Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!

Announcement to everyone!

Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.

What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta

Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!

Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.

Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.

Kitakitz na lang!

Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14

Grand Chase Philippines

Grand Chase Philippines
The number one casual online game in the Philippines. Register now for free at www.my.levelupgames.ph

Grace Glinofria

Grace Glinofria
Please like the Facebook fan page of Grace Glinofria. Just click the photo. . .

Saturday, December 4, 2010

GC Legends To Solve SH Problems!!!!!

Apektado na rin ang ilan nating miyembro sa sunod-sunod na balitang naglabasan sa SH Online hinggil sa alitan ng mga High Councils.

Manghihimasok na sa mga isyu ang mga miyembro ng Straw Hats Grand Chase na sina SH President Julianne Rauland Martir at SHGC Head Jomer Pastolero. Ito'y ukol sa sunod-sunod na headlines. Unana rito ang nais ng mga High Councils na matanggal si HC Jeffrey Melendrez at ang hindi matapos-tapos na isyu tungkol kay Kate Ann Santos.

Sa social networking site na Facebook, nag-usap ang dalawang GC Legends tungkol sa alitan ng mga High Councils. Una rito ay tungkol kay Melendrez na nais ng tanggalin sa grupo. Parehong sumang-ayon ang dalawa na huwag itong tanggalin sa grupo. Maaari naman daw itong ayusin sa pamamagitan ng isang private forum. Sinabi ni Julianne na nais niyang mag-usap-usap ang mga High Councils sa darating na Linggo, December 5, 2010. Ayon pa sa kanya, maaari pa ring maayos ang grupo kahit pa ilang beses nang nakagawa ng kamalian si Melendrez sa grupo.

Ikalawang problema ay ang hindi mamatay-matay na isyu ni Kate Ann. Kahapon, muling naglabas ng balita ang SH Online na galit pa rin si HC Nico Mikhail Reciproco sa relasyon ng dalaga at ni HC Tom Jhon Morada. Sinabi ni Jomer na dapat nang tanggapin ni Nico ang nangyari. Marami pa naman daw babae sa mundo. Tanging si Nico na lang ang hindi tumatanggap sa nangyari.

Ayon pa kina Julianne at Jomer, dapat nang magkaayos ang mga High Council bago ang gaganaping December 24 SH Conference. Nakakahiya naman daw kung may alitan pa sila ngayong magpapasko na.

"Nakakahiya talaga sa mga miyembro. Ang tatanda na 'di pa rin matured ang mga utak. Kapag hindi tayo nagka-ayos-ayos sa Linggo huwag na tayong magSH Conference," pahayag ni Julianne.

Inaanyayahan ang lahat ng High Councils na dumalo sa private forum sa Linggo alas-tres ng hapon sa bahay nina HC Jhomel Santirba.

No comments:

Post a Comment

Most Read Posts