Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!

Announcement to everyone!

Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.

What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta

Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!

Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.

Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.

Kitakitz na lang!

Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14

Grand Chase Philippines

Grand Chase Philippines
The number one casual online game in the Philippines. Register now for free at www.my.levelupgames.ph

Grace Glinofria

Grace Glinofria
Please like the Facebook fan page of Grace Glinofria. Just click the photo. . .

Friday, November 23, 2012

5 SH Members Take Weeds At Former HQ!!!!!

Joan Cruz: Star Witness
Limang miyembro ng Straw Hats Pirates ang umaming, gumamit ng ipinagbabawal na gamot, na marijuana, noong Miyerkules ng hapon, sa dating headquarters ng organisasyon.

Umamin sa harap ni SH President JR Martir, ang mga akusadong sina Gian Barrientos, DJ Mark Ayag, Jess Lastica, Jayrald Dela Cerna at Jhero Beriso, na gumamit sila ng marijuana, noong hapon ng Miyerkules, sa loob ng dating headquarters ng SH.

Nabunyag ang isyung ito, nang dahil sa pambubulgar, ng miyembro ng SH na si Joan Cruz, girlfriend ni Beriso.

Ani Cruz, mayroong isang miyembro ng SH na nagsumbong sa kanya, na 'di umanoy gumamit ang mang akusado ng ipinagbabawal na gamot. Agad naman niya itong ipinaalam, sa Presidente ng SH, na si Martir. Nagpatawag naman ang huli ng pagpupulong ukol sa mga sangkot. Sa harap ni Martir, inamin ni Barrientos na "gumamit nga kami, sabi kasi ni Jhero (Beriso) siya na daw bahala samin eh". Pinatotoohanan naman ni Dela Cerna ang testimonya ni Barrientos.
Gian Barrientos

Ayon sa salaysay ni Barrientos, dalawang beses umanong naganap ang sinasabing "paghithit" nila nang marijuana. Noong unang "hithit", tatlo lamang daw sila nina Ayag at Dela Cerna. Noong ikalawa, sina Lastica at Beriso naman daw ang "humithit".

Galit na galit naman si Cruz, sa boyfriend nitong si Beriso, dahil sa ginawa nito. Aniya, nais na niyang tapusin ang halos tatlong buwan nilang relasyon.

"Masakit para sa babae na malamang, nagtsotsongke (marijuana) yung boyfriend mo", sabi ni Cruz.

DJ Mark Ayag
Maging ang bagong girlfriend ni Barrientos, na si Kate Bayog, ay nais na ring makipagbreak, ngunit natatakot itong magsalita.

Hindi naman daw kukunsintihin ni Martir ang ginawa ng lima.

"I told them na huwag gumamit ng marijuana, because their bodies are too young to adapt the effect of it. We will put them under disciplinary actions", sabi ni Martir.

Hindi naman pumayag si Beriso, sa alok ni Cruz na makipaghiwalay sa kanya. Kinagabihan, nag-usap nang masinsinan ang dalawa at napagpasyahan ni Cruz na huwag nang makipagbreak, na ikinatuwa naman ni Beriso.

Jess Lastica
Naghayag naman ng sama ng loob si Ayag kay Cruz, dahil sa ginawa nitong pambubulgar, sa school nila, na San Juan National High School. Sinabi ni Ayag na, isinagawa pa ni Cruz sa kanilang room na "tsongke pa!". Kahihiyan daw ang kanyang inabot kahapon.

Sa ngayon, nangako na ang lima na hindi na nila uulitin ang mali nilang ginawa.

Thursday, November 22, 2012

SH: Jeffrey, Not BHC's Target!!!!!

ON THE HOT SEAT AGAIN: Former SH High Council
Jeffrey Melendrez
Itinanggi ng pamunuan ng Straw Hats Pirates, na pinababanatan nila, si dating SH High Council Jeffrey Melendrez, sa grupong Brother Hood Company.

Nagsalita kahapon si SH President JR Martir, na hindi umano siya humingi nang tulong sa BHC, upang pabanatan ang kontrobersyal na High Council.

"I never did that thing. Never in my life. Hindi ko magagawa iyon sa dati kong kaibigan", sabi ni Martir.

Aniya, wala siyang nararamdamang gali kay Melendrez ngayon, kahit pa napalayas sila sa dating headquarters ng SH, dahil sa ginawang pag-aamok ng huli, noong madaling araw ng November 12. Maaaring nakapaglabas lamang siya ng sama ng loob noon.

SH President JR Martir: We're not
involve on that.
"This was happened again. It was back on December 4, 2010, nang nagdesisyon din ang mga High Councils noon na tanggalin siya (sa SH), because of different issues. I refused on that time. I think, this time, the decision of theirs is definitely right", sabi ni Martir.

