Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!

Announcement to everyone!

Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.

What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta

Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!

Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.

Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.

Kitakitz na lang!

Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14

Grand Chase Philippines

Grand Chase Philippines
The number one casual online game in the Philippines. Register now for free at www.my.levelupgames.ph

Grace Glinofria

Grace Glinofria
Please like the Facebook fan page of Grace Glinofria. Just click the photo. . .

Tuesday, December 28, 2010

Rjay Nixed On Courting Majho!!!!!

HC Rjay Guinto
Malamang ay tumigil na si HC Rjay Guinto sa kanyang panliligaw kay Marjorie Abutan matapos sabihin ng dalaga na hanggang magkaibigan na lang sila.

kagabi, sa pakikipagusap ng SH Online kay Marjorie sa pamamagitan ng text message, sinabi ng dalaga na pinatitigil na niya si Rjay sa panliligaw nito sa kanya. Magkausap daw sila nito noong isang araw. Ayon ksa kanya, nais niya na hanggang magkaibigan lang ang kanilang turingan. Masaya na daw siya sa estado nila ngayon, kahit batid niya na masakit ito para sa binata. Dagdag pa niya, mukha daw itong babaero dahil marami itong litrato ng mga babae sa kanyang Facebook account. Ayon pa sa kanya, pumunta umano si Rjay sa kanilang bahay sa Samagta Taytay, Rizal noong gabi ng December 24 SH Conference. Sinabi naman ni SH President Julianne Rauland Martir na nawala nga si Rjay nung gabing iyon. Inakala nila na tinakasan niya ang mga ito sa inuman. Sinabi ni Marjorie na maaaring pumunta nga talaga si Rjay noon. Hindi niya rin daw alam sapagkat tulog siya ng mga sandaling iyon.

Nais naman ni Marjorie na personal na kausapin si Rjay sa Sabado.

Wala namang sagot si Rjay sa mga tanong ng SH Online sa kanya. Hindi ito nagrereply sa aming mga text messages.

Remembering The Brothers!!!!!

Kalapapoh Brothers
YEAR END SPECIAL - (Editor's note: For 12 days, the SH Online will tell you the greatest stories and personalities of our group in 2010, as we say goodbye to this year. But, whatever the reason, the SH Online will tell you the story).

Isa pang grupo na tumatak sa kasaysayan ng Straw Hats Pirates, ay ang Kalapapoh Brothers na ating nakilala nung kaming mga High Councils ay 4th year high school students pa.

Ang Kalapapoh ay isa sa mga grupong naging bahagi ng ating kasaysayan. Pinangungunahan sila nina Ronnie Erellana at Ryan Raborar. Kagaya ng grupo natin, nabuo din sila sa San Juan National High School - Cainta, Rizal noong June 2008.

Naging close friends ako at si HC Rjay Guinto ang mga miyembro ng Kalapapoh. Kasundo ni Rjay sina Ronnie, Omar Gubat, Joseph Felicilda, John Riel Noja at Den Mark Goral dahil pare-pareho nilang hilig ang arts. si Rhazel Arao naman ang nakasundo ni HC Alexander Balangan. Kasama namin ni Rjay ang Kalapapoh ng mga panahong nagpipintura pa kami sa SJNHS. Magkatulong din kami sa iba't-ibang projects na isinasagawa ng iba't-ibang clubs. Miyembro din ng grupong ito si Raynee Cabatingan, na girlfriend ko nung mga panahong iyon kaya naman, mas lalo akong napalapit sa kanila.


Marso ng mag-merge noon ang ating grupo at ang sa kanila. Rekomendasyon ito nina Omar, John Riel at Den Mark. Naging Straw Hats Kalapapoh ang pangalan ng grupo. Unang bumatikos dito ang Jhozah Xoceity kaya naman kinabukasan, agad kaming naghiwalay.


Abril nang nakaaway ko si Ronnie dahil sa nabasa niyang balita sa SH Online na kanyang ikinagalit. Humingi naman agad ako nang dispensa sa nangyari.


Sa ngayon, bihira ko na lang makausap ang mga miyembro ng Kalapapoh. Kahit na sa maikling panahon lang natin sila nakasama, naging mahalagang bahagi naman sila ng ating kasaysayan. Maaaring sa mga darating na panahon ay muli ulit magkrus ang ating mga landas.


-Julianne Rauland Martir
President, Straw Hats Pirates
Closing 2010. . .

A Week Of A Blast!!!!!

Children Igniting Kwitis (Left); Piccolo (Right)
-Inquirer Photo-

SPECIAL REPORT - Malapit na malapit na ang bagong taon, halos isang linggo na lang. Hit na hit na naman ang mga paputok, lalong-lalo na sa mga bata. Kahit saang lansangan ay makakarinig ka ng mga pagsabog. Sa linggong ito, ibayong pag-iingat ang aking pinapaalala sa lahat.

Hindi maiaalis sa ating mga Pilipino, maging sa mga miyembro ng Straw Hats Pirates, ang paggamit ng paputok tuwing bagong taon. Sa tingin ko, kahit anong kampanya pa ang gawin ng Department of Health laban sa paggamit ng paputok ay wala silang magagawa. Kultura na nating mga Pilipino ang pagpapaputok sa pagsalubong ng bagong taon.

Kadalasang ginagamit ng mga kabataan ay ang "kwitis" at "piccolo". Nakalathala sa December 27, 2010 issue ng Philippine Daily Inquirer na ang mga paputok na ito ay ang dalawang pinakadelikado at pinakamaraming napinsala sa taong ito. Maaaring mura ang mga ito ngunit depekto din naman ito kung minsan na nagdudulot ng biglaang pagsabog. Ayon pa sa Inquirer, 117 na ang bilang ng mga naputukan sa bansa base sa report ng DOH, karamihan ay mula sa kwitis at piccolo. Noong isang araw lang ay may namatay na ginang sa Davao ng makainom siya ng tubig na may halong pulbura ng piccolo.

Hinihikayat ko ang ating mga miyembro na umiwas sa paggamit ng paputok. Mas mainam kung gumamit na lamang ng mga vuvuzela, torotot at kung anu-ano pang kasangkapang magdudulot ng ingay. Kung hindi man maiwasang magpaputok, umiwas na lamang sa malalakas na uri tulad ng "pla-pla", "5 Star", "super lolo", "bawang" at Goodbye Philippines. Maging ang "boga" o PVC Cannon ay iwasan din.

Mas masarap salubungin ang bagong taon na walang disgrasyang nagaganap sa atin. Kaya naman Straw Hats, mag-isip ka! Umiwas sa paputok!

-Julianne Rauland Martir
Editor-in-Chief, Straw Hats Online

Monday, December 27, 2010

Nico To Jhomel: It's Just A Kiss!!!!!

Angelica Aljas
Nilinaw kagabi ni HC Nico Mikhail Reciproco na naghalikan nga sila ni Angelica Aljas, ang ex-girlfriend ni HC Jhomel Santirba.

Madaling araw ng Kapaskuhan ng makatanggap ng impormasyon ang SH Online mula sa isang High Council, na nakipaghalikan umano itong si Nico kay Angelica, sa loob ng bahay nina HC Alexander Balangan, pagkatapos ng December 24 Straw Hats Conference. Pinatotohanan ni Nico ang impormasyong ito sa pakikipag-usap niya pamamagitan ng social networking site na Facebook. Sinabi niya na "LP" o laplapan lamang ang kanilang ginawa, dala na rin ng labis na kalasingan.

Noong isang araw, sinabi ni Jhomel na nagselos siya sa ginawa ng dalawa. May hinala na siya noon na pinopormahan nitong si Nico ang kanyang ex-girlfriend. Sinabi ni Jhomel na "asawa" na niya si Angelica taliwas sa sinabi ni Nico, na sinabi umano ng dalaga na mayroon nga itong boyfriend ngunit hindi iyon si Jhomel.Si Angelica ay kasalukuyang 3rd year high school student sa San Juan National High School - Cainta, Rizal.

Samantala, may isa pang impormasyon na nakarating sa SH Online na 'di umano ay nakipagtalik itong si Nico sa baklang kasama nina Angelica noong gabing iyon. Todong itinanggi ito ng High Council. Hindi niya umano magagawa ang makipagtalik sa isang bakla.

Wala pa namang reaksyon si Angelika ukol sa isyu.

The Group That Changed Our Lives!!!!!

Jhozah Xociety
YEAR END SPECIAL - (Editor's note: For 12 days, the SH Online will tell you the greatest stories and personalities of our group in 2010, as we say goodbye to this year. But, whatever the reason, the SH Online will tell you the story).

Isa sa mga gumawa ng pangalan sa Straw Hats Online at naging parte ng buhay ng ating grupo, ay ang grupong Jhozah Xociety

Nakilala nang ating grupo ang Jhozah, nang mapadpad ako sa section one nung 4th year High School ako. Kasama ko nun si HC Alexander Balangan, ngunit hindi ito naging malapit sa grupo. Marami akong mga ginawa noong high school ako, kasama ang mga miyembro ng Jhozah. Napamahl na sila sa akin at nagong close friends ko pa. Tumatak din ang kanilang pangalan ng ma-inlove sa apat nilang miyembro ang apat din nating miyembro, ako kay Raynee Cabatingan, HC Tom Jhon Morada kay Micah Dahang, HC Nico Mikhail Reciproco kay Febeilyn Estorninos at HC Rjay Guinto kay Marjororie Abutan. Ang atensyon naming apat ay natuon lang sa aming nililigawan. Ako nga lang ang nagtagumpay sa kanila ng mapasagot ko su Rhai Rhai, ngunit silang tatlo ay pare-parehong na-busted. Ewan ko lang kay Rjay dahil hanggang ngayon ay nanliligaw pa rin siya sa anak kong si Majho.

