Sa pamamagitan ng social networking site na Facebook, inamin ni Kriselle Anne Dimaala sa SH Online na patuloy pa rin siyang nililigawan ni HC Jeffrey Melendrez, matapos silang mag-break noong nakaraang buwan.
Hindi sinabi ni Kriselle kung ano ang tunay na naging dahilan ng kanilang break up. Tanging sinabi niya lang ay dahil sa "pagkamalandi" ni Jeffrey ang dahilan. Tinanong namin kung mahal niya pa ang binata, oo ang isinagot nito sa SH Online.
Hiningi naman namin ang panig ni Jeffrey. Sinabi niya na masugid niya pa ring nililigawan ang dalaga. mahal na mahal pa rin niya daw ito. Sa pakikipagkwentuhan ng SH Online kay Melendrez sa bahay nina HC Harold Lozano, sinabi niya na 11 months na daw sila ni Kriselle nung mag-break sila. Totoo umanong dahil sa kanyang "kalandian". Pinagselosan umano ng kanyang ex-girlfriend ang isang Alyssa Bano, kaibigan ni Melednrez, matapos silang kakitaan ng closeness.
Sa ngayon daw, tila nagiging mabuti ang kanilang samahan ni Kriselle at mukhang mauuwi sa pagbabalikan.
ukol naman sa paglalayas ni Melendrez sa kanilang bahay, sinabi niya na binugbog daw siya ng kanyang tatay ng walang dahilan. Dahil dito, napilitan na siyang lumayas at pansamantalang naninirahan sa bahay nina Harold. Ayon naman kay Harold, walang problema sa kanilang pamilya kung mananatili sa kanila si Jeffrey. Tumagal na daw ito ng dalawa hanggang tatlong linggo. Plano daw umalis ni Jeffrey dito oras na makahanap na siya ng trabaho.
Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!
Announcement to everyone!
Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.
What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta
Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!
Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.
Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.
Kitakitz na lang!
Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14
Grand Chase Philippines
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Most Read Posts
-
Natuwa si High Council Julianne Rauland Martir sa sinabi ng Commission on Higher Education o CHED na hindi nila aaprubahan ang tangkang pagt...
-
Ngayong darating na January 10, 2010, muli na namang magkakaroon ng online forum ang ating organisasyon para sa ating mga miyembro, ang The ...
-
Humakot ng parangal ang ilang mga miyembro ng ating organisasyon sa isinagawang Recognition Day ng San Juan National High School sa Anak Paw...
-
Hindi naging maganda ang takbo ng lovelife ni High Council Tom Jhon Morada sa taong 2010 matapos sunod-sunod ma-busted kina Micah Dahang at...
-
Utal sa pagsasalita sa SH Online ang kontrobersyal na si Kate Ann Santos ng amin siyang hingan ng komento dahil sa sunod-sunod na kontrobers...
No comments:
Post a Comment