Aniya, sina High Councils Jhomel Santirba, Nico Reciproco at Rjay Guinto ang may mga personal na galit sa kay Melendrez. Sinabi ni Santirba na matagal na siyang galit kay Melendrez, noong umano'y "ninakaw" nito ang kanyang cellphone charger, na naibalita ng SH Online, noong November 2010. Napatawad na daw siya ni Santirba, kaya lang, nag-init na naman ang kanyang ulo nang nalamang napalayas sina Martir, Reciproco, Guinto at High Council Alex Balangan.

BHC Leader Romar Barrientos:
Shocked
Nagulat naman ang pinuno ng BHC, na si Romar Barrientos, nang malaman ang isyu, na sinabi ng miyembro nilang si Donna, sa SH Online.

"Kung galit man kami sa kanya, personal 'yun dahil nayayabangan kami sa kanya. Kahit sina Jessie at Michael ganon din", sabi ni Barrientos.

Paglilinaw ni Martir, hindi ipinagutos ng SH na banatan si Melendrez sa kahit kaninong grupo o gang.

"Kung mayroon silang personal na galit kay Jeff, it's up to them kung anong gagawin nila. The SH Family are not involve with this matter. Jhomel is also a member of Brother Hood Company, so bahala na sila", sabi ni Martir.

Luis Miguel Backs As President of Shoutout!!!!!

Facebook account of Luis Miguel Montecillo, owned by
SH President JR Martir
Muling hahawakan ni Luis Miguel Montecillo, ang RESPSCI Shoutout, sa kanyang pagbabalik bilang Presidente ng grupo, matapos ang ilang buwan nitong pananahimik.

Si Luis Miguel, ay isang kathang isip na pangalan lamang, sa social networking site na Facebook. Ang account na ito ay pagmamay-ari, ni SH President JR Martir. Gumawa siya ng account sa Facebook at ginamit ang pangalang Luis Miguel Montecillo, nang kanyang ginawa ang RESPSCI Shoutout.

Marami ang natuwa noon sa "kakulitan" at pagiging "madaldal". Ang iba naman ay nahihiwagaan sa tunay na pagkatao nito.

Noong Setyembre ng kasalukuyang taon, inamin ni Martir, na siya ang taong nasa likod, nang katauhan ni Luis Miguel. Pag-amin niya, mahirap gumamit ng dalawang Facebook accounts, dahil ibang-iba sa ugali niya, ang ugali ni Luis Miguel.

"I am using two accounts in Facebook, which is Luis Miguel and my personal account, JR Martir. Mahirap gumamit ng 2 acconts, ang pagkakakilala ng mga RESPSCInians kay Luis is super bait, masarap kausap, maraming alam sa mundo, makulit, madaldal, unlike my personal account JR Martir, masungit pag kinakausap. Hindi nila alam dati, iisang tao lang si JR at Luis Miguel. It's hard na gampanan ang dalawang pagkatao at the very same time", sabi ni Martir.

Marami naman ang natuwa sa pagbabalik ni "Luis Miguel" sa RESPSCI Shoutout. Isa na rito si Maricel Capote. Ayon sa kanya, "natutuwa siya at muling bumalik si Luis na tiyak na mas mabait kesa kay JR".

Sabi naman ni Allen Cayasa, Board Member ng RESPSCI Shoutout, na "sana ay magkaroon ulit ng eyeballs sa pagbabalik ni Luis Miguel".

Inamin ni Martir na nawala si Luis Miguel, mula nung lumayas siya sa kanilang bahay sa Makati City noong August. Wala siyang personal computer nang siya'y pansamantalang nanirahan sa Cainta, sa dating headquarters ng Straw Hats Pirates.

Noong Oktubre, nagkaroon ng pagpupulong ang mga High Councils ng SH, kung bubuwagin na ang RESPSCI Shoutout, o pagpapatuloy pa ito. Sa botong 7 - 4, bumoto ang mga High Councils na 'wag itong buwagin, na ikinatuwa naman ng ibang administrators, kabilang si RESPSCI Shoutout External Advisor Trixie Andrea.

Sa darating na Linggo, babalik na si Martir sa Makati City, at sa kanyang trabaho sa Philippine Daily Inquirer. Kahapon, naglabas nang balita ang SH Online, na gagawin ni Martir ang lahat, upang bumalik ang pagiging aktibo ng RESPSCI Shoutout.

"I leave it all to Luis", sabi ni Martir.

Wednesday, November 21, 2012

JR, Planning To Go Back To Inquirer!!!!!

SH President JR Martir with Philippine Daily
Inquirer T-shirt
Plano ni SH President JR Martir, na muling bumalik sa dati niyang trabaho, sa Philippine Daily Inquirer, sa kanyang pagbabalik sa Makati City, upang makakuha ng karagdagang income, upang magamit sa mga proyekto ng Straw Hats Pirates.

Nais ni Martir na muling bumalik sa kanyang trabaho sa Inquirer, upang mailaan sa mga aktibidades na gagawin ng SH. Gusto niyang dagdagan ang kanyang income, bagama't pinapadalhan na siya ng budget ng kanyang ama na nasa Doha, Qatar.

