![]() |
HC Alexander Balangan, HC Anna Rose Santos Kate Ann Santos, Annabel Santirba & HC Rjay Guinto |
Pinangunahan ni SH President Julianne Rauland Martir ang nasabing forum ng mga High Councils. Naroroon sina HC Harold Lozano, HC Anna Rose Santos, HC Tom Jhon Morada, HC Jhomel Santirba, HC Alexander Balangan, HC Nico Mikhail Reciproco at HC Jeffrey Melendrez. Kasama din nila ang kontrobersyal na si Kate Ann Santos.
Unang napag-usapan ang hindi matapos-tapos na isyu ng relasyong Tom Jhon - Kate Ann. Ito'y dahil sa inilabas na balita ng SH Online noong December 1, 2010, kung saan inilathala na hindi pa rin matanggap ni HC Nico Mikhail Reciproco ang relasyon ng dalawang nauna. Sa kanilang harapang pag-uusa, tinuldukan na ni Nico ang isyu. Sinabi niyang tanggap na tanggap na niya talaga ang nangyari sa dalawa. Nahihiya naman si Kate Ann ng mga oras na iyon habang kaharap si SH President Julianne Rauland Martir. Naging maayos na sa ngayon ang pakikipagtunguhan ng tatlo.
Sunod na tinalakay ang isyu na tatanggalin na ng mga High Councils si HC Jeffrey Melendrez. Inisa-isa ni Julianne ang mga dahilan kung bakit nagagalit ang ibang mga HC's sa kanya. Nagpaliwanag naman siya sa mga ibinabatikos ng mga HC's sa kanya. Sinabi ni Julianne na mahirap para sa kanya ang magtanggal ng miyembro lalo na ang isang High Council. Sa naging pagtatapos ng talakayan, napatawad din ng mga High Councils si Melendrez.
Nagpapasalamat naman si Julianne kay SHGC Head Jomer Pastolero dahil sa pagrekomenda nito na magkaroon ng forum ang mga High Councils dahil sa sunod-sunod na balitang naglabasan sa SH Online.
Dahil sa nangyari, tuloy na tuloy na ang darating na December 24 SH Conference na walang alitan ang mga High Councils.
No comments:
Post a Comment