![]() |
Facebook account of Luis Miguel Montecillo, owned by SH President JR Martir |
Si Luis Miguel, ay isang kathang isip na pangalan lamang, sa social networking site na Facebook. Ang account na ito ay pagmamay-ari, ni SH President JR Martir. Gumawa siya ng account sa Facebook at ginamit ang pangalang Luis Miguel Montecillo, nang kanyang ginawa ang RESPSCI Shoutout.
Marami ang natuwa noon sa "kakulitan" at pagiging "madaldal". Ang iba naman ay nahihiwagaan sa tunay na pagkatao nito.
Noong Setyembre ng kasalukuyang taon, inamin ni Martir, na siya ang taong nasa likod, nang katauhan ni Luis Miguel. Pag-amin niya, mahirap gumamit ng dalawang Facebook accounts, dahil ibang-iba sa ugali niya, ang ugali ni Luis Miguel.
"I am using two accounts in Facebook, which is Luis Miguel and my personal account, JR Martir. Mahirap gumamit ng 2 acconts, ang pagkakakilala ng mga RESPSCInians kay Luis is super bait, masarap kausap, maraming alam sa mundo, makulit, madaldal, unlike my personal account JR Martir, masungit pag kinakausap. Hindi nila alam dati, iisang tao lang si JR at Luis Miguel. It's hard na gampanan ang dalawang pagkatao at the very same time", sabi ni Martir.
Marami naman ang natuwa sa pagbabalik ni "Luis Miguel" sa RESPSCI Shoutout. Isa na rito si Maricel Capote. Ayon sa kanya, "natutuwa siya at muling bumalik si Luis na tiyak na mas mabait kesa kay JR".
Sabi naman ni Allen Cayasa, Board Member ng RESPSCI Shoutout, na "sana ay magkaroon ulit ng eyeballs sa pagbabalik ni Luis Miguel".
Inamin ni Martir na nawala si Luis Miguel, mula nung lumayas siya sa kanilang bahay sa Makati City noong August. Wala siyang personal computer nang siya'y pansamantalang nanirahan sa Cainta, sa dating headquarters ng Straw Hats Pirates.
Noong Oktubre, nagkaroon ng pagpupulong ang mga High Councils ng SH, kung bubuwagin na ang RESPSCI Shoutout, o pagpapatuloy pa ito. Sa botong 7 - 4, bumoto ang mga High Councils na 'wag itong buwagin, na ikinatuwa naman ng ibang administrators, kabilang si RESPSCI Shoutout External Advisor Trixie Andrea.
Sa darating na Linggo, babalik na si Martir sa Makati City, at sa kanyang trabaho sa Philippine Daily Inquirer. Kahapon, naglabas nang balita ang SH Online, na gagawin ni Martir ang lahat, upang bumalik ang pagiging aktibo ng RESPSCI Shoutout.
"I leave it all to Luis", sabi ni Martir.
No comments:
Post a Comment