Noong nasa Inquirer pa si Martir, nailalaan niya ang kanyang kinikita, sa pagco-conduct ng mga events sa RESPSCI Shoutout (RS), kung saan namimigay siya ng loads at cash prizes. Sa kasalukuyan, natigil na ang mga events sa RS, simula nang lumayas si Martir, sa kanilang bahay sa Makati City.

"I am planning to get back to my work so I can conduct some events for the RESPSCI Shoutout again. Also, for the benefit of the members of SH. Im going back for good", sabi ni Martir.

Dagdag pa ng pinuno ng SH, nais niyang makahanap agad ng panibagong headquarters ng SH, sa lalong madaling panahon, matapos na mapalayas sa dati nilang inuupahang bahay, matapos mag-amok si dating High Council Jeffrey Melendrez noong madaling araw ng November 12.

"Hopefully bumalik sa normal ang lahat, once na nakabalik na ko sa Inquirer", sabi ni Martir.

Triple Romances For 20!!!!!

High Council Harold Lozano & Sarah
Jane Merilles
Dalawang monthsaries ang ipinagdiwang kahapon, ng ilang miyembro ng Straw Hats Pirates, habang sinagot naman si Gian Barrientos ng kanyang nililigawan, at lahat ng iyan sa pare-parehong date na 20.

Nagdiwang kahapon ng ika-labing isa nilang monthsary, sina High Council Harold Lozano, at girlfriend nitong si Sarah Jane Merilles. Dahil kasalukuyang nasa Surigao City si Lozano, binati niya na lamang si Merilles, sa pamamagitan ng social networking site na Facebook. Imposible mang magkita sa ngayon, nangako ang dalawa na mananatiling tapat sila sa isa't-isa.

Clockwise from top left; Gian Barrientos, Kate Bayog,
High Council Jogie Florece & Nikka Cabanggangan
Pang isang taon at limang buwang relasyon naman ang ipinagdiwang kahapon, nina High Council Jogie Florece at Nikka Cabanggangan. 'Di gaya nina Lozano at Merilles, magkasama ang dalawa, sa kanilang monthsary.

Sinagot naman kahapon si Barrientos, nang kanyang nililigawan na si Kate Bayog, dating miyembro ng SH. Sinabi ni Barienttos na handa na siyang magtino, alang-alang sa bago niyang girlfriend.

SHP Text Society Gets Weaker!!!!!

RIN TOHSAKA: Quit Because of
Problems
Unti-unti nang humihina ang Straw Hats Pirates Text Society, matapos na sunod-sunod na magsialisan ang mga dati nitong miyembro.

Ilan sa mga umalis sa text clan, ay sina Marie Feliciano (Rin Tohsaka) at Jhamelou Ballesteros (Buttercup), dahil sa parehong may mga pinagdadaanang problema, at hindi muna maasikaso ang pagiging active sa SHP Text Society.

Sunod-sunod din ang ginawang pagterminate, ng Terminator ng text clan, na si Venus. Kabilang sa kanyang mga tinanggal, ay sina Remark Alcones (Jikun), Ian Espelita (Kentachie), Rechell Martinez (Chao), Christian Penales (Death Kid), Lory Joy Salazar (Haruka), Michaela, Mihawk, Yhuna, Haruhi, Sheshuca at marami pang iba.
BUTTERCUP: Quit

RORONOA ZORRO: Surprisingly
quitted
Umalis na din sa SHP Text Society, si Lhara Abuda, na dating na-link, kay SH President JR Martir. Maging ang mga High Councils ng Straw Hats Pirates ay umalis na rin sa text clan, kabilang sina High Council Anna Rose Santos, High Council Tom Jhon Morada at girlfriend nitong si Laleine Reyes. Pati si dating SH High Council Jeffrey Melendrez ay umalis na rin, matapos siyang tanggalin sa organisasyon.

LUFFY: New Peacemaker
Si Kim Calibo (Roronoa Zorro) ay umalis na rin kahapon ng umaga. Ayon kay Roselle Claudio (Cagalli), sinabihan siya ni Calibo na "hindi lang ang SHP Text Society ang kanyang buhay". Sa tingin naman ni Martir ay may pinagdadaanang problema lamang, si Calibo.

Sa kabila nito, sinabi ni Martir na pananatilihin pa rin ang SHP Text Society, bagama't sunod-sunod na ang mga umalis sa grupo.

CAGALLI: To stay active
"We are currently on a downgrade situation but still, I have the loyal members of the clan, which is my friends in real life. Nandyan si Luffy (John Romar Barrientos), Brook (Robert Nerveza), Cagalli, Conan (Joan Cruz, and so many more", sabi ni Martir.

Sinabi ni Martir na marami lamang inaasikaso sa organisasyon, kaya hindi niya mauna ang SHP Text Society. Una na rito ang paghahanap nila, ng bagong lilipatang bahay, na gagawin nilang bagong headquarters ng SH.

