Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!

Announcement to everyone!

Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.

What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta

Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!

Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.

Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.

Kitakitz na lang!

Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14

Grand Chase Philippines

Grand Chase Philippines
The number one casual online game in the Philippines. Register now for free at www.my.levelupgames.ph

Grace Glinofria

Grace Glinofria
Please like the Facebook fan page of Grace Glinofria. Just click the photo. . .

Friday, December 3, 2010

Anna Rose Ruptured By Measles!!!!!

Kating-kati na ngayon si HC Anna Rose Santos dahil sa biglang pagsulputan ng sakit sa balat na tigdas sa buo niyang katawan. Ito'y sinabi niya sa pamamagitan ng tawag ng SH Online.

Bigla umanong nagsulputan na parang kabute sa buong katawan ni Anna Rose ang delikadong sakit na tigdas. Nagsimula daw itong tumubo sa kanyang kamay, kasabay ng pagbisita sa kanilang bahay sa Parañaque City nina HC Jhomel Santirba, HC Rjay Guinto, HC Tom Jhon Morada at HC Alexander Balangan. Inaakala niyang sa kamay lang ito tutubo. Ngunit kalaunan ay kumalat na sa buo niyang katawan. Sinabayan pa ito ng lagnat.

Pero kahit may tigdas, sinabi ni Anna Rose sa kanyang text message na pupunta pa rin siya sa Linggo, December 5, 2010 sa Cainta para dumalo sa piyesta ng Brgy. San Juan ng nasabing bayan, kasama si SH President Julianne Rauland Martir.

Ang tigdas o measles ay isang delikadong sakit na kadalasang sanhi ng virus na tinatawag na Morbillivirus Paramyxovirus. Ito ay may malaking ipangaka-iba sa tigdas hangin (german measles).

Kadalasang inaabot ng hanggang 10 araw bago lumabas ang mga sintomas ng tigdas. Ito ay kadalasang may kasamang lagnat na hindi baba sa 38.8 °C, pagluluha ng mata, ubo at sipon. Ang pasyente ay nagkakaroon din ng mga maliliit na pantal na unang makikita sa likod ng mga tainga. Ang mga pantal na ito ay unti - unting dumadami sa buong katawan.

Nakukuha ito sa direktang pakikisalamuha sa tao.



Pinayuhan ni Julianne si Anna Rose na magpahingang maigi.

No comments:

Post a Comment

Most Read Posts