Marami akong nakuhang aral dahil sa Jhozah. 'Yung iba maaaring masama pero alam kong magagamit ko ito balang araw. Meron silang masama at mabuting naidulot sa ating grupo. May mga miyembro tayo na iniisip na maaaring ginamit lang tayo ng ilang miyembro ng Jhozah para sa sarili nilang kapakanan. Pero para sa akin, isa sila sa pinakamahalagang bahagi ng buhay ko. Hindi ko na maibabalik pa ang mga panahong magkakasama kami. Mananatili na lang sila sa ating ala-ala.

Sunday, December 26, 2010

6 HC's Conducted Conference!!!!!

HC Rjay Guinto & HC Alexander Balangan
Kahit maraming miyembro ang hindi nakadalo, itinuloy pa rin ng anin na High Councils ng Straw Hats Pirates ang December 24 SH Conference sa bahay ni HC Jhomel Santirba sa Cainta, Rizal.

Pinangunahan ni SH President Julianne Rauland Martir ang nasabing Conference. Kasama niya sina HC Nico Mikhail Reciproco, HC Jhomel Santirba, HC Alexander Balangan, HC Rjay Guinto at HC Tom Jhon Morada. Simpleng pagkain lamang ang kanilang inihanda, ang all-time favorite, Palabok, Lumpiangg Shanghai, Hotdogs at Hamon. Matapos ang noche buena ay nag-inuman na sila sa tapat ng bahay ni Alexander. Sinagot naman ng tiyuhin niyang si Ricky Aljas ang videoke. Naging emosyonal pa si Tom Jhon sa inuman dahil sa break-up nila ni Kate Ann Santos. Nang malasing ay kanya-kanya sila nang labasan ng sama ng lobb kay Kate Ann. Samantala, mayroon impormasyon na nakarating sa SH Online tungkol kay Nico. Hindi na namin ito ibubulgar pa sapagkat masiyadong sensitibo ang impormasyon ito.

Naging masaya ang anim na High Councils kahit kaunti lamang sila.

HC's Turn Off To Kate!!!!!

Kate Ann Santos
Hindi naging maganda sa mga mata ng mga High Councils ng Straw Hats Pirates ang naging break-up nina HC Tom Jhon Morada at Kate Ann Santos.

Agad na nagalit ang mga High Councils ng grupo, sa naging asal ni Kate Ann dahil sa walang kadahilanang pakikipaghiwalay nito kay Tom Jhon. Naglabas ng sama ng loob ang mga High Council sa SH Conference. Sinabi ni HC Rjay Guinto na ginawa lamang laruan ni Kate Ann ang bestfriend niyang si Tom Jhon. Hindi rin naging maganda ang reaksyon ni HC Jhomel Santirba. Sinabi niya na mas mainam kung si Charlene Moldez na lamang ang niligawan nito. Mas marami rin umanong katangian si Charlene kung ikukumpara kay Kate Ann.

Noong isang araw, sa 'di malamang dahilan ay bigla na lamang nakipag-break itong si Kate Ann kay Tom Jhon. Sinubukan alamin ng SH Online ang ugat ng problema ngunit tumangging magbigay ng pahayag ang dalaga. Suspetya naman ng pinsan niyang si HC Anna Rose Santos, muli itong nakikipagbalikan sa ex-boyfriend nitong si alyas "Michael".

Balisang umuwi kahapon si Tom Jhon sa Merville, Parañaque City, matapos bumisita sa bahay ni Kate Ann sa Sto. Niño nang parehong lungsod. Sinubukan niyang makipag-ayos ngunit hindi daw ito nagsasalita. Umaasa pa rin siya na muli silang magkakabalikan ni Kate Ann.

Kate Ann Devastated Tom Jhon!!!!!

Kate Ann Santos
ANALYSIS - Before anything else, nais ko munang humingi ng apologize dahil hindi nakapaglabas ng news ang SH Online kahapon December 25, 2010.

Asar na asar ako sa inasal nitong ex-girlfriend ni HC Tom Jhon Morada na si Kate Ann Santos. Bigla na lamang itong nakipag-break ng walang dahilan. Sa tuwing kinakausap ko siya, palaging sorry ang balik niya sa akin.

Ang aking hinala ay mayroong ibang lalaki si Kate Ann. Sinabi ni HC Jhomel Santirba na mayroon itong boyfriend, alyas "Michael" bago pa naging sila ni Tom Jhon. Maaaring nakikipagbalikan itong hinayupak na si alyas "Michael" kuno kaya ito bumitaw kay Tom Jhon.

Nagsisi tuloy ako sa inilabas kong analysis noong isang linggo. Sinabi ko pa na matatag na ang kanilang relasyon. Nakakahiya na sa kabila ng sakripisyo ni Tom Jhon ay mauuwi lang ang lahat sa wala. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang pumapasok sa mga kukote ng mga ganitong babae. Hindi marunong maka-appreciate ng ginagawa ng mga lalaki sa kanila.

In the other side, mali din naman si Tom Jhon nang pinili niyang babae. Kung si Charlene Moldez na lang sana ang kanyang niligawan, mas maganda, matalino at sexy pa. Ngayon ay nag-iba na ang turing ko kay Kate Ann dahil sa kanyang ginawa. Para sa akin, disaster ang pagdating niya sa buhay ni Tom Jhon.

Ano't-ano pa man, tanga lang ang umiibig ng lubos sa taong hindi niya lubusang kilala.

Binabati ko pala ng Happy Birthday si Althea Jane (December 23) at Tenjay (December 25) sa Parañaque City.

Tinamaan ka? Comment ka na!
-Julianne Rauland Martir
Editor-in-Chief, Straw Hats Online

Scrupulous People Breaks Down Julianne & Raynee!!!!!

Raynee Cabatingan
YEAR END SPECIAL - (Editor's note: For 12 days, the SH Online will tell you the greatest stories and personalities of our group in 2010, as we say goodbye to this year. But, whatever the reason, the SH Online will tell you the story).


I remember nung umaga nang February 15, Monday, bago ako pumasok sa school ay abot-tenga na talaga ang ngiti ko. 'Di ko akalaing sasagutin ako ni Raynee Cabatingan the night ng February 14. Napakasaya ng araw na iyon sa akin.


Dalawang linggo lang nagtagal ang aming relasyon ni Rhai Rhai. Sa loob ng maikling panahon na iyon, naging kumplikado ang relasyong iyon. Marami ang agad na kumontra at tumutol. Pati ang mga teachers ay naging antagonists namin. Mahirap para sa akin ang kalagayan namin pero alam kong mas nahihirapan siya. Ramdam ko ang pagpasan niya sa aming problema.


Marami ang kontra sa amin because, candidate nga for valedictorian nun si Rhai Rhai, samantalang ako ay isang pasaway at walang alam na estudyante (wow humble), at tamad pa. Mas gusto nilang makatuluyan ni Rhai Rhai ang isa pa naming kaklase na isang Rovers. Mabait at very religious nga naman kasi siya.


Hindi na nagtagal ang aming relasyon. Nakiusap ako nung gabing nakikipag-hiwalay na siya sa akin. Ngunit kahit anong paki-usap ko sa kanya ay walang nangyari, nauwi pa rin sa hiwalayan. Naging miserable na ang mga sumunod na araw sa akin. Parang wala nang bukas pang darating, wow drama! Wala akong nagawa kundi umiyak, emo eh, hahaha!

Pagkalipas ng ilang buwan mula nang maghiwalay kami, hindi na kami nagkita pang muli. Nag-uusap kami paminsan-minsan sa text o sa Facebook. Mahirap tanggapin hangggang ngayon ang mga nangyari. Marami akong natutunan sa relasyong iyon, na aking dadalhin pang-habang buhay. Siguro ay hindi lang talaga kami ang nakalaan sa isa't-isa. Sa pagtatapos nang taong 2010, isinasara ko na rin ang aking puso para kay Rhai Rhai. Wala na sanang susunod pa.

-Julianne Rauland Martir
President, Straw Hats Pirates
Closing 2010. . .

Friday, December 24, 2010

SH Conference Today!!!!!

HC Rjay Guinto
Tuloy na tuloy na mamaya ang December 24 Straw Hats Conference na gaganapin sa bahay ni HC Jhomel Santirba sa Cainta, Rizal, kahit pa maraming miyembro ang hindi makakarating.

Mamayang gabi na gaganapin ang nasabing Conference sa bahay ni Jhomel. Muntik na itong hindi matuloy dahil sa maraming miyembro ang nagsabing hindi sila makakapunta sapagkat hindi sila pinayagan ng kani-kanilang pamilya. Pinili na lang ni SH President Julianne Rauland Martir na ituloy ito ngayong araw upang hindi makasagabal sa trabaho niya sa Philippine Daily Inquirer.

Noong Martes, December 21, 2010, ibinalita sa SH Online na maaaring ma-postpone ang SH Conference dahil maraming miyembro ang hindi darating. Si HC Anna Rose Santos ay hindi pinayagan ng kanyang tita. Maging si Kate Ann Santos ay ganon din. Doon sila sa kanilang bahay sa Parañaque magpapasko. Si HC Tom Jhon Morada naman ay hindi pa sigurado. Susunduin siya ni Julianne sa Merville, Parañaque City mamayang alas-nuwebe ng gabi. Ang iba naman ay uuwi bago mag-hatting-gabi.