Tuesday, November 20, 2012

Alex & Anna Soon To Be Parents!!!!!

SH High Councils Alex Balangan & Anna Rose Santos
Matapos ang mahigit apat na taong relasyon, nagbunga na rin sa wakas ang pagmamahalan, nina Straw Hats Pirates High Councils Alexander Balangan at Anna Rose Santos, matapos kumpirmahin ng huli, na siya ay nagdadalantao na.

Kinumpirma ni Santos ang kanyang pagbubuntis, nang pumunta sa dating headquarters ng Straw Hats Pirates, upang ipakita ang naging resulta ng kanyang pregnancy test (PT), kung saan positibo ang naging resulta matapos lumabas ang dalawang linya.

Kapag dalawang line ang lumabas mula sa PT, mula sa sample ng ihi ng babae, kumpirmado na nagdadalantao ito.

Kabado naman si Balangan dahil 'di niya inaasahan na magiging isang ganap na tatay na siya.

"Excited ako na kinakabahan. Pero, tanggap ko kasi bigay 'to sakin ng Diyos", sabi ni Balangan.

Labis na kaligayahan naman ang nararamdaman ni Santos sa kanyang pagbubuntis. Aniya, matagal na niya itong pinapangarap, ang magkaroon ng baby. Katunayan, bumili na siya ng mga damit nito, noon pang nakaraang pang January 2012.

"Excited talaga ako! Sa wakas!", sabi ni Santos.

Tinanong ng SH Online kung ano ang gusto niyang ipangalan, sa magiging anak nila ni Balangan.

"Kung girl, Chelsea Anne. Kung boy 'di ko pa alam eh. Basta gusto ko girl", pagbubunyag ni Santos.

Excited naman ang mga kapwa nila High Council, sa pagbubuntis ni Santos.

"The whole SH family are very glad to hear that. It is a blessing for both Alex and Anna. My wish for my coming inaanak is siyempre good health", sabi ni SH President JR Martir.

"Masaya kami at may baby Straw Hats na kami", sabi ni High Council Rjay Guinto.

"Super excited ako, as in", sabi ni High Council Jhomel Santirba.

Inaasahan namang manganganak si Santos sa darating na June 2013.

Ito na ang ikatlong baby Straw Hats, matapos na manganak sina High Council Noemie Justado at si HC Santirba, ayon sa pagkakasunod.

Charlene, To Replace Melendrez!!!!

Newly appointed High Council Charlene Moldez
Si Charlene Moldez ang papalit sa dating puwesto ni Jeffrey Melendrez, bilang isa sa mga High Councils ng Straw Hats Pirates.

Inaprubahan ni SH President JR Martir, ang pagtalaga kay Moldez, bilang bagong High Council ng organisasyon, na hahalili sa binakanteng puwesto ni Melendrez.

"My daughter Cha Cha (Moldez) is a member of our organization since the year of 2009. I found out tjat, she is a loyal member to us so I think she fits for that position", sabi ni Martir.

Kagaya ng ibang mga High Councils, magkakaroon na rin si Moldez ng karapatang humawak ng mga miyembro. Maaari na rin siyang makaboto sa mga desisyon ng organisasyon, sa mga pagpupulong na ginaganap.

Kabilang sa mga makakasama ni Moldez, sa ikalawang pinakamataas na posisyon ng SH, ay sina Alex Balangan, Jhomel Santirba, Tom Jhon Morada, Rjay Guinto, Nico Reciproco, Lester QuiƱanola, Harold Lozano, Anna Rose Santos, Noemie Justado at Jogie Florece.

Si Moldez ay kasalukuyang nag-aaral sa De La Salle College of Saint Benilde, sa kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management Major in Tourism.

Monday, November 19, 2012

Melendrez Ousted From SH!!!!!

Jeffrey Melendrez
Tanggal na si Jeffrey Melendrez, sa Straw Hats Pirates noong Sabado, matapos magdesisyon ang pitong mga High Councils ng organisasyon, na tuluyan na siyang alisin, dahil sa ginawa niyang "iskandalo", noong Lunes ng madaling araw.

Dahil sa ginawang "kahihiyan" ni Melendrez, nagdesisyon na ang pito sa labing-isang High Councils ng SH, na tuluyan na siyang alisin sa grupo. Kabilang sa mga High Councils na bumoto para sa pagtanggal kay Melendrez, ay sina Tom Jhon Morada, Alex Balangan, Anna Rose Santos, Jhomel Santirba, Rjay Guinto, Nico Reciproco at Jogie Florece. Nag-inhibit naman sa pagboto si Lester QuiƱanola, habang walang nakuhang sagot mula kina Noemie Justado at Harold Lozano. Kinakailangan lamang ng anim na boto mula sa mga High Councils upang tanggalin ang kapwa nilang nasa puwesto. Inaprubahan ni SH President JR Martir ang desisyon na ito ng mga High Councils.
BALANGAN: Expel
"It is very sad thing to expel my former member and friend but I guess it was the decision of my fellow Pirates, so I have to accept it", sabi ni Martir.

