![]() |
Jeffrey Melendrez |
Dahil sa ginawang "kahihiyan" ni Melendrez, nagdesisyon na ang pito sa labing-isang High Councils ng SH, na tuluyan na siyang alisin sa grupo. Kabilang sa mga High Councils na bumoto para sa pagtanggal kay Melendrez, ay sina Tom Jhon Morada, Alex Balangan, Anna Rose Santos, Jhomel Santirba, Rjay Guinto, Nico Reciproco at Jogie Florece. Nag-inhibit naman sa pagboto si Lester QuiƱanola, habang walang nakuhang sagot mula kina Noemie Justado at Harold Lozano. Kinakailangan lamang ng anim na boto mula sa mga High Councils upang tanggalin ang kapwa nilang nasa puwesto. Inaprubahan ni SH President JR Martir ang desisyon na ito ng mga High Councils.
"It is very sad thing to expel my former member and friend but I guess it was the decision of my fellow Pirates, so I have to accept it", sabi ni Martir.
Nagdesisyon ang mga High Councils na tanggalin si Melendrez sa grupo, dahil sa pagwawala nito noong Lunes ng madaling araw, sa headquarters ng SH. Nabulabog ang mga kapitbahay at nagreklamo kay Hazel Beriso, ang in-charge ng bahay na inuupahan ng organisasyon. Dahil sa takot na maulit, nagdesisyon si Beriso na paalisin na lamang ang mga nakatira sa headquarters.
"There is a probable cause to expel Jeffrey. for doing such a scandalous act that has lead para mapalayas kami sa HQ", sabi ni Martir.
Umalis na ang mga nakatira sa headquarters noong Biyernes. Kabilang dito sina Martir, Balangan, Guinto, Reciproco at Florece. Hindi na rin matutuloy ang dapat sanang 2nd Eyeball ng SHP Text Society, na dapat sana'y gaganapin sa headquarters sa November 24, 2012.
"I am apologizing to the members of the SHP Text Society, but we have to cancel our EB. Rest assured that we will fix this immediately, as soon as we find our new headquarters", sabi ni Martir.
Nagquit na rin si Melendrez sa SHP Text Society, kung saan ang codename niya ay "Cloud".
![]() |
SANTIRBA: Expel |
Nalungkot naman ang mga miyembro ng SH sa nangyari, na madalas na pumunta sa headquarters.
Sinabi ni Joan Cruz na "nakakalungkot at wala na silang tatambayan, kung saan masaya ang bawat isa".
Maging ang pinuno ng Brotherhood Company, na si Kong Kong Barrientos, ay nadismaya sa ginawa ni Melendrez.
![]() |
FLORECE: Expel |
![]() |
SANTOS: Expel |
Kasamang matatanggal ni Melendrez, ang kanyang mga hawak na miyembro, kabilang dito sina Carl Viray, Aniano Verdijo, Rose Berganio, Joven Talledo, Kate Bayog, Angelica Delos Reyes, Johna Bernabe, Feil Noel Payo, Izzy Ballesteros at Charlene Penales.
Nagpalipat naman si Patrick Espelita kay HC Florece habang si Mayca Del Pilar ay kay HC Morada.
"Salamat pa rin sa kanya, dahil siya pa rin ang naging way para makilala ko ang mga bagong members ng SH", sabi ni Martir.
Papalit naman sa posisyon ni Melendrez, si Charlene Moldez, na naging miyembro ng SH noong 2009. Siya ay kumukuha ng kursong BS HRM Major in Tourism, sa De La Salle - College of Saint Benilde.
No comments:
Post a Comment