Namili na sina Julianne at HC Rjay Guinto ng mga ihahanda para sa December 24 SH Conference.

The Night That Rjay Fell In Love!!!!!

HC Rjay Guinto & Marjorie Abutan
at San Juan National High School
JS Prom 2010

YEAR END SPECIAL - (Editor's note: For 12 days, the SH Online will tell you the greatest stories and personalities of our group in 2010, as we say goodbye to this year. But, whatever the reason, the SH Online will tell you the story).

Sa taong 2010, naging usap-usapan sa ating grupo ang love story nina HC Rjay Guinto at Marjorie Abutan ng Jhozah Xociety. Hanggang ngayon ay wala pa ring ending ang istoryang ito. Atin nga munang balikan kung paano ito nagsimula bago natin isara ang isang taong kabanata ng Straw Hats Pirates.

Enero ng taong ito, nagsimulang mag-asaran sina Rjay at anak kong si Majho, habang nagpipintura kami sa Math Corner ng San Juan National High School. Nagtuloy-tuloy ang kanilang asaran hanggang sa maging crush ng binata ang huli.

Nang sumunod na buwan, ginanap ang JS Prom ng SJNHS sa Cainta Elementary School, para sa pagriwang ng Valentines Day. Doon, nakitaan namin sila ng sweetness. Nahuli pa nga namin na nakasandal ang mukha ng aking anak sa balikat ni Rjay. Nakuhaan pa nga iyon ng picture.

Simula nang gabing iyon, lalong na-inlove si Rjay sa aking bunsong anak. Nagsimula na siyang magpapansin at pumorma sa dalaga.

Nang pagkatapos ng aming graduation day, nag-celebrate kami sa bahay nina Majho, kasama ang Jhozah at Kalapapoh. iyon ang huling beses na nagkasilayan ang dalawa. Simula noon ay wala nang balita tungkol sa kanila. Tumigil na sa panliligaw si Rjay.

Nitong buwan lang, matapos ma-busted si Rjay kay Kate Ann Santos, muli na naman siyang nanligaw kay majho. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin siya sinasagot. Para silang "Da Capo Al Fine". Sa simula ng 2010 na-inlove si Rjay sa dalaga, at sa pagbubukas naman ng 2011, inlove pa rin siya.

Subaybayan na lang natin kung ano ang magiging ending ng istyoryang ito at kung saan hahantong ang dalawang ito.

-Julianne Rauland Martir
President, Straw Hats Pirates
Closing 2010. . .

Thursday, December 23, 2010

Tom & Kate Comes To An End!!!!!

HC Tom Jhon Morada
Kumpirmado na ng SH Online na tapos na ang isang buwang relasyon nina HC Tom Jhon Morada at Kate Ann Santos, ayon mismo sa huli.

Kanina, sa Brgy. Sto. Niño, Parañaque City, maagang pumunta si Tom Jhon sa bahay ni Kate Ann para itanong kung bakit nais na nitong tapusin ang kanilang relasyon. Nakahilata at natutulog pa ang huli ng kanyang abutan sapagkat galing pa ito mula sa simbahan matapos dumalo sa simbang gabi. Nag-usap nang masinsinan ang dalawa. Halata sa mga mata ni Tom Jhon ang pagmamakaawa. Hindi nito binibitawan ang kamay ng dalaga. Hindi naman sumasagot si Kate Ann at panay lamang ang kanyang ngisi sa tuwing nagiging seryoso ang usapan.

Nalaman kagabi ng SH Online ang impormasyon na nakikipaghiwalay na si Kate Ann kay Tom Jhon, mula sa text messages ni HC Rjay Guinto. Kanina lamang ito nakumpirma.

Hiningi ng SH Online ang pahayag ni Tom Jhon matapos ang naging pag-uusap nila ng kanyang ex-girlfriend. Sinabi niya na ayaw nitong sabihin ang dahilan kung bakit ito nakipaghiwalay sa kanya. Suspetya naman ni HC Anna Rose Santos, maaaring may iba itong karelasyong lalaki kaya ito bumitaw sa relasyon nila ni Tom Jhon. Ayon naman sa binata, hindi niya inaasahang mapapabilang siya sa mga "SMP" o "Samahan ng Malalamig ang Pasko". Wala rin daw siyang naaalala na pinag-awayan nila ni Kate Ann.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ngayon si Kate Ann sa SH Online. Humingi lamang ito nang patawad kay Tom Jhon.

Mr. Lover Boy, Tom Jhon Morada!!!!!

HC Tom Jhon Morada
YEAR END SPECIAL - (Editor's note: For 12 days, the SH Online will tell you the greatest stories and personalities of our group in 2010, as we say goodbye to this year. But, whatever the reason, the SH Online will tell you the story).

Naaalala ko si HC Tom Jhon Morada sa taong ito dahil sa ilang beses siyang na-busted nang iba't-ibang babae. Simula nung magsimula ang taong 2010 ay sadyang bigo siya pagdating sa panliligaw. Naaalala ko pa ang inilabas na balita ng SH Online noon na may headline na "Tom Jhon Morada, 2 Times Busted!!!!!" Ahahaha!

hHindi ko ma-gets kung bakit 'di lapitin ng chiks itong si Tom Jhon. Noong January, nagsimula siyang manligaw kay Micah Dahang ng Jhozah Xociety. Ilang buwan din siyang nagtiyaga ngunit hindi siya nagtagumpay na makuha ang puso ng dalaga. Nang maging malapit naman siya sa anak kong si Charlene Moldez, muli na naman siyang na-inlove. Muntik na sana siyang sagutin nang biglang maging mag-on sina Cha Cha at Jasper Masagnay. Sa nakalipas na tatlong taon ay talagang bigo siya pagdating sa pag-ibig.

Inakala ko na lahat ng pagkabigo ni Tom Jhon ay magbabago nang maging mag-on sila ni Kate Ann Santos. Noong nakaraang buwan lamang ay nasa gitna sila ng kontrobersiya ngunit natuloy pa rin ang kanilang relasyon. Ngunit ang inakala kong iyon ay naging mali nang magbreak sila ngayong araw.

Nakakalungkot isipin na sa gitna ng gwapong mukha ni Tom Jhon ay sawing palad pa rin siya sa pagmamahal. Siguro talagang ganon lang talaga ang kanyang kapalaran. Meron sigurong nakalaan sa kanya pero wala pa iyon sa ngayon.

I'm now saying that Tom Jhon Morada is the "Busted Man" of Straw Hats Pirates for 2010, hahahaha!

-Julianne Rauland Martir
President, Straw Hats Pirates
Closing 2010. . .

Wednesday, December 22, 2010

Jomer Got Injuries From A Motorcycle Accident!!!!!

SHGC Head Jomer Pastolero
Sumalpok sa pader ang sinasakyang motorsiklo ni Straw Hats Grand Chase Head Jomer Pastolero at ang kanyang kaibigan, sa isang street sa Country Side Pasig City, malapit sa De Castro Subdivision, kahapon.

Mahapdi at nananakit ang mga braso at hita ni Jomer matapos itong magtamo ng mga sugat at galos habang nakikipagkwentuhan sa SH Online sa pamamagitan ng chatbox ng Facebook account ng Straw Hats Pirates.

Kwento ni Jomer, binabagtas nila ng kaibigan niya at driver ng motorsiklo na si Baldo ang Country Side nang sumabit umano ang side mirror ng motor sa pader. Hindi na nakontrol ng driver ang manibela kaya sumadsad sila sa pader. Mabuti na lamang at mga minor injuries lang ang tinamo ng dalawa. Agad naman silang sinaklolohan ng mga taong bayan. Dumating naman ang kuya ng driver sa pinangyarihan ng aksidente. Tumanggi ang dalawa na magpagamot sa ospital dahil hindi naman daw sila gaanong nasaktan. Hinatid na lamang sila ng kuya ng driver sa kani-kanilang bahay. Papunta dapat sila sa isang kaibigan upang bumisita.

Ayon kay Jomer, hindi pa daw ito alam ng kanyang girlfriend na si Michelle Santos Parada. Balak niyang sabihin ito sa Biyernes.

Julianne's Very Own Daughter!!!!!

Charlene Moldez
YEAR END SPECIAL - (Editor's note: For 12 days, the SH Online will tell you the greatest stories and personalities of our group in 2010, as we say goodbye to this year. But, whatever the reason, the SH Online will tell you the story).

Si Charlene Moldez, isang dalagang nagmula sa RESPSCI, ang aksidenteng napasali at ipinagmamalaking miyembro ng Straw Hats Pirates.

Si Charlene o kilala sa palayaw na Cha Cha, ay dating kong schoolmate sa RESPSCI sa Pasig City. Dati ko siyang naging crush dahil may pagka-weird siya. Naging close kami nung kami'y 2nd year high school pa lamang. Simula din noon ay itinuring ko na siyang tunay na anak

March ng taong ito ng mapalapit si Cha Cha sa mga High Councils ng grupo dahil sa pagsama ko sa kanila kapag bumibisita ako sa bahay ng aking anak. Aksidente namang nabanggit ni HC Jeffrey Melendrez ang tungkol sa grupo. Nang malaman ito ni Cha Cha, pinilit niyang sumali sa grupo. Sa sobrang kakulitan ng aking magandang anak, pumayag na rin ako.