Nagdesisyon ang mga High Councils na tanggalin si Melendrez sa grupo, dahil sa pagwawala nito noong Lunes ng madaling araw, sa headquarters ng SH. Nabulabog ang mga kapitbahay at nagreklamo kay Hazel Beriso, ang in-charge ng bahay na inuupahan ng organisasyon. Dahil sa takot na maulit, nagdesisyon si Beriso na paalisin na lamang ang mga nakatira sa headquarters.

"There is a probable cause to expel Jeffrey. for doing such a scandalous act that has lead para mapalayas kami sa HQ", sabi ni Martir.
MORADA: Expel

Umalis na ang mga nakatira sa headquarters noong Biyernes. Kabilang dito sina Martir, Balangan, Guinto, Reciproco at Florece. Hindi na rin matutuloy ang dapat sanang 2nd Eyeball ng SHP Text Society, na dapat sana'y gaganapin sa headquarters sa November 24, 2012.

"I am apologizing to the members of the SHP Text Society, but we have to cancel our EB. Rest assured that we will fix this immediately, as soon as we find our new headquarters", sabi ni Martir.
Nagquit na rin si Melendrez sa SHP Text Society, kung saan ang codename niya ay "Cloud".

SANTIRBA: Expel
Sa group message na ipinadala ni Melendrez kagabi, nagpasalamat siya sa mga "naging kaibigan niya at mga inaakala niyang kaibigan".

Nalungkot naman ang mga miyembro ng SH sa nangyari, na madalas na pumunta sa headquarters.

Sinabi ni Joan Cruz na "nakakalungkot at wala na silang tatambayan, kung saan masaya ang bawat isa".

Maging ang pinuno ng Brotherhood Company, na si Kong Kong Barrientos, ay nadismaya sa ginawa ni Melendrez.

FLORECE: Expel
"Kung kelan nakahanap kami ng mga tunay na tropa, bigla pang mawawala. Yung dati niyong kaibigan na pinatira niyo diyan, siya pa magiging traydor sa inyo", sabi ni Barrientos sa SH Online.

SANTOS: Expel
Kasamang matatanggal ni Melendrez, ang kanyang mga hawak na miyembro, kabilang dito sina Carl Viray, Aniano Verdijo, Rose Berganio, Joven Talledo, Kate Bayog, Angelica Delos Reyes, Johna Bernabe, Feil Noel Payo, Izzy Ballesteros at Charlene Penales.

Nagpalipat naman si Patrick Espelita kay HC Florece habang si Mayca Del Pilar ay kay HC Morada.

"Salamat pa rin sa kanya, dahil siya pa rin ang naging way para makilala ko ang mga bagong members ng SH", sabi ni Martir.

Papalit naman sa posisyon ni Melendrez, si Charlene Moldez, na naging miyembro ng SH noong 2009. Siya ay kumukuha ng kursong BS HRM Major in Tourism, sa De La Salle - College of Saint Benilde.

HQ Now Moved Out!!!!!

Former Headquarters of Straw Hats Pirates
Pinalayas noong Biyernes ang mga nakatira sa headquarters ng Straw Hats Pirates, na kanilang inuupahan, matapos ang ginawang pag-aamok ni Jeffrey Melendrez, noong Lunes ng madaling araw.

Nagreklamo ang mga kapitbahay dahil sa ginawang pag-aamok ni Melendrez, na nabulabog sa kalagitnaan ng kanilang tulog nang mga oras na iyon. Kanila itong ipinarating sa in charge ng bahay na inuupahan ng SH, na si Hazel Beriso. Dahil dito, pinaalis na ni Beriso ang mga nakatira sa headquarters, kabilang sina SH President JR Martir, High Councils Rjay Guinto, Nico Reciproco, Alex Balangan at Jogie Florece, noong Biyernes.

Kanya-kanya muna ngayon ang mga nakatira dati sa headquarters. Babalik na sa Makati City si Martir, si Florece naman ay uuwi na nang Antipolo City, sa bahay naman ng kanyang girlfriend na si Giecel Baylon, tutuloy si Reciproco, si Guinto ay mananatili sa bahay ng kanyang ate sa Exodus sa Cainta, at si Balangan sa Kabisig nang nasabing bayan.

Ayon kay Martir, maghahanap na lamang daw sila ng bago nilang lilipatan, at gagawin nilang bagong headquarters ng SH.

"The SH Family are very sad, in leaving our former headquarters. We have so many memories in that house", sabi ni Martir.

Kanselado na rin ang 2nd Eyeball ng SHP Text Society, na dapat sana'y gaganapin si headquarters sa November 24, 2012.

Noel, Off From Ruffa-DJ Mark Relationship!!!!!

