![]() |
HC Lester Quiñanola |
Sa text messages na ipinadala ni Anna Rose, sinabi niya na noong Disyembre nang taong 2008, kung kailan magkakaklase ang mga High Councils, nagbigay si Lester ng sulat para sa kanya. Nakalagay sa sulat na hindi na umano siya magtatagal dito sa mundo. Anim na taon na lang daw ang itatagal ng kanyang buhay dahil sa malala niyang sakit. Hindi na maalala ni Anna Rose kung anong sakit ito dahil ang orihinal na sulat sa kanya ni Lester ay kasamang natangay ng Bagyong Ondoy noong September 2009. Sabi pa sa kanya ni Lester, siya lamang ang pinagkakatiwalaan niya sa Straw Hats dahil palagi siyang pinagtitripan ng iba, kaya naman sa kanya niya ipinagkatiwala ang tungkol sa malubha niyang sakit.
Ilalathala namin dito sa SH Online ang maikling bahagi ng nasabing sulat.
Dear Anna,
"Una sa lahat, gusto kitang batiin ng magandang umaga. Huwag ka sanang magugulat sa sasabihin ko. May malala akong sakit at anin na taon na lang ang itatagal ko sa mundo. 'Wag mo sanang ito sabihin sa iba".
Love,
Lester
Sinabi ni Anna na inilihim niya ito sa grupo ng dalawang taon dahil na rin sa kagustuhan ni Lester. Pero ayon kay Julianne, ito na ang oras para malaman ito ng iba.
Dahil sa impormasyong ito, agad na nalungkot si Julianne. Sa ngayon ay may apat na taon pang natitira sa buhay ni Lester, kung sakaling totoo nga ito.
Sa Linggo, pupunta sina Julianne at Anna Rose sa Cainta, Rizal upang subukang makakuha ng komunikasyon kay Lester na kasalukuyang nasa Jose Panganiban, Camarines Norte. Oras na makumpirma nila mula dito ang sinasabing sakit, magpapatawag ng meeting si Julianne para pagplanuhan ang pagpuinta sa Jose Panganiban.
Tanging dasal na lang muna ang magagawa nila sa ngayon, ayon kay Julianne.
"Nakakalungkot na magpapasko, ganito pa ang malalaman ng lahat. I'm very very sad. Close pa naman kami non. Magtanggal nga lang ng isang High Council napakahirap na, ang mamatayan pa kaya? We have to make a plan para makapunta sa kanila at gawing makulay ang apat na taon niyang natitira. Siguro mga next year makapunta na tayo doon. We still have time, not long but also not short. Let's see what will happen to the next days. God knows the best", sabi ni Julianne.
No comments:
Post a Comment