Ang anak kong si Cha Cha ay napakalambing, nagmana sa akin! Hahaha! Joke! I'm very proud to her because, she graduated at RESPSCI na isang salutatorian at kabilang siya sa dean's list ng pinapasukan niyang university, ang De La Salle College of Saint Benilde sa Malate, Manila. Super imba smart talaga ng anak ko, siyempre nagmana ulit saken! Joke!

Noong nakaraang buwan lang, gumawa ng ingay si Cha Cha sa SH Online matapos ma-link kay HC Tom Jhon Morada. Nauna niyang sinabi na mahal niya ito ngunit kalaunan ay idineny niya matapos malaman na nanliligaw si Tom Jhon kay Kate Ann Santos.

Inaasahan ko naman na sa mga darating na panahon ay malaki ang maitutulong ng aking maganda, seksi at matalinong anak sa Straw Hats Pirates. Hindi pa man nangyayari 'yun ngayon, darating din ang oras na iyon kung saan magiging matatag at malakas na ang ating grupo.

Bago tayo magtapos, I just wanna say that I love you Charlene Moldez so much!!!!!

-Julianne Rauland Martir
Straw Hats Online
Closing 2010. . .

Tuesday, December 21, 2010

SH Conference May Postpone!!!!!

SH President Julianne Rauland Martir,
HC Harold Lozano & HC Jeffrey Melendrez

Posible na hindi na ipagpatuloy ang ikalawang Straw Hats Conference sa darating na December 24, 2010 ayon kay SH President Julianne Rauland Martir.

Paliwanag ng batang presidente ng grupo, marami sa mga miyembro ang nagsabing hindi makakarating sa SH Conference. Kabilang dito ay sina HC Anna Rose Santos at Kate Ann Santos. Sa tawag ng SH Online, sinabi ng dalawa na hindi sila makakarating dahil hindi sila pinayagan ng kanilang magulang na hindi sila magkakasama sa noche buena. Ang iba naman, kinakailangan umuwi bago maghatinggabi gaya nina SHGC Head Jomer Pastolero, HC Harold Lozano, Charlene Moldez at Jojie Florece. Maging si Julianne ay kinakailangan umuwi ng alas-dos ng madaling araw dahil may delivery pa siya ng Philippine Daily Inquirer sa araw ng Pasko. Ayon sa presidente, hindi magiging masaya ang Conference kung marami naman ang wala.

Itutuloy pa rin naman daw ang Conference. Babaguhin lamang ang petsa nito. Sinabi ni Julianne na kung maaari ay sa December 28 o 29 kung saan wala siyang pasok sa trabaho. Sa ngayon, kinakailangan munang malaman ito nang lahat ng High Councils ng grupo upang makumpirma. Sinabi ni Julianne na dapat ilaan ng mga miyembro ng grupo ang noche buena na kasama ang kani-kanilang pamilya.

Majho Said Rjay Will Stop Courting Her!!!!!

Marjorie Abutan
Malapit na raw huminto si HC Rjay Guinto sa kanyang panliligaw sa Jhozah Xociety member na si Marjorie Abutan, ayon mismo sa dalaga.

Sa post ni Marjorie sa social networking site na Facebook, sinabi niya sa SH Online na binanggit umano ni Rjay na titigil na siya sa panliligaw nito sa kanya. Maliban doon, sinabi ni Marjorie na madrama si Rjay sa text at animo'y lasing palagi.

Noong nakaraang linggo ay todo na sa panliligaw si Rjay sa dalagang salutatorian ng San Juan National High School - Cainta, Rizal. Kwento pa ng huli, gumawa pa si Rjay  nang music video patungkol sa kanilang dalawa. Katulong ni Rjay si HC Tom Jhon Morada sa pagga nito. Hindi pa napapanood ng SH Online ang nasabing video, na nakapost umano sa wall ni Marjorie. Palagi ring bumibisita ang binata sa bahay nito sa Samagta Taytay, Rizal. Hanggang ngayon ay wala pa ring katiyakan kung may pag-asa si Rjay dahil hindi pa rin umiimik ang dalaga.

Pebrero nang taong ito nang magsimulang manligaw si Rjay kay Marjorie matapos itong ma-inlove sa kanya, dahil sa JS Prom nang SJNHS ng buwang iyon. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya. Sinabi niya na nakahanda siya kung hindi man siya magtatagumpay, na nauna nang ibinalita nang SH Online.

Jeffrey - Kriselle Now Getting Stronger!!!!!

Kriselle Anne Dimaala & HC Jeffrey Melendrez
Mukhang tumitibay na ang engaged couples na sina HC Jeffrey Melendrez at girlfriend nitong si Kriselle Anne Dimaala, base sa mga pahayag ng huli sa kanyang mga text messages sa SH Online.

Noong nakaraang araw, kausap ng SH Online si Kriselle sa pamamagitan ng text messages. Sinabi niya na pumunta sila ni Melendrez sa bahay ng mga kamag-anakan nito sa Pasay City. Dinalaw umano nila ang tiyuhin ng binata na may sakit. Naipakilala din daw ni Melendrez sa kanyang mga kamag-anak ang kanyang mapapangasawa.

Kinahapunan ng araw na iyon, nagtungo ang dalawa sa Star City, ng nasabing lungsod. Namasyal sila sa malawak at sikat na amusement park na iyon. Sumakay daw sila sa iba't-ibang rides. Enjoy na enjoy daw sila ng mga sandaling iyon. Bago umuwi, kumain pa sila sa Chowking.

Kung pagbabasehan ng SH Online ang mga text message ni Kriselle, mukhang tumatatag na ang kanilang relasyon. Nauna nang ibinalita ng SH Online ang pagpropose ni Melendrez sa kanyang girlfriend kasabay ng kanilang pagdiriwang nang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan sa December 27, 2010.

A Relationship That Touches Our Hearts!!!!!

Couples HC Alexander Balangan & HC Anna Rose Santos
YEAR END SPECIAL - (Editor's note: For 12 days, the SH Online will tell you the greatest stories and personalities of our group in 2010, as we say goodbye to this year. But, whatever the reason, the SH Online will tell you the story).

HC Alexander Balangan and HC Anna Rose Santos. Dalawang High Councils ng Straw Hats Pirates na matagal nang magkasintahan.

September 21, 2008 nang maging magkasintahan sina Alexander at Anna Rose, mismong sa araw ng educational trip ng San Juan National High School - Cainta, Rizal. Hinubog na ng panahon ang kanilang relasyon. Kay rami nang pagsubok ang kanilang hinarap nang magkasama. May mga matitindi silang problema pangpamilya ngunit hindi ito naging hadlang at nanatili silang nakatayo. Saksi ako sa bawat araw na magkakasama sila'y magkasama. Napakarami na naming ginawa ng magkakasama, kaming magkakaibigan. Ang tiwala namin sa isa't-isa ay sadyang napakatibay na. Naaalala ko nung isang gabi na pinagselosan ako ni Alexander nang malaman niyang magkasama kaming nakatambay ni Anna Rose. Kasama pa nga namin noon ang dati kong kaklase na si Janel Guibao. Nang tumawag siya sa cellphone ni Anna Rose at akin siyang nakausap, agad ko siyang pinagmumura. Dahil sa mga narinig niya sa akin, agad siyang humingi ng tawad. Doon nagumpisa siyang magtiwala sa akin.

Sa ngayon, dalawang taon at tatlong buwan nang nagtatagal ang kanilang relasyon. Masiyadong mahaba kung iisa-isahin pa natin ang kanilang mga ginawa sa taong ito. Sana ay maging inspirasyon na lang sila sa atin, lalo na sa mga mahilig manligaw ng babae. Masasabi kong panghabang buhay na ang kanilang relasyon dahil sa tatag ng pundasyon nito. Kung kilala niyo lang sila nang lubusan, maiintindihan ninyo ako.

Silang dalawa ay kasama sa mga inspirasyon ko sa aking pagtatrabaho. Nais ko na balang araw ay nakagawa ako ng kabutihan sa kanilang dalawa at sigurado ako na oras na iyon ay magkasintahan pa rin sila.

Bago matapos ang artikulong ito, binabati ko sina Alexander at Anna Rose ng Happy 27th Monthsary!!!!!

-Julianne Rauland Martir
Straw Hats President
Closing 2010. . .

Monday, December 20, 2010

Julianne Dreamed Of Alex & Anna!!!!!

HC Alexander Balangan & HC Anna Rose Santos
Noong isang araw, nanaginip umano si SH President Julianne Rauland Martir na kailangang magkita daw nang magkasintahang sina HC Alexander Balangan at HC Anna Rose Santos.

"Nanaginip ako nang taong nag-uutos sa akin na pagtagpuin ko daw sina Alex and Anna", ito ang naging pahayag ni Julianne sa SH Online.

Kahapon, matapos siyang mag-deliver ng Philippine Daily Inquirer sa Greenhills, San Juan City, paulit-ulit daw na pumasok sa isipan ni Julianne ang napanaginipan niya noong isang araw habang nagpapahinga siya. Kaya naman, kahit pagod ay agad niyang tinext si Anna Rose na nasa Parañaque City at sinabing magkita sila sa 7-11 Don Galo sa nasabing lungsod. Nang pumayag ang dalaga, agad siyang bumiyahe pa Parañaque City at agad na tumulak papuntang Cainta, sa bahay ni Alexander. Dumaan muna sila sa EDSA Shangri-la Plaza sa Mandaluyong City dahil magdedeliver pa doon si Julianne.