Noel Payo


Iiwas muna daw, si Feil Noel Payo, Guild Leader ng SHPirates Grand Chase Guild, sa paglapit kay Ruffa Mae Llantino, nang malamang nagseselos ang boyfriend nito.


DJ Mark Ayag

Sinabi noong Martes sa SH Online ni Jojo Florece, kapatid ni HC Jogie Florece, na sinabihan daw siya ni Payo, na iiwasan muna ang paglapit kay Llantino, matapos mapagalaman na pinagseselosan siya, ng boyfriend ng huli na si DJ Mark Ayag, miyembro ng Straw Hats Pirates Organization.

Nagkaroon ng 'di pagkakaunawaan sina Llantino at Ayag, dahil sa sinasabing "closeness" nina Payo at Llantino.

Kinumpirma naman ito ni Jess Lastica, miyembro rin ng SH, na mismong kay Ayag na daw nanggaling.

Ruffa Mae Llantino
Sa panayam ng SH online kay Payo, inamin nito na mayroon siyang "gusto kay Llantino", na girlfriend ni Ayag, sa loob ng pitong buwan.

Sa kabila nito, ipinangako ni Payo na hindi siya gagawa ng paraan, upang maghiwalay ang dalawa o maging dahilan ng paghihiwalay nila.

Naayos na ang gusot ng magkarelasyon, nang makapag-usap sila nang masinsinan, sa headquarters noong Martes ng gabi.

BTS Prepares For Another Contest!!!!!

Break The Silence (formerly T2K)
Naghahanda na ngayon ang dance group na Break The Silence, para sa sasalangan nilang dance contest, sa Marcos Highway, matapos na pumasa, noong Martes sa audition ng "Sayaw Sa Kalikasan", sa Cainta Elementary School (CES).

Nagparehistro noong Martes ang iba't-bang dance groups sa Cainta, sa pa-audition, ng gaganaping "Sayaw Sa Kalikasan", na isinagawa sa CES. Ito'y pinangunahan ng pamunuan ng Barangay San Roque, ng nasabing bayan, at ng youth organization na Cainta MoveOn Youth Organization (CYO).

Kabilang sa mga nagparehistro ay ang BTS, Da Original Misxteryozahs (DOM), Black Hiphop (BH), at apat pang dance groups ng Cainta, ayon kay HC Rjay Guinto, na miyembro din ng BTS.

Sinabi ni Guinto, na babaguhin nila ang kanilang sayaw, ayon na rin sa tema ng contest, na tungkol sa kalikasan, sa pangunguna ng kanilang choreographer, na si Milky.

Inaasahan naman ng BTS na magiging mahirap ang susunod nilang laban, dahil kasali ang mga bigating grupo, na DOM at BH. Kilala ang DOM sa kanilang mga nakakatakot na stunts sa pagsasayaw, habang ang BH naman ay isa sa mga top groups sa Cainta.

Kasama sa BTS sing Guinto at Tom Jhon Morada, na mga High Councils ng SH, kapatid ni Tom Jhon na si Kim Bryan, Balong Tomayao, Agie, Michael, Jeff at iba pa. Hindi naman makakasayaw para sa BTS si Carlo, dahil nasa ospital pa ito, matapos itong dapuan ng sakit na dengue.

Ang "Sayaw Sa Kalikasan" ay gaganapin sa November 30 sa Marcos Highway, malapit sa Sta. Lucia East Grand Mall.

Tuesday, November 13, 2012

Jeffrey, Furious At Nico & Rjay, Gets Mad At HQ!!!!!

HC Jeffrey Melendrez
Iskandalo ang gumising sa mga nakatira sa headquarters ng Straw Hats Pirates, kahapon ng madaling araw, matapos sumugod si HC Jeffrey Melendrez, habang lasing na lasing.

Nagsisisigaw si Melendrez ng sumugod ito sa headquarters kahapon ng madaling araw. Sa pahayag ni HC Nico Mikhail Recoproco, may kumatok aniya ng malakas, ng madaling araw na iyon, dahilan para magising siya. Nang buksan niya ang pintuan, agad daw nagsisisigaw si Melendrez at hinamon siya ng suntukan. Dagdag pa niya, hinanap din daw ni Melendrez, si HC Rjay Guinto.

"Hinamon niya ko ng suntukan hanggang patayan daw. Sabi ko sa kanya, bitawan niya yung hawak niyang kutsilyo, at papatulan ko siya", pahayag ni Reciproco.

Matapos iyon, umuwi na daw si Melendrez at inakala nilang tapos na ang komprontasyon. Ngunit ilang minuto lang, muli itong bumalik, at sa pagkakataong iyon, si SH President JR Martir naman ang kanyang nais na makausap. Hindi naman siya pinagbigyan ni Martir na makausap.

"Talking to him in his current status will make things complicated. Mabuti pa na kausapin ko siya in his normal condition na hindi siya lasing", pahayag ni Martir.

