Magkasangga! Youth Organization Grand Christmas Party!

Announcement to everyone!

Magkakaroon ng Grand Christmas Party ang Straw Hats Pirates Organization, kasama ng iba't-ibang youth organization sa Cainta. Ang lahat ng miyembro ng ating organisasyon ay imbitadong pumunta, upang makisaya kasama pa iba pang mga youth clubs.

What: Magkasangga! Youth Organizations Grand X-mas Party!
When: December 21, 2012 7:00 pm (1900H)
Where: Cainta Elementary School, Cainta, Rizal
Who: All members of Straw Hats Pirates and other Youth Clubs in Cainta

Lahat ng President ay kasali sa exhange gift!

Ang mga youth organizations ay kinakailangan ng presentation.

Ito'y hatid sa atin ni Kapitan Willy Felix, Kapitan Joe Ferrer, Konsehal Ace Servillon at Engineer Noel Jurtado.

Kitakitz na lang!

Text me for more information at 09289848821
Message me at my Facebook account: www.facebook.com/shinquirer14

Grand Chase Philippines

Grand Chase Philippines
The number one casual online game in the Philippines. Register now for free at www.my.levelupgames.ph

Grace Glinofria

Grace Glinofria
Please like the Facebook fan page of Grace Glinofria. Just click the photo. . .

Saturday, December 18, 2010

This Yuletide Season!!!!!

SH President Julianne Rauland Martir
SPECIAL REPORT - Hay naku! Napakabilis talaga ng paglipas ng araw. Heto na naman ang araw ng Pasko. Bago tayo magsimula, binabati ko ang lahat ng viewers ng blog namin na Maligayang Pasko!

Naaalala ko noong nakaraang Pasko ko, magkakasama kaming nangangaroling ng ilang miyembro ng Jhozah Xociety at Kalapapoh Brothers sa Greenland Subdivision sa Cainta. Napakasaya namin kahit maliit lang ang aming natanggap kahit namimilipit na ang mga dila namin sa kakakanta at umiiyak na ang mga paa namin sa sobrang paglalakad. Sa tingin ko, ang Paskong iyon ang huling beses na makakasama ko ang pamilya Lopez, kung saan ako lumaki. Sisimulan ko na ngayon ang pagdiriwang ng Pasko kasama ang mga miyembro ng Straw Hats Pirates. Bakit ko nga ba kinekwento ito? Tama na nga! Ewan ko! Hahahaha!

Sa darating na Pasko, sana ay hindi lang si Santa Claus ang ating naaalala, bagkus ay si Hesukristo sapagkat ipinagdiriwang natin ang Pasko para sa kanyang kaarawan at hindi sa taong likhang-isip lamang na nagbibigay kuno ng regalo. Naimbento si Santa Claus upang mapasaya ang mga musmos. Huwag nating kalimutang sabihin sa kanila na si Hesus ang dahilan kung bakit may Pasko. Umapaw sana ang pagmamahalan sa bawat isa. Matuto tayong magbigay, magpaubaya at magpatawad. Isa-alang-alang natin ang mga taong nagmamahal sa atin ng lubos. Higit sa lahat, magpasalamat sa Panginoon sa mga biyayang ating natatanggap. Huwag nating kalimutang magsimba sa araw ng Pasko.

Hangad ko ang kaligtasan ng bawat isa lalo na't nandiyan na ang Simbang Gabi at pangangaroling. Kahit Pasko ay hindi nawawala ang masasamang elemento sa paligid.

Wala na akong masasabi pa. Hangad ko ang inyong kaligayahan ngayon panahon ng Kapaskuhan!

Muli, isang Maligayang Pasko sa lahat!!!!!

-Julianne Rauland Martir
President, Straw Hats Pirates

1 comment:

  1. CAPTAIN WALA BA MALILIGAWAN SA MGA SH MEMBER..JOKE...SARAP NG MAY KA RELATIONSHIP..!!!HAHAHAH

    ORA^_^

    ReplyDelete

Most Read Posts