Masayang-masaya ang dalawa nang sila'y magkita. Agad namang nakatulog si Julianne dahil sa sobrang kapaguran.

Kinagabihan din hinatid ni Julianne si Anna Rose sa kanilang bahay. Inabutan pa sila nang ulan habang nasa EDSA Ayala. Nang lumakas ang ulan, pansamantala silang huminto sa Petron Baclaran.

Kwento ni Julianne, hindi niya rin alan kung bakit kinulit siya nang naturang panaginip.

"I really don't know. Pagod na ko at restless tapos magdedeliver pa ko nun, pero pinagkita ko sila. Maybe they missed each other at gumawa na ng paraan si God sa pamamagitan ko, hahaha," pahayag ng SH President.

The Aftermath of Tom Jhon - Kate Ann Relationship!!!!!

HC Tom Jhon Morada
ANALYSIS - Bago tayo magsimula, nais ko munang humingi ng pasensya kung walang ibinalita ang SH Online kahapon. Naabutan kasi kami ni HC Anna Rose Santos ng ulan sa EDSA Ayala kaya pag-uwi ko bagsak agad sa higaan.

Isang buwan na ang nakakalipas nang maging mag-on sina HC Tom Jhon Morada at Kate Ann Santos. Atin nga munang suriin ang mga nangyari noon bago natin tuluyang tapusin ang kontrobersiya tungkol sa kanilang dalawa.

Nobyembre 21 ng taong ito nang lumabas sa SH Online ang balita na hindi makapgdesisyon si Tom Jhon, kung sino kina Kate Ann at Charlene Moldez ang kanyang liligawan sapagkat pareho niya daw mahal ang dalawa. Kinabukasan, nagpahayag naman si Charlene na isinusuko niya si Tom Jhon kay Kate Ann. Itinanggi niya rin na mahal niya ito di tulad nang una niyang naging salaysay. Nang sumunod na araw, umamin si Kate Ann sa SH Online na mag-on na sila ni Tom Jhon, nang lumabas ang kanilang litrato sa Facebook account ng lalaki na animo'y naghahalikan sila. Agad na ibinalita ito ng SH Online na ikinagulat nang iba pang manliligaw ni Kate Ann. Si HC Nico Mikhail Reciproco ang panakadumamdam sa nangyari. Nagpahayag siya nang Facebook ng kanyang hinanakit sa dalawa. Ilang araw lang ang lumipas, lumabas sa SH Online na tanggap na ni Nico ang relasyon ng dalawa. Ngunit, nakatanggap ng balita ang SH Online na may usap-usapan na hindi ito totoo. Kaya naman, sa request ni SHGC Head Jomer Pastolero, nagsagawa kaming mga High Councils ng forum para ayusin ang problema sa kanila, sa kabila ng hectic kong schedule sa trabaho. Naging matagumpay naman ang forum na iyon at pagkatapos nun, natahamik na ang kontrobersiya sa dalawa.

Bagama't hindi pa nagtatagal ang relasyon nina Tom Jhon at Kate Ann, kilala na kaagad ang binata ng pamilya ng dalaga, matapos bumisita ito sa kanilang bahay sa Parañaque City kasama sina HC Alexander Balangan, HC Rjay Guinto at HC Jhomel Santirba.

Makalipas ang isang buwan, masasabi kong ok na ang kanilang relasyon. Matapos ang napakaraming kontrobersiyang hinarap nila, sa wakas nakaahon na rin sila.

Binabati ko kayo ng Happy 1st Monthsary Tom Jhon at Kate Ann. Sana ay tumagal ang inyong relasyon!

Tinamaan ka? Comment ka na!

-Julianne Rauland Martir
Editor-in-Chief
Straw Hats Online

There's No Cease Fire This Christmas!!!!!

Mari The Gunslinger
SH Grand Chase - Walang cease fire na mangyayari kahit pa panahon na ng Kapaskuhan, sa number one casual online game na Grand Chase Philippines. Iingay na ang pvp zone sa pagdating ng 2nd job ni Mari, ang Gunslinger.

Noong unang panahon, merong kaharian sa Archimedia na sinugod ng mga magical tribe. Ang mga magicians ng nasabing kaharian ang unang kumalaban sa mga pwersa ng tribo. Sa kalagitnaan ng giyera, hindi na naging sapat ang kanilang kapangyarihan upang ipagtanggol ang kaharian dahil sadyang mas malalakas ang pwersa ng tribo. Sa oras na iyon, nakaimbento ang mga engineers ng kaharian ng isang sandata na tumatalab sa mga Spell Shields ng kalaban, ito ang Nova Gun. Ipinamahagi nila iyon sa malalakas nilang magicians at sila'y naging mga Gunslingers. Nagtagumpay ang kaharian na maitaboy ang pwersa ng magical tribe.

Paglipas ng ilang taon, ang kahariang iyon ay misteryosong sumabog nang hindi nalalaman ang dahilan. Walang natira sa mga nakatira doon. Maging ang lahat ng nalalaman nila sa pakikipagdigma ay tuluyang naglaho, kasama ang naimbento nilang Nova Gun.

Sa kasalukuyang panahon, muling binuo ng mga dwarves ng Archimedia ang Nova Gun, nang makakuha sila ng kapiraso ng kalatas ng pagbuo nito, mula sa sumabog na kaharian. Sinubukan nila itong ipagamit sa may amnesiang si Mari na isang Ether Tech, dahil nagbabakasakali sila na bumalik ang ala-ala nito.

Simula nang gumaling siya sa paggamit ng baril, hinirang na siya bilang Gunslinger ng makabagon panahon. Panibagong pwersa na naman sa Team Grand Chase upang labanan si Kaze'Aaze.

Straw Hats Grand Chasers! Kuha na ng 2nd Job ni Mari, ang Gunsliner.

For new users, to register, visit http://www.my.levelupgames.ph.

-xGCxShana14
Julianne Rauland Martir
Editor-in-chief
Straw Hats Gamerz

Saturday, December 18, 2010

Rjay: I'm Ready To Fail!!!!!

Pursigidong-pursigido si HC Rjay Guinto sa kanyang panliligaw kay Marjorie Abutan ng Jhozah Xociety, at nakahanda daw siya kung sakaling hindi siya magtagumpay.

Halatang pursigido na si Rjay sa panliligaw nito kay Marjorie. Sa pakikipag-usap niya sa SH Online sa pamamagitan ng text messages, inamin niya na mukhang wala siyang pag-asa dahil sa tuwing binabanggit niya ang tungkol sa kanyang pag-ibig ay iniiba nito ang usapan. Bagama't dehado ang kanyang sitwasyon, sinabi niya na nakahanda siya sa posibleng mangyari. Inaasahan niya na maba-busted siya at mapapabilang sa tinatawag na "SMP" o "Samahan ng Malalamig ang Pasko".

Noong nakaraang Linggo, bumisita si Rjay sa bahay ni Marjorie sa Samagta Taytay, Rizal kasama sina HC Tom Jhon Morada at SH President Julianne Rauland Martir. Ayaw nilang magbigay ng salaysay sa kanilang mga pinag-usapan.

Ayaw namang magreply ni Marjorie sa mga tanong ng SH Online ukol sa panliligaw ni Rjay sa kanya. Sinabi niya lang na sa tuwing nagbabanggit si Rjay ng usapang ligawan, mukha daw itong lasing.

Matatandaang nagsimulang manligaw si Rjay noong Pebrero ng taong ito matapos siyang ma-inlove dito dahil sa JS Prom ng San Juan National High School, kung saan nakitaan sila ng sweet factor.

This Yuletide Season!!!!!

SH President Julianne Rauland Martir
SPECIAL REPORT - Hay naku! Napakabilis talaga ng paglipas ng araw. Heto na naman ang araw ng Pasko. Bago tayo magsimula, binabati ko ang lahat ng viewers ng blog namin na Maligayang Pasko!

Naaalala ko noong nakaraang Pasko ko, magkakasama kaming nangangaroling ng ilang miyembro ng Jhozah Xociety at Kalapapoh Brothers sa Greenland Subdivision sa Cainta. Napakasaya namin kahit maliit lang ang aming natanggap kahit namimilipit na ang mga dila namin sa kakakanta at umiiyak na ang mga paa namin sa sobrang paglalakad. Sa tingin ko, ang Paskong iyon ang huling beses na makakasama ko ang pamilya Lopez, kung saan ako lumaki. Sisimulan ko na ngayon ang pagdiriwang ng Pasko kasama ang mga miyembro ng Straw Hats Pirates. Bakit ko nga ba kinekwento ito? Tama na nga! Ewan ko! Hahahaha!

Sa darating na Pasko, sana ay hindi lang si Santa Claus ang ating naaalala, bagkus ay si Hesukristo sapagkat ipinagdiriwang natin ang Pasko para sa kanyang kaarawan at hindi sa taong likhang-isip lamang na nagbibigay kuno ng regalo. Naimbento si Santa Claus upang mapasaya ang mga musmos. Huwag nating kalimutang sabihin sa kanila na si Hesus ang dahilan kung bakit may Pasko. Umapaw sana ang pagmamahalan sa bawat isa. Matuto tayong magbigay, magpaubaya at magpatawad. Isa-alang-alang natin ang mga taong nagmamahal sa atin ng lubos. Higit sa lahat, magpasalamat sa Panginoon sa mga biyayang ating natatanggap. Huwag nating kalimutang magsimba sa araw ng Pasko.

