging maganda ang takbo ng lovelife ni High Council Tom Jhon Morada sa taong 2010 matapos sunod-sunod ma-busted kina Micah Dahang at...
-
Utal sa pagsasalita sa SH Online ang kontrobersyal na si Kate Ann Santos ng amin siyang hingan ng komento dahil sa sunod-sunod na kontrobers...
No comments:
Post a Comment