![]() |
Raynee Cabatingan |
I remember nung umaga nang February 15, Monday, bago ako pumasok sa school ay abot-tenga na talaga ang ngiti ko. 'Di ko akalaing sasagutin ako ni Raynee Cabatingan the night ng February 14. Napakasaya ng araw na iyon sa akin.
Dalawang linggo lang nagtagal ang aming relasyon ni Rhai Rhai. Sa loob ng maikling panahon na iyon, naging kumplikado ang relasyong iyon. Marami ang agad na kumontra at tumutol. Pati ang mga teachers ay naging antagonists namin. Mahirap para sa akin ang kalagayan namin pero alam kong mas nahihirapan siya. Ramdam ko ang pagpasan niya sa aming problema.
Marami ang kontra sa amin because, candidate nga for valedictorian nun si Rhai Rhai, samantalang ako ay isang pasaway at walang alam na estudyante (wow humble), at tamad pa. Mas gusto nilang makatuluyan ni Rhai Rhai ang isa pa naming kaklase na isang Rovers. Mabait at very religious nga naman kasi siya.
Hindi na nagtagal ang aming relasyon. Nakiusap ako nung gabing nakikipag-hiwalay na siya sa akin. Ngunit kahit anong paki-usap ko sa kanya ay walang nangyari, nauwi pa rin sa hiwalayan. Naging miserable na ang mga sumunod na araw sa akin. Parang wala nang bukas pang darating, wow drama! Wala akong nagawa kundi umiyak, emo eh, hahaha!
Pagkalipas ng ilang buwan mula nang maghiwalay kami, hindi na kami nagkita pang muli. Nag-uusap kami paminsan-minsan sa text o sa Facebook. Mahirap tanggapin hangggang ngayon ang mga nangyari. Marami akong natutunan sa relasyong iyon, na aking dadalhin pang-habang buhay. Siguro ay hindi lang talaga kami ang nakalaan sa isa't-isa. Sa pagtatapos nang taong 2010, isinasara ko na rin ang aking puso para kay Rhai Rhai. Wala na sanang susunod pa.
-Julianne Rauland Martir
President, Straw Hats Pirates
Closing 2010. . .
No comments:
Post a Comment