Hangad ko ang kaligtasan ng bawat isa lalo na't nandiyan na ang Simbang Gabi at pangangaroling. Kahit Pasko ay hindi nawawala ang masasamang elemento sa paligid.

Wala na akong masasabi pa. Hangad ko ang inyong kaligayahan ngayon panahon ng Kapaskuhan!

Muli, isang Maligayang Pasko sa lahat!!!!!

-Julianne Rauland Martir
President, Straw Hats Pirates

Friday, December 17, 2010

Jeffrey Is Engaged With His Girlfriend!!!!!

Kriselle Anne Dimaala & Jeffrey Melendrez
Noong isang araw, nag-alok na umano si HC Jeffrey Melendrez ng kasal sa kanyang long-time girlfriend na si Kriselle Anne Dimaala, kinumpirma ng huli kagabi sa kanyang text mesages.

Nakausap kagabi ng SH Online si Kriselle, sa pamamagitan ng text message. Sinabi ng dalaga na pormal nang nagpropose sa kanya si Jeffrey, noong isang araw. Bagama't wala pa sila sa tamang edad ay inalok na kaagad siya nito. Pumayag naman siya sa gusto ng boyfriend niya. Sinabi niya na matured na ang pag-iisip nitp at nagkakaintindihan na daw silang dalawa. Nagbago na rin umano ito mula sa pagiging babaero niya.

Sa ngayon, kasalukuyan silang nasa Pasay City para ipakilala ng High Council ng Straw Hats Pirates ang kanyang girlfriend sa kanyang mga kamag-anakan. Balak din nilang mamasyal sa amusement park na Star City.

Sa darating na December 27, ipagdiriwang nila ang isang taong anibersaryo nila bilang magkasintahan.

Nauna nang sinabi ni Jeffrey noon ang balak niyang pag-alok ng kasal sa kanyang girlfriend.

Thursday, December 16, 2010

SH Welcomes Kate Ann!!!!!

Pormal nang idinedeklara ng Straw Hats Pirates na opisyal na nilang miyembro ang noo'y kontrobersiyal na si Kate Ann Santos, matapos sumang-ayon ang pito sa labing-dalawang High Councils ng grupo.

Opisyal ng idinedeklara ni SH President Julianne Rauland Martir, si Kate Ann, bilang pinakabagong miyembro ng grupo. Ito'y matapos pumayag ang pito sa labing-dalawang High Councils, kabilang ang kanyang sarili, sina HC Alexander Balangan, HC Anna Rose Santos, HC Rjay Guinto, HC Lester Quiñanola, HC Tom Jhon Morada at HC Jhomel Santirba, Sinabi ni Julianne na bukas na ulit ang grupo sa pagtanggap ng mga miyembro. Muli niyang ibinalik ang naunang batas sa pagsali, na kinakailangang pumayag muna ang pito sa labing-dalawang High Councils ng Straw Hats. Kapag pito naman ang hindi pumayag, inbalido na ang kanilang pagsali.

Tinawagan ng SH Online si Kate Ann at tinanggap ang alok ng grupo sa kanya kanina.

Naging maingay ang pangalan ni Kate Ann sa SH Online ng magkagusto sa kanya ang limang High Councils ng Straw Hats. Sa huli, si Tom Jhon ang nakatuluyan niya at nagdulot ito nang kabi-kabilang batikos.

Sa ngayon, si Kate Ann ang ika-dalawampung miyembro ng grupo.

Inquirer Riders Not Satisfied!!!!!

Inquirer Riders; Edmer Mauring, Ritchie Vargas
Jeff Rocio & Jayson Lopez

Hindi naging masaya ang Christmas Party na inihanda ng Philippine Daily Inquirer at forwarder company nilang DAG Xpress Courier, ayon sa ilang delivery riders.

Inaasahan ng mga riders na magiging masaya ang naturang party ngunit, hindi iyon nangyari. Sinimulan ang party sa paunang salita ng mga supervisors. Sinundan agad ito ng mga palarong inihanda ng mga office staffs. Nanalo si SH President Julianne Rauland Martir sa unang laro na "Apple Banana Fruit Salad", kung saan, tinalo niya ang batikang si Aurelio Labrador. Sumunod naman ang stop dance at ang Trip To Jerusalem kung saan nanalo naman si Ricky Labadia ng Php1000.00 gift certificate sa isang spa. Nagpa-raffle pa sila kung saan nakakuha ang ilang riders ng free passes sa lahat ng sinehan ng Robinson's Malls. Sumunod naman dito ang kainan na pinakaaabangan ng lahat. Nagmula sa Karate Kid ang kanilang kinain. Nakatanggap din sila ng regalo mula sa Inquirer. Binigyan sila ng hamon, macaroni pasta at t-shirt ng Philippine Daily Inquirer na may tatak na 25

Hindi naman nangyari ang inaasahang pagkanta nina Leonardo Gila, Bonaparte Tobias at iba pa. Hindi rin nagpainom ng alak ang DAG para sa mga riders. Sabi pa nga ng iba, masiyadong minadali ang naturang party.

Dahil hindi nakuntento, nagpasya na lang ang mga riders na mag-inuman sa bahay ni Cris Cruz sa Brgy. San Isidro, Makati City. Nagbigay pa nga ng tig-isang libo sina Leonardo at Edmer Mauring ng malasing ang mga ito. Naging masaya sa huli ang mga riders sa bahay ni Cris.

Wednesday, December 15, 2010

Inquirer Riders Celebrates Christmas Today!!!!!

Inquirer Riders, Leonardo Gila, Noel Bacanggoy,
Clifford Lagar & Aurelio Labrador

Ngayong araw isasagawa ng Philippine Daily Inquirer at forwarder company nilang DAG Xpress Courier, ang Christmas Party para sa kanilang mga delivery riders.

Alas dos ng hapon mamaya, magsasagawa ng party, para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, ang Inquirer at DAG sa kanilang opisina sa Chino Roces Ave. Makati City. Kasama si SH President Julianne Rauland Martir at ang lahat ng delivery riders, office staffs at supervisors. Sponsor ng party na ito ang Inquirer, Hinge Inquirer Publications, Philippine Business Daily Mirror, Bela Luce Publishing Incorporated, Hardcore Publishing House Incorporated, People's Independent Media Incorporated at Monica Publishing Corporation.

Inaabangan ang bonggang kainan at inuman ng mga empleyado ng Inquirer. Kaabang-abang naman ang singing contest kung saan tatangkaing talunin si Leonardo Gila nina Bonaparte Tobias, Romier Padilla, Aurelio Labrador at iba pa. Marami ring inihandang mga palaro at mga papremyo pa sa mga riders. Bibigyan din sila ng hamon at iba pang pandagdag sa noche buena. Pagkatapos ng party, pupunta naman sila sa isang restobar sa Makati City para ituloy ang inuman hanggang alas-nuwebe ng gabi. May pasok naman sila pagkatapos ng kasiyahan.

Ito ang ikalawang party ng Inquirer at DAG na dinaluhan ni Julianne.

Tuesday, December 14, 2010

Lolito Is The Next Target By 2011!!!!!

HC Lolito Almoite & SH President Julianne Rauland Martir
Matapos magtagumpay ng SH Online na makausap si HC Lester Quiñanola, balak naman nito na makakuha ng komunikasyon kay HC Lolito Almoite, na kasalukuyang nasa Palawan, ayon kay SH President Julianne Rauland Martir.

Sa darating na Enero ng taong 2011, nais ni Julianne na makausap si Lolito, para makumpleto na ang High Councils bago mag-shift ng governance ang grupo. Gagawin daw nila ang lahat ng paraan upang mahagilap ang cellphone number nito. Sabi rin ng SH President na dating nag-aral si Lolito sa San Juan National High School sa Cainta, Rizal, kaya naman, doon sila unang pupunta. Sa guidance office sila makikipag-usap dahil dito nakatala ang impormasyon ng mga nag-aral dito. Kung sakaling walang makuhang cellphone number, aalamin na lang nila ang address nito sa nasabing probinsiya at saka pagpaplanuhan ang pagpunta doon. Kung hindi rin naman makakakuha sa SJNHS, pupuntahan na lang nila ang dati nitong tinirahan sa Exodus bayan ng Cainta. Sinabi naman ni HC Rjay Guinto na wala nang makukuha pa sa dati nitong tinirahan dahil nangupahan lang sila doon ng kanyang pamilya. Pero ayon kay Julianne, maaaring may kontak pa rin ang mga Almoite sa mga kapit-bahay nito.

Noong Abril ng nakaraang taon, lumipat ng tirahan si Lolito at kanyang pamilya sa Palawan, nang walang nalalaman ang Straw Hats Pirates. Siya ang ika-sampung High Council ng grupo.

Monday, December 13, 2010

5 HC's Wants Kate Ann To Join SH!!!!!

Kate Ann Santos
Nais nang limang High Councils nang Straw Hats Pirates na isali na sa grupo ang girlfriend ni HC Tom Jhon Morada na si Kate Ann Santos.

Muling ibinalik nina Tom Jhon at HC Rjay Guinto ang proposal nila noon na isali si Kate Ann sa grupo. Sumasang-ayon din dito sina HC Anna Rose Santos, HC Alexander Balangan at Hc Jhomel Santirba. Sinabi ni Tom Jhon na oras na para isali na sa grupo ang girlfriend niyang si Kate Ann dahil wala na siyang nakikitang problema o hadlang sa pagsali nito.

