![]() |
Break The Silence (formerly T2K) |
Nagparehistro noong Martes ang iba't-bang dance groups sa Cainta, sa pa-audition, ng gaganaping "Sayaw Sa Kalikasan", na isinagawa sa CES. Ito'y pinangunahan ng pamunuan ng Barangay San Roque, ng nasabing bayan, at ng youth organization na Cainta MoveOn Youth Organization (CYO).
Kabilang sa mga nagparehistro ay ang BTS, Da Original Misxteryozahs (DOM), Black Hiphop (BH), at apat pang dance groups ng Cainta, ayon kay HC Rjay Guinto, na miyembro din ng BTS.
Sinabi ni Guinto, na babaguhin nila ang kanilang sayaw, ayon na rin sa tema ng contest, na tungkol sa kalikasan, sa pangunguna ng kanilang choreographer, na si Milky.
Inaasahan naman ng BTS na magiging mahirap ang susunod nilang laban, dahil kasali ang mga bigating grupo, na DOM at BH. Kilala ang DOM sa kanilang mga nakakatakot na stunts sa pagsasayaw, habang ang BH naman ay isa sa mga top groups sa Cainta.
Kasama sa BTS sing Guinto at Tom Jhon Morada, na mga High Councils ng SH, kapatid ni Tom Jhon na si Kim Bryan, Balong Tomayao, Agie, Michael, Jeff at iba pa. Hindi naman makakasayaw para sa BTS si Carlo, dahil nasa ospital pa ito, matapos itong dapuan ng sakit na dengue.
Ang "Sayaw Sa Kalikasan" ay gaganapin sa November 30 sa Marcos Highway, malapit sa Sta. Lucia East Grand Mall.
No comments:
Post a Comment