![]() | |
Inquirer Riders; Edmer Mauring, Ritchie Vargas Jeff Rocio & Jayson Lopez |
Inaasahan ng mga riders na magiging masaya ang naturang party ngunit, hindi iyon nangyari. Sinimulan ang party sa paunang salita ng mga supervisors. Sinundan agad ito ng mga palarong inihanda ng mga office staffs. Nanalo si SH President Julianne Rauland Martir sa unang laro na "Apple Banana Fruit Salad", kung saan, tinalo niya ang batikang si Aurelio Labrador. Sumunod naman ang stop dance at ang Trip To Jerusalem kung saan nanalo naman si Ricky Labadia ng Php1000.00 gift certificate sa isang spa. Nagpa-raffle pa sila kung saan nakakuha ang ilang riders ng free passes sa lahat ng sinehan ng Robinson's Malls. Sumunod naman dito ang kainan na pinakaaabangan ng lahat. Nagmula sa Karate Kid ang kanilang kinain. Nakatanggap din sila ng regalo mula sa Inquirer. Binigyan sila ng hamon, macaroni pasta at t-shirt ng Philippine Daily Inquirer na may tatak na 25
Hindi naman nangyari ang inaasahang pagkanta nina Leonardo Gila, Bonaparte Tobias at iba pa. Hindi rin nagpainom ng alak ang DAG para sa mga riders. Sabi pa nga ng iba, masiyadong minadali ang naturang party.
Dahil hindi nakuntento, nagpasya na lang ang mga riders na mag-inuman sa bahay ni Cris Cruz sa Brgy. San Isidro, Makati City. Nagbigay pa nga ng tig-isang libo sina Leonardo at Edmer Mauring ng malasing ang mga ito. Naging masaya sa huli ang mga riders sa bahay ni Cris.
No comments:
Post a Comment