Matatandaang noong November 22, 2010, tumanggi si SH President Julianne Rauland Martir na isali ang girlfriend ni Tom Jhon sa grupo dahil kumplikado pa ang takbo nang kanilang relasyon at dahil na rin kay Charlene Moldez. Kung tatanungin daw siya ngayon, ok na sa kanya ang pagsali nito.

Hindi rin daw basta-basta pwedeng isali si Kate Ann sa grupo ayon kay Julianne dahil kinakailangan pa ng kumpirmasyon ng lahat ng High Councils, maliban kay HC Lolito Almoite na wala pa rin komunikasyon sa grupo. Kinakailangan rin munang tanungin mismong si Kate Ann kung talagang gusto niyang mapabilang sa grupo. Sinabi niya noong nakaraang buwan na gusto niya munang makilala siya ng mga High Councils bago siya sumali sa Straw Hats Pirates.

Anna Rose Became Superstar In PNHS!!!!!

HC Anna Rose Santos
Instant superstar ngayon si HC Anna Rose Santos sa kanyang school, Parañaque National High School Main sa Parañaque City, matapos siyang gumanap bilang "Eva" sa speech choir competition.

Pagkatapos makipagkumpetensiya ni Anna Rose at section 17 sa labing-limang kalaban, naging popular siya sa kanilang eskwelahan. Kahit saan daw siya magpunta ay tinatawag siyang "Eva".

Gumanap na bida si Anna Rose sa speech choir nila na pinamagatang "The Creation", bilang si Eva. Ito ay kwento nang paglikha ng Panginoong Diyos sa ating daigdig. Highlight ng kuwentong ito sina Eva at Adan na ginanapan naman ni Mike Daiz.

Kwento ni Anna Rose sa pamamagitan ng text, nagtilian daw ang mga manonood sa kanyang pagpasok sa stage. Nakasuot daw siya ng tube na dinikitan ng mga dahon ng puno. Marami rin daw ang kinikilig sa kanila ni Mike.

Hindi pa nakukuha ng SH Online ang naging resulta ng nasabing kompetisyon dahil nagpapatuloy pa rin ang programa habang isinusulat ang balitang ito.

Lester Surreptitiously Hiding His Disease!!!!!

SH President Julianne Rauland Martir
ANALYSIS - Natuwa ako at ang buong High Councils ng magreply na si HC Lester Quiñanola sa mga text messages na ipinadala sa kanya ng SH Online. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na naka-usap ng mga High Councils si Lester makalipas ang halos isa't kalahating taon, matapos silang lumipat ng kanyang pamilya ng tinitirahan sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

Marami ang nagulat ng malaman nila sa SH Online na 4 years na lang ang itatagal ng buhay ni Lester dahil meron siyang malalang sakit. Napawi naman ito nang sabihin niyang magaling na siya dito dahil umano sa kanyang matinding pananampalataya sa Poong Hesukristo. Marami sa amin ang hindi naniniwala sa kanyang statements, hindi dahil sa sinabi niyang pinagaling siya ni Hesus. Naniniwala ang aming grupo sa kapangyarihan ni Hesukristo.

Ito ang sa tingin ko, at sa tingin din ng mga High Councils, nagsisinungaling si Lester. Maaaring meron siyang kanser o nakamamatay na sakit ngunit patuloy niya pa rin itong inililihim sa amin. Ayaw niya siguro na mag-alala pa kami sa kanya kaya niya sinabing magaling na siya kahit ang katotohanan ay hindi pa naman.

Maraming dahilan kung bakit namin nasabi ito. Noong mga panahong magkakaklase pa kami ng mga High Councils, mabilis manghina si Lester. Ang kanyang katawan ay 'di angkop sa kanyang height, masiyado siyang payat. Ayon naman kay HC Rjay Guinto, mismong nanay ni Lester ang nagsabing hindi siya pwedeng mapuyat dahil nga sa sakit nito. Siya rin ang taong hindi mo makakausap ng matino. Parang napakalalim palagi ng kanyang iniisip. Maliban doon, hindi na namin sasabihin pa ang ibang dahilan.

Ano at ano pa man, masaya ako nang malaman kong magaling na siya pero kung malalaman kong inililihim niyang may sakit siya, labis siguro akong malulungkot. Na kay Lester na iyon kung magtitiwala siya sa amin o hindi. Hindi rin naman namin siya masisisi dahil isa't kalahating taon namin siyang hindi nakasama. Hindi niya alam na sa loob nang panahong iyon ay naging matatag na ang aming grupo.

Well, that's it for today!!!!! 'm gonna pray for him na lang.

Tinamaan ka? Comment ka na!

-Julianne Rauland Martir

xGCxShana24 & AlexAnna21's Reunion!!!!!

SHGC Head Jomer Pastolero's MojoButas
SHGC - Muling nagharap sa pvp zone ng casual online game na Grand Chase Philippines ang mga SHGC All Stars na sina SH President Julianne Rauland Martir at HC Alexander Balangan.

Gamit ni Alexander ang character niyang si AlexAnna21 habang si MojoButas naman ang gamit ni Julianne na pagmamay-ari ni SHGC  Head Jomer Pastolero.

Unang ginamit ng dalawa ang Savior. Natalo nang sunod-sunod si Alexander kay Julianne. Makalipas ang ilang laban, ginamit ni Julianne ang Deva habang Spearman ang kay Alexander. Natalo naman si Julianne sa pagkakataong ito.

Sunod-sunod na nanalo si Julianne sa mga sumunod niyang ginamit, Slasher, Warlord, Abbys Knight, at Knight. Natalo naman siya nang gamitin niya ang Battle Mage.

Natalo rin siya nang gamitin ng huli ang Magician at muling nag-Deva si Julianne. Ngunit sa sumunod na laban, nag-init na ang mga kamay ni Julianne sa paggamit ng Deva at hindi na nanalo pa si Alexander.

Sinabi ni Julianne na muli niyang bubuhayin ang Straw Hats Grand Chase pagkalipas ng dalawang taon.

Sunday, December 12, 2010

SH Finally Reached Lester!!!!!

HC Lester Quiñanola
Nagbunga na rin sa wakas ang pagtitiyaga ng SH Online na makakuha ng komunikasyon kay HC Lester Quiñanola, matapos itong magreply sa text messages na aming ipinadala.

Kahapon ng hapon, pilit na tinawagan ng SH Online ang number na ibinigay ni Jenielyn Dacallos, na sinabi niyang cellphone number ni Lester. Sa 'di inaasahang pagkakataon ay may sumagot. Nanay ni Lester ang unang nakasagot. Sinabi niya na pauwi pa lang siya mula sa trabaho. Gabi na lang daw ulit kami tumawag dahil nasa bahay pa si Lester.

Kinagabihan, nagreply na sa text messages ng SH Online mismong si Lester. Agad niyang kinamusta ang iba pang miyembro ng Straw Hats Pirates. Natuwa siya ng malamang matatag na ang grupo at marami pang miyembro ang nadagdag.

Sinabi ni Lester na kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang service crew sa Hardware Grocery Store sa kanilang bayan.

Nagkwento pa siya ng mga karanasan niya sa probinsya.

Sa loob umano ng isa't kalahating taon ay na-miss niya ang kanyang mga ka-grupo. Hindi daw siya sigurado kung makakabalik pa siya sa Cainta. Mananatili pa din naman siyang Straw Hats Pirates kahit nasa Jose Panganiban pa siya.

Si Lter ang ika-pitong High Council ng grupo. Noong April 2009, lumipat sila ng tinitirahan sa Jose Panganiban, Camarines Norte. May mga tsismis noon na sinabi daw ng kanyang nanay na masamang impluwensya ang Straw Hats Pirates sa kanyang anak.

Sa ngayon, tanging si HC Lolito Almoite na lang ang wala pa ring komunikasyon sa grupo.

Lester: I Was Cured By Jesus!!!!!

Jesus Christ
Inamin kahapon ni HC Lester Quiñanola na may taning na ang kanyang buhay, ngunit ito'y pinagaling umano nang matindi niyang pananampalataya sa Poong Hesukristo.

Sa pakikipag-usap ng SH Online kahapon kay Lester na kasalukuyang nasa Jose Panganiban, Camarines Norte, inamin niya ang katotohanang nagkaroon ng taning ang kanyang buhay. Totoo umano ang mga sinabi niya sa kanyang sulat kay HC Anna Rose Santos noong December 2008. Hindi nakuha ng Straw Hats Pirates ang orihinal na kopya ng sulat matapos itong matangay noong kasagsagan ng Bagyong Ondoy. Sinabi ni Lester isang sakit sa puso ang taglay niya noong 2008. Sinabi din daw ng isang doktor na anim na taon na lang ang itatagal ng buhay niya.

Isa daw himala ang nangyari sa kanyang pagtira sa Jose Panganiban matapos mawala ang sakit niya. Ayon sa kanya, matinding pananampalataya kay Hesukristo ang dahilan nito.

Sa ngayon, wala na daw ang sakit niya. Sa tulong na rin daw ng tamang pagkain, pag-inom ng gamot at tamang ehersisyo kasabay panalangin sa Diyos, unti-unti na daw nawawala ang sakit niya.

Matatandaang nagulat ang mga High Councils sa ibinalita ng SH Online noong nakaraang December 7, 2010, kung saan sinabing apat na taon na lang ang itatagal niya.

Nagpapasalamat naman ang lahat sa Panginoong Hesukristo dahil walang nangyaring masama kay Lester.

Anna Rose Plays Eve In A Speech Choir Tourney!!!!!