Samantala, naging bukambibig naman ng mga kapitbahay ang nangyari, kinaumagahan. Ayon sa isang babae na nagsalita sa SH Online, sa kondisyon na hindi ilalathala ang kanyang katauhan, nagsisisigaw daw si Melendrez na gumagamit ng ilegal na droga, na "marijuana" ang mga nakatira sa headquarters. Agad namang itinanggi ni Martir ang mga paratang na ito.

"Those people who live in HQ are not using marijuana. I think, it was came mula sa mga tambay na kadalasang dito tumatambay sa HQ. I'll investigate this one", sabi pa ni Martir.

Kaninang umaga, bumalik si Melendrez sa headquarters upang magpaliwanag. Sa pagkakataong iyon, mukhang nahimasmasan na siya. Agad siyang nagpaliwanag kung bakit bigla na lamang siya nagwala, kahapon ng madaling araw.

Ani Melendrez, ikinagagalit daw niya, nang sabihan siya nina Reciproco at Guinto na "jacker", na ang ibig sabihin ay "magnanakaw".

"Nung time na iyon, sinigaw pa nila talaga, maraming nakarinig non. Hindi sila mga tanga para hindi nila maintindihan iyon", sabi pa ni Melendrez.

Pati umano sa Group Message Floor o GM Floor ng Straw Hats Pirates Text Society ay nagpaparining si Reciproco, kung saan pareho silang miyembro.

"Sino ba namang hindi magagalit nun", sabi pa ni Melendrez.

Nag-ugat ito matapos na hindi naibalik ni Melendrez ang coat ni HC Alexander Balangan, na kanyang hiniram. Bigla na lamang daw nagtext si Guinto kay Melendrez, gamit ang cellphone ni Martir, kung saan "ipinababalik nito ang mga gamit ni Balangan na kanyang 'jinack'".

Paglilinaw naman ni Melendrez, alam naman nina Guinto, Balangan at Reciproco na lumayas siya, kaya hindi niya makuha sa kanilang bahay, ang sinasabi nilang coat.

"Sana naman inintindi nila yung sitwasyon di ba. Ang tagal ng pinagsamahan namin tapos ganyan", dagdag pa ni Melendrez.

Magkagayon man, sinabi ni Martir na mali pa rin si Melendrez, sa kanyang ginawa dahil nabulabog ang mga kapitbahay ng mga oras na iyon.

Humingi naman ng dispensa si Melendrez sa mga kapitbahay na nabulabog, pero nanindigan na hindi hihingi ng tawad kina Reciproco at Guinto.

JR Denied 'Charlotte' As His GF!!!!!

Lhara Abuda
Itinanggi ni SH President JR Martir, ang akusasyong girlfriend niya di umano, si Lhara Abuda, o mas kilala sa kanyang codename na "Charlotte", sa Straw Hats Pirates Text Society.

Nagsalita na si Martir, hinggil sa mga akusasyon, ng boyfriend ni Abuda, na si Bryan Chil. Noong nakaraang linggo, nagbitaw ng masasamang salita si Chil, sa wall ng Facebook account ni Martir, matapos nitong pagkamalan na may relasyon ito kay Abuda, na kanyang girlfriend. Ayon pa sa kanyang post, sinabi niya na si Martir daw ang "bagong boyfriend, ni Lhara".

Mariin namang itinanggi ni Martir, ang siya ring Founder ng SHP Text Society, ang mga paratang ni Chil. Aniya, dala lamang ito ng "kakitidan" ng kanyang utak.

"Hindi ko girlfriend si Lhara. It's just makitid lang siguro talaga ang utak ng boyfriend niya", sabi ni Martir. "I have never been involve in any relationship in the SHP Text Society".

Hinala ni Martir, maaaring "nagseselos" lamang si Chil, dahil madalas silang mag-usap dati ni Abuda.

"But now, hindi na kami nag-uusap sa text either PM (Private Message). Even the other members of the clan, I am not talking to them kung hindi naman importante", dagdag pa ni Martir.

Si Chil ay dating miyembro ng SHP Text Society, na may codename na "Tazz". Umalis din ito sa clan, matapos ang diumano'y "breakup" nila ni Abuda.

Sa tanong kay Martir kung may balak ba siyang ligawan si Abuda kung sakaling totoong "break" na sila ni Chil.

"I think, I have to shut my mouth about that issue para wala nang gulo", sagot ni Martir.

Sunday, November 11, 2012

Jogie, For Lolito's Post!!!!!

Newly appointed High Council Jogie Florece
Tuluyan nang tinanggal ni SH President JR Martir, si Lolito Almoite, bilang isa sa mga High Councils ng Straw Hats Pirates, matapos hindi makakuha ng komunikasyon dito, matapos ang halos tatlong taon, mula nang pumunta ito sa probinsya ng Palawan.

