
Nang malaman ni Nico ang balita sa SH Online noong November 24, 2010, kung saan nakalathala ang tungkol sa paghingi ng tawad ni Kate Ann sa Straw Hats Pirates. Nakasulat din sa balitang iyon na tanging si Nico na lamang ang hindi tanggap ang katotohanan, ukol sa relasyong Tom Jhon-Kate Ann.
Nilinaw ni Nico sa kanyang post sa social networking site na Facebook, na nagkamali lamang ng pagkakaintindi ang SH Online sa naging pag-uusap nila ni HC Anna Rose Santos sa chatbox ng grupo sa Facebook. Aniya, hindi naman siya aalis sa grupo at dadalo rin siya sa darating na December 24 SH Conference. Maghihintay lang umano siya ng konting panahon para maka-move on.
Samanatala, pinanindigan ng SH Online na tama ang mga sinabi ni Nico, sa nakaraang headline noong November 24, 2010. Sinabi ni Julianne Rauland Martir, SH President at Editor-in-Chief ng SH Online na kitang-kita niya ang naging pag-uusap nila ni Nico at Anna Rose sa chatbox ng Facebook account ng Straw Hats Pirates.
"We ensure that the news that we are publishing are only the truth. Anna Rose can prove what Nico have said. He said he'll drop from the group, so what's the meaning of it. If he denies it, then that's his statement, we respect him. But I'm very sure that no part of that news tells you a lie", pahayag ng Editor-in-Chief ng SH Online.
Ukol sa relasyong Tom Jhon at Kate Ann, handa raw ang dalaga na makipag-usap sa mga taong nasaktan dahil sa kanilang relasyon.
No comments:
Post a Comment