HC Anna Rose Santos with IV - 17 of Parañaque
National High School Main
Bukas, araw ng Lunes, lalaban si HC Anna Rose Santos at ang kanyang mga kaklase sa isang speech choir competition, sa kanilang school, Parañaque National High School Main, Parañaque City.

Gaganap umano bilang "Eva" si Anna Rose sa speech choir na pinamagatang "The Creation", ayon mismo sa kanya, sa pamamagitan ng text messages. Para raw iyon sa kanilang subject na English. Pumasok ang kanilang section (section 17) sa final competition na gaganapin bukas. Todo ensayo na sa ngayon ang magkaklase.

Ang "The Creation" ay kwento ng paglikha nang Panginoong Diyos sa ating mundo. Dito rin makikita ang kwento nina Adan at Eva. Halaw ito mismo mula sa Bibliya.

Hiling naman ng Straw Hats Pirates na manalo ang kanilang section sa kompetisyon.

Saturday, December 11, 2010

DAG Announced Christmas Party!!!!!

(standing) Boy Claro;(sitting from left to right)
Carmela Revilla, Enrico Evasco, Ramil Revilla,
Raymond Dela Cruz & SH President Julianne Rauland Martir

Sa darating na December 15, 2010, araw ng Miyerkules, magdiriwang ng Christmas Party ang DAG Xpress Courier. Ang forwarder company ng Philippine Daily Inquirer. Ito rin ang kumpanyang may hawak kay SH President Julianne Rauland Martir.

Sa planta ng Philippine Daily Inquirer, kung saan nagmumula ang suplay ng diyaryo sa Metro Manila, sinabi ni Rogelio Duyugan, dispatcher, na sa darating na Miyerkules na gaganapin ang kanilang Christmas Party. Kasabay din ng pagdiriwang ng ika-dalawampu't limang anibersaryo ng Philippine Daily Inquirer. Ala-una ng hapon ito magsisimula sa mismong opisina ng DAG sa Chino Roces Ave. Makati City.

Kasama sa pagdiriwang ang mga delivery riders, office staffs at mga supervisors.

Inaasahang magiging masaya ulit ang kanilang kainan at inuman gaya nang ipinagdiwang nila ang 1st anniversary ng DAG Xpress Courier noong October 21, 2010.

Pinaka-inaabangan ay ang singing contest kung saan tatangkaing talunin ang champion na si Leonardo Gila. Ang mga susubok ay sina Bonaparte Tobias, Romier Padilla, Peter Herza, Cris Cruz, Noel Bacanggoy at Aurelio Labrador.

Ito ang ikalawang selebrasyong dinaluhan ni Julianne sa Philippine Daily Inquirer

Friday, December 10, 2010

Home Made Food For SH Conference!!!!!

HC Rjay Guinto & HC Tom Jhon Morada
Nagdesisyon na si SH President Julianne Rauland Martir na magluto na lamang nang lutong bahay imbis na bumili ng Pizza Hut para sa darating na December 24, SH Conference.

Noong nakaraan, nagpropose si Julianne sa grupo na bumili na lamang sila ng isang set ng pagkain sa Pizza Hut na nagkakahalaga ng Php1700.00. Sapat na para sa dalawampung katao. Sinabi naman ng ibang High Councils na mas mainam kung sila-sila na lang ang magluluto ng ihahanda sa SH Conference. Nagsagawa pa ang SH Online sa website na ito ng survey upang malaman ang opinyon ng iba. Lumabas na marami ang pabor na sila-sila na lamang ang magluto. Kaya naman, sinabi ni Julianne na kung ano ang desisyon ng marami, 'yun na lang ang kanilang gagawin.

Sina Jojie Florece at HC Harold Lozano ang naatasang magluto para sa lahat.

Sa December 24, 2010 muling magsasagawa ng Conference ang Straw Hats Pirates sa bahay nina HC Jhomel Santirba kasabay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magno-noche buena sila nang magkakasama.

Inaasahan na mas maraming dadalo sa December 24 SH Conference kesa sa nakaraang November 13 SH Conference.

Thursday, December 9, 2010

SH Online Admits Erroneous in Publishing!!!!!

Marjorie Abutan
Inamin ng SH Online na naging mali ang proseso ng pagbabalita kahapon ukol sa balitang balak umano ni HC Rjay Guinto na ligawan si Marjorie Abutan.

Kahapon, nakausap ng editor-in-chief ng SH Online na si SH President Julianne Rauland Martir si Marjorie sa social networking site na Facebook. Sinabi ng dalaga na galit siya sa inilabas na balita kahapon at sa mga pahayag ni Rjay, dahil wala man lang siyang abiso bago isinapubliko ang balita. Inamin naman ni Julianne na naging mali ang paraan ng pagbabalita kahapon. Sinabi nito na maselan ang ibang detalye tungkol sa dalaga.

Nakalagay sa balita kahapon ang balak na panliligaw ni Rjay kay Marjori at ang nakaraan ng dalaga sa pag-ibig.

Dahil sa nangyari, humihingi ng tawad ngayon si Julianne sa dalagang itinuturing niyang anak. Dapat umano ay ipinaalam niya muna kay Marjorie ito bago niya isinapubliko kahapon.

Sa wastong pagbabalita, kinakailangan na makuha ng nagbabalita ang panig ng bawat sangkot sa kontrobersiya.

"I'm very sorry bhaybhie Majho. I hope hindi na maulit ito", sabi ni Julianne.

Inspiring Us In Giving Balanced News & Fearless Views!!!!!

SH President Julianne Rauland Martir
SPECIAL REPORT - Sa loob ng dalawampu't limang taon, sila ang naghahatid sa atin ng balita sa diyaryo. 25 years na ipinakita ang mga 'di malilimutang eksena sa ating bansa. 25 years ng malayang pagpapahayag ng damdamin at opinyon ng masa, 25 years ng chikahan, 25 years of showing our Lifestyle to the world and so many events in 25 years.

Ngayong araw, ipinagdiriwang ng Philippine Daily Inquirer ang kanilang 25th anniversary o ang kanilang silver anniversary. Espesyal ang Inquirer sa akin dahil ito ang nagbigay sa akin ng trabaho matapos akong grumaduate sa high school. Marami akong nalaman sa buhay-buhay dahil sa aking mga katrabaho. Natuto akong magpatakbo ng motorcycle at magdeliver ng diyaryo sa Metro Manila. Dahil din sa Inquirer, nahimok akong ibalik sa ere ang SH Online. Ngayon, hindi na mami-miss ng aking mga miyembro ang latest balita sa grupo.

Gaya ng Philippine Daily Inquirer, nais ko rin na tumagal ang SH Online ng 25 years o higit pa. Mas marami pa kaming ilalahad sa inyo. Marami pang jokes ang magpapatawa sa inyo at kung ano-ano pang magiging improvements ng website sa mga darating na panahon.

Maging inspiration sana ang Philippine Daily Inquirer sa ating lahat!

Nagpapasalamat ako sa aking mga kasamahan, sa pinsan kong si Valentin Arriola na nagpasok sa akin sa Inquirer. Sa mga riders na sina Rogelio Duyugan, Bonaparte Tobias, Ronald Manaligod, Raymond Dela Cruz, Jay Jay Lopez, Anton Jacobe, Roger Feliazar, Rudinel Padilla, Noel Bacanggoy, Leonardo Gila, Albert Cutaran, Noli Valenzuela at sa lahat, kila Sir Boy, Sir Leo, Sir Clim at Boss Pendong.

Hanggang dito na lang! Happy 25th Year Anniversary Philippine Daily Inquirer! In behalf of Straw Hats Pirates!

Tinamaan ka? Comment ka na!

-Julianne Rauland Martir

Wednesday, December 8, 2010

0% Communication On Lester!!!!!

HC Lester Quiñanola
Hirap pa rin ang SH Online sa ngayon na makausap si HC Lester Quiñanola, na nasa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kahapon, lumabas  sa SH Online ang balitang may taning na ang buhay ni Lester dahil sa nakamamatay niyang sakit. Nanggaling ang impormasyong ito mula kay HC Anna Rose Santos matapos niyang ibulgar na binigyan siya nito ng sulat noong nakaraang December 2008. Nakalagay sa sulat na hindi na umano siya magtatagal sa mundo dahil sa kanyang sakit. Hindi nakuha ng SH Online ang orihinal na kopya ng sulat matapos itong matangay noong kasagsagan ng Bagyong Ondoy noong September 2009.

Kahapon, agad na pumunta sa Cainta si SH President Julianne Rauland Martir upang kumuha ng komunikasyon kay Lester. Pinuntahan nito dating bahay ng may sakit na High Councils sa San Francisco ng nasabing bayan. Bigo sila na makakuha sa mga kamag-anakan nito.

Sunod itong pumunta sa bahay nina Jenielyn Dacallos, ang pinsan ni Lester at dating kaklase ni Julianne. Naibigay niya ang cellphone number ng nanay ni Lester mula sa kanilang tiyuhin. Sinabi pa nito na kasalukuyang nagtatrabaho si Lester sa isang restaurant sa Jose Panganiban.

Agad na nagpadala ng text messages ang SH Online sa number na naibigay ni Jenielyn ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring natatanggap na reply ang grupo. Sinubukan din siyang tawagan ngunit hindi maabot ng coverage.

Sinabi naman ng ibang High Councils na hindi sila naniniwala sa balita hangga't walang kumpirmasyon mula mismo kay Lester.

Most Read Posts