Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!

Announcement to everyone!

Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.

What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta

Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!

Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.

Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.

Kitakitz na lang!

Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14

Grand Chase Philippines

Grand Chase Philippines
The number one casual online game in the Philippines. Register now for free at www.my.levelupgames.ph

Grace Glinofria

Grace Glinofria
Please like the Facebook fan page of Grace Glinofria. Just click the photo. . .

Tuesday, November 13, 2012

Jeffrey, Furious At Nico & Rjay, Gets Mad At HQ!!!!!

HC Jeffrey Melendrez
Iskandalo ang gumising sa mga nakatira sa headquarters ng Straw Hats Pirates, kahapon ng madaling araw, matapos sumugod si HC Jeffrey Melendrez, habang lasing na lasing.

Nagsisisigaw si Melendrez ng sumugod ito sa headquarters kahapon ng madaling araw. Sa pahayag ni HC Nico Mikhail Recoproco, may kumatok aniya ng malakas, ng madaling araw na iyon, dahilan para magising siya. Nang buksan niya ang pintuan, agad daw nagsisisigaw si Melendrez at hinamon siya ng suntukan. Dagdag pa niya, hinanap din daw ni Melendrez, si HC Rjay Guinto.

"Hinamon niya ko ng suntukan hanggang patayan daw. Sabi ko sa kanya, bitawan niya yung hawak niyang kutsilyo, at papatulan ko siya", pahayag ni Reciproco.

Matapos iyon, umuwi na daw si Melendrez at inakala nilang tapos na ang komprontasyon. Ngunit ilang minuto lang, muli itong bumalik, at sa pagkakataong iyon, si SH President JR Martir naman ang kanyang nais na makausap. Hindi naman siya pinagbigyan ni Martir na makausap.

"Talking to him in his current status will make things complicated. Mabuti pa na kausapin ko siya in his normal condition na hindi siya lasing", pahayag ni Martir.

Samantala, naging bukambibig naman ng mga kapitbahay ang nangyari, kinaumagahan. Ayon sa isang babae na nagsalita sa SH Online, sa kondisyon na hindi ilalathala ang kanyang katauhan, nagsisisigaw daw si Melendrez na gumagamit ng ilegal na droga, na "marijuana" ang mga nakatira sa headquarters. Agad namang itinanggi ni Martir ang mga paratang na ito.

"Those people who live in HQ are not using marijuana. I think, it was came mula sa mga tambay na kadalasang dito tumatambay sa HQ. I'll investigate this one", sabi pa ni Martir.

Kaninang umaga, bumalik si Melendrez sa headquarters upang magpaliwanag. Sa pagkakataong iyon, mukhang nahimasmasan na siya. Agad siyang nagpaliwanag kung bakit bigla na lamang siya nagwala, kahapon ng madaling araw.

Ani Melendrez, ikinagagalit daw niya, nang sabihan siya nina Reciproco at Guinto na "jacker", na ang ibig sabihin ay "magnanakaw".

"Nung time na iyon, sinigaw pa nila talaga, maraming nakarinig non. Hindi sila mga tanga para hindi nila maintindihan iyon", sabi pa ni Melendrez.

Pati umano sa Group Message Floor o GM Floor ng Straw Hats Pirates Text Society ay nagpaparining si Reciproco, kung saan pareho silang miyembro.

"Sino ba namang hindi magagalit nun", sabi pa ni Melendrez.

Nag-ugat ito matapos na hindi naibalik ni Melendrez ang coat ni HC Alexander Balangan, na kanyang hiniram. Bigla na lamang daw nagtext si Guinto kay Melendrez, gamit ang cellphone ni Martir, kung saan "ipinababalik nito ang mga gamit ni Balangan na kanyang 'jinack'".

Paglilinaw naman ni Melendrez, alam naman nina Guinto, Balangan at Reciproco na lumayas siya, kaya hindi niya makuha sa kanilang bahay, ang sinasabi nilang coat.

"Sana naman inintindi nila yung sitwasyon di ba. Ang tagal ng pinagsamahan namin tapos ganyan", dagdag pa ni Melendrez.

Magkagayon man, sinabi ni Martir na mali pa rin si Melendrez, sa kanyang ginawa dahil nabulabog ang mga kapitbahay ng mga oras na iyon.

Humingi naman ng dispensa si Melendrez sa mga kapitbahay na nabulabog, pero nanindigan na hindi hihingi ng tawad kina Reciproco at Guinto.

No comments:

Post a Comment

Most Read Posts