![]() |
HC Lester Quiñanola |
Kahapon ng hapon, pilit na tinawagan ng SH Online ang number na ibinigay ni Jenielyn Dacallos, na sinabi niyang cellphone number ni Lester. Sa 'di inaasahang pagkakataon ay may sumagot. Nanay ni Lester ang unang nakasagot. Sinabi niya na pauwi pa lang siya mula sa trabaho. Gabi na lang daw ulit kami tumawag dahil nasa bahay pa si Lester.
Kinagabihan, nagreply na sa text messages ng SH Online mismong si Lester. Agad niyang kinamusta ang iba pang miyembro ng Straw Hats Pirates. Natuwa siya ng malamang matatag na ang grupo at marami pang miyembro ang nadagdag.
Sinabi ni Lester na kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang service crew sa Hardware Grocery Store sa kanilang bayan.
Nagkwento pa siya ng mga karanasan niya sa probinsya.
Sa loob umano ng isa't kalahating taon ay na-miss niya ang kanyang mga ka-grupo. Hindi daw siya sigurado kung makakabalik pa siya sa Cainta. Mananatili pa din naman siyang Straw Hats Pirates kahit nasa Jose Panganiban pa siya.
Si Lter ang ika-pitong High Council ng grupo. Noong April 2009, lumipat sila ng tinitirahan sa Jose Panganiban, Camarines Norte. May mga tsismis noon na sinabi daw ng kanyang nanay na masamang impluwensya ang Straw Hats Pirates sa kanyang anak.
Sa ngayon, tanging si HC Lolito Almoite na lang ang wala pa ring komunikasyon sa grupo.
No comments:
Post a Comment