Ipinalit ni Martir si Jogie Florece, pamangkin ni HC Harold Lozano, sa nabakanteng puwesto ni Almoite, bilang isa sa mga High Council ng organisasyon. Sinabi ni Martir na sapat na ang tatlong na hindi nila nahagilap si Almoite, upang tuluyan nang itong palitan, sa kaniyang posisyon.

"This was a decision of my own, as the President of this organization. I think there is no other way to find him. We already use Facebook and different online sites to find him but I'm sad to tell that, it is not success", pahayag ni SH President Martir.

Naging High Council si Almoite noong 2009, dahil sa isa siya sa mga nagtatag ng Straw Hats Pirates.

Taong 2009 ng magtransfer out si Almoite, mula sa school nilang San Juan National High School, sa Cainta, Rizal. Simula noon ay hindi na ito nagparamdam pa, sa grupo.

May nakapagsabi na sa probinsya ng Palawan siya ngayon nakatira.

"I think, it is the right time to just give up on finding him", dagdag pa ni Martir.

Si Florece ang kukumpleto sa labing-isang High Councils ng Straw Hats Pirates.

And The Story Continues!!!!!

SH President JR Martir
COMMENTARY - Halos magdadalawang taon na rin pala, simula ng tumigil sa paglalabas ng balita, ang website nating ito, Straw Hats Pirates Online.

Halos magdadalawang taon na rin ang lumipas ng ako'y maaksidente mula sa motorsiklo, habang nasa trabaho. Doon din nagsimulang mawala sa agos ng panahon ang ating grupo. Naging miserable ang mga sumunod na buwan para sa akin, matapos ang aksidenteng iyon.

Kasabay pa ng pagdamo ng isang karamdaman sa akin, na halos ilang buwan din akong pinahirapan. Nawala ang halos ng lahat sa akin, mga kaibigan at pati na rin ang lovelife.

 Masasabi ko sa aking sarili na ang mga taong 2011 at 2012, ang pinakamadilim na kabanata ng aking buhay, at maging ng Straw Hats, simula ng aking pagkabuhay.

 Ang lovelife, na dapat na tinatamasa ng aking pagkabinata ay kinuha din sa akin, at hindi ko man lang naranasan.

 Sa kabila ng madilim na kabanata na iyon, nanatili pa rin akong nakatayo at hindi sumusuko. Ang kabanatang iyon ng aking buhay ay tuluyan ko nang isinara.

Ngayon, handa na ko sa mga bagong hamon na darating sa aking buhay, kasama ng aking mga kaibigan na alam kong, hanggang sa huli ay hindi ako iiwan.

Sa pagkakataong ito, para sa organisasyon, at sa SH Online, the story continues! -JR Martir Over-all President, Straw Hats Pirates

Saturday, November 10, 2012

SH, To Support Felix On Election!!!!!

(from left to right) HC Tom Jhon Morada, HC Rjay Guinto
Jeriemy Llantino, HC Lester QuiƱanola, Mayca Del Pilar,
Mac Franco, HC Jeffrey Melendrez, DJ Mark Ayag and
Jess Lastica.
Opisyal na inanunsyo ng grupong Straw Hats Pirates, ang kanilang pagsuporta, kay Ginoong Willy C. Felix, ang Barangay Chairman ng Barangay San Juan sa Cainta, Rizal, sa pagtakbo nito bilang alkalde ng nasabing bayan, sa darating na 2013 Election.

"Our organization is very glad to support Mr. Felix in his fight for the mayoralty of Cainta", ito ang naging pahayag ni Julianne Rauland Martir, Over-all President ng SH.

Ito ang naging pahayag ng presidente ng grupo, matapos na tanggapin ang pagiging isa, sa mga grupong susuporta, sa magiging kampanya ni Ginoong Felix, sa darating na eleksyon.

Napalapit si SH President Martir kay Mr. Felix, nang dahil na rin, kay Carlito Ferrer, ang over-all coordinator ng mga youth club sa Cainta, matapos alukin ng huli ang SH na sumali sa kampanya ni Mr. Felix.

"I am joining in Mr. Felix's campaign for the mayoral position. I am one of the persons, who believes that, the Felixes are the true 'fathers' of Cainta", sabi ni SH President Martir.

"I'm also doing this for the benefit of our organization", dagdag pa niya.

Ang SH ang magiging pangunahing youth club naa nakabase, sa San Francisco, Cainta, Rizal, kung saan gagawa sila ng iba't ibang aktibidades, para na rin sa mga residente nito. Makikicooperate din ang SH, sa iba't ibang mga activities na isasagawa ng iba't-ibang youth club sa iba't-ibang lugar sa Cainta.

Kabilang sa mga kasama sa kampanya ni Mr. Felix, ay sina Brgy. San Andres Chairman Joe Ferrer, na tatakbo bilang bise-alkalde, mga tatakbong konsehal na sina Brgy. San Andres Kagawad Ekeng Tajuna, Mr. Manny Jacob at re-electionist na si Councilor Ace Sevillon.

Most Read Posts