Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!

Announcement to everyone!

Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.

What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta

Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!

Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.

Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.

Kitakitz na lang!

Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14

Grand Chase Philippines

Grand Chase Philippines
The number one casual online game in the Philippines. Register now for free at www.my.levelupgames.ph

Grace Glinofria

Grace Glinofria
Please like the Facebook fan page of Grace Glinofria. Just click the photo. . .

Tuesday, December 28, 2010

A Week Of A Blast!!!!!

Children Igniting Kwitis (Left); Piccolo (Right)
-Inquirer Photo-

SPECIAL REPORT - Malapit na malapit na ang bagong taon, halos isang linggo na lang. Hit na hit na naman ang mga paputok, lalong-lalo na sa mga bata. Kahit saang lansangan ay makakarinig ka ng mga pagsabog. Sa linggong ito, ibayong pag-iingat ang aking pinapaalala sa lahat.

Hindi maiaalis sa ating mga Pilipino, maging sa mga miyembro ng Straw Hats Pirates, ang paggamit ng paputok tuwing bagong taon. Sa tingin ko, kahit anong kampanya pa ang gawin ng Department of Health laban sa paggamit ng paputok ay wala silang magagawa. Kultura na nating mga Pilipino ang pagpapaputok sa pagsalubong ng bagong taon.

Kadalasang ginagamit ng mga kabataan ay ang "kwitis" at "piccolo". Nakalathala sa December 27, 2010 issue ng Philippine Daily Inquirer na ang mga paputok na ito ay ang dalawang pinakadelikado at pinakamaraming napinsala sa taong ito. Maaaring mura ang mga ito ngunit depekto din naman ito kung minsan na nagdudulot ng biglaang pagsabog. Ayon pa sa Inquirer, 117 na ang bilang ng mga naputukan sa bansa base sa report ng DOH, karamihan ay mula sa kwitis at piccolo. Noong isang araw lang ay may namatay na ginang sa Davao ng makainom siya ng tubig na may halong pulbura ng piccolo.

Hinihikayat ko ang ating mga miyembro na umiwas sa paggamit ng paputok. Mas mainam kung gumamit na lamang ng mga vuvuzela, torotot at kung anu-ano pang kasangkapang magdudulot ng ingay. Kung hindi man maiwasang magpaputok, umiwas na lamang sa malalakas na uri tulad ng "pla-pla", "5 Star", "super lolo", "bawang" at Goodbye Philippines. Maging ang "boga" o PVC Cannon ay iwasan din.

Mas masarap salubungin ang bagong taon na walang disgrasyang nagaganap sa atin. Kaya naman Straw Hats, mag-isip ka! Umiwas sa paputok!

-Julianne Rauland Martir
Editor-in-Chief, Straw Hats Online

No comments:

Post a Comment

Most Read Posts