ANALYSIS – Tila isang disaster ang pagdating ni Kate Ann Santos sa buhay ng Straw Hats. Nakakagulat na limang High Councils ang agad na nagkagusto sa kanya, na hindi naman nangyari sa ibang mga babaeng nagdaan sa ating buhay. Para mas maintindihan ng lahat, hatiin natin sa tatlo ang kasong ito.
Una ng kaso ay ang Tom Jhon – Charlene – Kate Ann. Kahapon ay aming ibinalita na hindi makapagdecide si Tom Jhon kung sino kina Cha Cha at Kate ang kanyang liligawan. Sinabi nga niya na si Cha Cha na lang dahil maraming masasaktan ‘pag si Kate ang kanyang pinili. Nagpost naman ng komento si Cha Cha sa Facebook account ng Straw Hats. Sinabi niya na hinahayaan na niya si Tom Jhon na ligawan si Kate Ann. Hindi ko naman masisisi si Cha Cha dahil nakatutok siya ngayon sa pag-aaral lalo na’t dean’s list siya sa pinapasukan niyang university, ang De La Salle – College of Saint Benilde. Marami nga naman silang ginagawang projects doon at sagabal ang buhay pag-ibig niya rito.
Ikalawang kaso ay ang Tom Jhon – Kate Ann – Rjay. Nakita naming sa Facebook account ni Tom Jhon na “naghahalikan” sila ni Kate sa isang picture. Ewan ko lang kung totoo dahil habang isinusulat ko ito, hindi nagrereply sa aking mga text messages ang dalawa o maging sa Facebook. Nakita na kaya ni Rjay ito? Malamang maging dahilan ito ng kanilang pagtatalo. Mag-bestfriend pa naman Tsk! Tsk! Tsk! ‘Di ba nga noong nakaraang SH Conference ay kitang-kita ang masugid na panliligaw ni Rjay kay Kate.
Ikatlong kaso ay ang Tom Jhon – Jhomel – Nico – Kate Ann. Agad na sinabi ni Jhomel na sumusuko na siya sa panliligaw sa dalagang nagmula sa Parañaque. Si Nico naman ay panay ang pagpost na mahal niya si Kate, sa Facebook at maging sa SH Online. Dapat lang talaga na sumuko si Jhomel at Nico dahil mukhang magkakatuluyan na nga itong dalawang ito.
Sa tatlong kasong ito, dalawa ang lumalabas na bida, sina Kate Ann at Tom Jhon. Saan naman kaya hahantong ang pag-ibig ng dalawang ito. Makakaya ba nilang tiising ang mga nasasaktang tao? Hmmmm. . .Prang Maalala Mo Kaya ah!
Ang love nga naman, isang napakahirap na kompetisyon. If you give up and thwart your heart, isa lang ang magiging resulta, talo ka!
Kung ako ang tatanungin, hindi ko maintindihan kung bakit patay na patay sila kay Kate Ann. Well, I can’t judge them dahil naranasan ko rin namang magmahal. Well, goodluck to all of them!!!!
Pahabol: “Pakipot ang pinakamaling ginagawa ng mga babae at pride ang pinakamasamang pinapahalagahan ng mga lalaki kapag nasasaktan sila ng babae”.
Tinamaan ka? Comment ka na! Haha!!!!!
-Julianne Rauland Martir
bilang hc sa strawhats ang masasabi ko lang eh.. sana hindi kau magkasamaan ng loob dhil sa babae.. remember babae lng yan...
ReplyDelete