![]() |
Kalapapoh Brothers |
Isa pang grupo na tumatak sa kasaysayan ng Straw Hats Pirates, ay ang Kalapapoh Brothers na ating nakilala nung kaming mga High Councils ay 4th year high school students pa.
Ang Kalapapoh ay isa sa mga grupong naging bahagi ng ating kasaysayan. Pinangungunahan sila nina Ronnie Erellana at Ryan Raborar. Kagaya ng grupo natin, nabuo din sila sa San Juan National High School - Cainta, Rizal noong June 2008.
Naging close friends ako at si HC Rjay Guinto ang mga miyembro ng Kalapapoh. Kasundo ni Rjay sina Ronnie, Omar Gubat, Joseph Felicilda, John Riel Noja at Den Mark Goral dahil pare-pareho nilang hilig ang arts. si Rhazel Arao naman ang nakasundo ni HC Alexander Balangan. Kasama namin ni Rjay ang Kalapapoh ng mga panahong nagpipintura pa kami sa SJNHS. Magkatulong din kami sa iba't-ibang projects na isinasagawa ng iba't-ibang clubs. Miyembro din ng grupong ito si Raynee Cabatingan, na girlfriend ko nung mga panahong iyon kaya naman, mas lalo akong napalapit sa kanila.
Marso ng mag-merge noon ang ating grupo at ang sa kanila. Rekomendasyon ito nina Omar, John Riel at Den Mark. Naging Straw Hats Kalapapoh ang pangalan ng grupo. Unang bumatikos dito ang Jhozah Xoceity kaya naman kinabukasan, agad kaming naghiwalay.
Abril nang nakaaway ko si Ronnie dahil sa nabasa niyang balita sa SH Online na kanyang ikinagalit. Humingi naman agad ako nang dispensa sa nangyari.
Sa ngayon, bihira ko na lang makausap ang mga miyembro ng Kalapapoh. Kahit na sa maikling panahon lang natin sila nakasama, naging mahalagang bahagi naman sila ng ating kasaysayan. Maaaring sa mga darating na panahon ay muli ulit magkrus ang ating mga landas.
-Julianne Rauland Martir
President, Straw Hats Pirates
Closing 2010. . .
Nakakamiss
ReplyDelete