
Dahil walang sariling gym, sa multi-purpose gym ng Cainta Elementary School idinaos ng San Juan National High School ang kanilang 5th Commencement Exercises. An gating mga miyembro na nagtapos sa paaralang ito ay sina High Council Julianne Rauland Martir, High Council Alexander Balangan, High Council Jhomel Santirba, High Council Tom Jhon Morada, High Council Rjay Guinto, High Council Nico Mikhail Reciproco, High Council Jeffrey Melendrez, High Council Noemie Justado, Jennylyn Cruz, Amy Jobelle Durante, Desiree Ann Renio, John Peternhiel Perez at Jeffrey Aniel. Hindi naman nakadalo si HC Jeffrey dahil may trabaho daw siya nung araw na iyon. Kahit hindi nakasuot ng toga ang mga estudyante ng SJNHS, naging maayos naman ang kinalabasan ng programa.
Kapansin-pansin naman ang mga pulitikong nagging pangunahing panauhin sa graduation day. Present sa kampanya este sa graduation day sina Rizal Governor Casimiro “Jun” Ynares III, Cainta Mayor Ramon Ilagan, Vice Mayor Arturo “Atoy” Sicat at Councilor Ross Glenn “Uro” Gongora. Humakot naman ng napakaraming medalya si Desiree dahil sa pagiging 2nd honorable mention. Nangaling ang mga medalya sa iba’t-ibang college schools at siyempre mula sa mga pulitikong nagging pangunahing panauhin sa programa. Nagpaantig naman sa kanilang mga puso ang kantang Its Gonna Make Sense ng Michael Learns To Rock na kanilang graduation song.
Kinabukasan, nagtapos ng high school si Charlene Moldez sa Rizal Experimental Station and Pilot School of Cottage Industries o RESPSCI sa Maybunga Pasig City. Present dito si HC Julianne. Para sa kanya, para na rind aw siyang grumaduate sa RESPSCI nung araw na iyon dahil nandoon ang mga dati niyang kaibigan at mga kaklase. Dito siya nag-aral nung siya’y 1st year at 2nd year pa lamang sa high school. Kapansin-pansin naman na hindi masiyadong naririnig ang mga estudyante habang kinakanta nila ang Lupang Hinirang, RESPSCI Hymn at iba pa. ‘Di gaya ng sa SJNHS, walang dumalong pulitiko sa kanilang graduation day. Magbibigay sana ng speech si Pasig Congressman Roman Romulo ngunit hindi ito nakarating. Dalawang medalya ang nakuha ni Charlene sa kanyang pagiging salutatorian. Nagtapos ang programa sa pag-awit ng mga estudyante ng kanilang graduation song, ang “Go The Distance” ni Michael Bolton.
Grumaduate din ang mga miyembro natin sa iba’t-ibang probinsya ng bansa. Mula sa Pulong Buhangin National High School sa Sta. Maria, Bulacan si High Council Anna Rose Santos, sa Bicol Region naman sina High Council Lester QuiƱanola at Richard Lopiga at mula sa Puerto Princesa City sa Palawan, si High Council Lolito Almoite.
taee yan kung cnucnu unag pinaukturan amf!!!!
ReplyDelete